Nakahiga lang ako sa kama habang hinihintay ang tawag ni Pirius. Ngayon na dapat siya uuwi dahil ika-two weeks na simula nang umalis siya. Excited na talaga ako dahil miss na miss ko na siya... Sasalubungin ko talaga agad siya ng yakap at halik pag-uwi n'ya.
Agad akong napabangon nang marinig kong tumunog ang phone ko. Agad kong tiningnan ang tumawag pero nadismaya rin ako nang makitang si Denise lang pala ang natawag... Isa siya sa mga naging kaibigan ko na rin. Girlfriend siya ni Xceron na isa rin sa miyembro ng feroci.
"What?!" I asked, super irritated.
"Wow! Galit agad?! Wala man lang hello?" reklamo n'ya sa kabilang linya.
I just rolled my eyes and sighed. "What do you need ba kasi?"
"Wala naman. Pupunta kami sa mall nina Kiara bukas. Sama ka? Manlilibre ang rich ladies natin kaya sumama ka."
"Busy ako, next time na lang ako sasama," sabi ko na lang saka muling humiga sa kama.
Ngayong gabi o bukas ang uwi ni Pirius kaya hindi ako makakasama sa kanila. Nasama lang naman ako sa kanila sa tuwing wala siya. Kapag nandito na si Pirius, hindi ako nasama muna kung kani-kanino dahil palagi siyang naalis. Kailangan naming samantalahin ang moment na magkasama kami.
I just closed my eyes and sighed after that short conversation with Denise. I should be doing my scheduled designs right now. But I couldn't focus on my work knowing that Pirius will call or come home any minute. Masyado kong inaabangan ang pag-uwi n'ya kaya hindi rin ako nakakapagtrabaho nang ayos.
"f**k, Denise..." I muttered when my phone rang again... Malamang mamimilit na naman 'yon sa mall.
Agad kong sinagot ang tawag at naiinis na inilapit iyon sa tainga ko.
"Ano ba?!" asik ko.
Hindi agad siya sumagot sa kabilang linya. Napakunot na lang ang noo ko dahil himala yata na may oras na natahimika ang babaeng 'to. Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung namatay ba ang tawag pero gano'n na lang ang gulat ko nang pangalan ni Pirius ang nakalagay ro'n. Agad akong napabalikwas ng bangon at napatikhim.
"Ahm... are you mad at me, wife?" tanong nito sa malambing na boses.
"N-No! I'm not mad at you, love... Akala ko lang kasi si Denise ang tumawag. I'm sorry," I mumbled and bit my lower lip.
Narinig ko lang ang boses n'ya para ng nanghina ang mga tuhod ko. Nakakapagtaka na ganoon pa rin ang epekto n'ya sa akin kahit ilang taon na ang nakalipas sa relasyon namin... mahal na mahal ko pa rin siya at hindi man lang 'yon nabawasan nang kaunti sa mga nakalipas na taon.
"Wife... I'm sorry but I think this will extend. Baka two weeks pa bago ako makauwi ulit. I'm sorry," hinging paumanhin n'ya.
I was disappointed... but I just smiled although he couldn't see me right now... "It's fine, Rius. Basta palagi ka lang tatawag sa akin para hindi ako nag-aalala, hmm? Mag-iingat ka palagi riyan saka h'wag mo kakalimutang magpahinga," sabi ko na lang habang pilit na itinatago ang pagkadismaya sa boses ko.
"You too, wife. Don't drain yourself too much and don't worry, I will always call you... Sorry dahil hindi ako makakauwi agad. Babawi ako pag-uwi ko. Hmm?"
I just chuckled and hugged my pillow. "Make sure you'll do because I really missed you... like hell." I sighed. "Can't wait to finally kiss and hug you... I will wait for you, love," sabi ko na lang saka muling humiga sa kama.
"Miss na rin kita nang sobra... Sumama ka na rin muna kina Denise para hindi ka nabo-bored, hmm? Saka h'wag puro junk foods ang kainin mo," bilin pa n'ya.
"Okay, fine. Ikaw rin ha?" Humigpit ang yakap ko sa unan. "By the way, wala ka bang kwento today?" I asked and stared at the ceiling.
"Hmm... wala naman. Usual lang naman ang nangyari... puro trabaho," natatawang sabi n'ya. "How about you? May kwento ka ba today?" tanong n'ya.
"I have... Alam mo ba? May pervert client na naman ako kanina. Hinawakan n'ya kanina ang legs ko!" naiinis na sumbong ko sa kan'ya.
"What the f**k?! Tell me that asshole's name and I will ruin his life!" galit namang sabi ni Rius. Nakikita ko ng namumula ang mukha n'ya sa galit ngayon. Natatawang napailing na lang ako.
"Don't worry, darling. I crushed his balls already. You know me naman 'no, I can always protect myself." I giggled.
"That's my wife... I love you," sabi n'ya saka narinig ko pa ang kiss sounds n'ya sa kabilang linya. Natatawang napailing ako saka mas hinigpitan ang yakap sa unan ko.
"I really miss you, Rius... Kapag talaga umuwi ka, mag-se-s*x tayo buong araw," sabi ko na lang saka napakagat sa ibabang labi ko.
Tumawa nang malakas si Rius na minsan ko lang marinig. "Damn, wife... Why are you like this?" He chuckled. I can imagine him grinning from ear to ear right now.
"Oh, darling please. I know I'm lovable," pagyayabang ko habang nakangisi pa.
"Yes, you are truly lovable... that's why I love you so damn much."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napayakap nang mas mahigpit sa unan. Halos sampung taon na kaming magkarelasyon pero nagagawa n'ya pa rin akong pakiligin nang ganito. Mas lalo ko lang siyang minamahal sa mga lumilipas na taon sa buhay namin.
"Now, I'm missing you more, Rius. Sana umuwi ka kaagad dito after mo riyan. I really really miss you," I muttered and let out a sigh.
"I miss you more, wife. I can't wait to finally hug you tight and give you lots of kisses." He chuckled and let out a cute kiss sound.
I giggled. "Hey, stop being cute, Alfero. You are not allowed to be that cute when I'm not by your side." My eyes narrowed. "By the way, always call me, hmm? Saka don't skip lunch or dinner kundi malalagot ka sa akin. I love you so much."
"I love you more, my lovely wife. I promise I'll come home right after this. I love you. Don't forget to take a rest."
"You too, Pirius."
Sa totoo lang ay sobrang disappointed ako na hindi siya makakauwi agad dito. Pero dalawang linggo na lang naman, kaya ko namang tiisin 'yon. Ang ilang buwan nga ay natatagalan ko. Ito pa kaya? Saglit na lang ang hihintayin ko.
THAT'S WHAT I thought. I waited for two weeks and did my best to make myself busy because I don't want to miss him so much... but after two weeks, he suddenly stopped calling and texting me. I don't know what's wrong. Wala akong balita sa kan'ya sa nakalipas na halos tatlong buwan. I desperately want to ask his friends in feroci but I don't have courage to do so. Oo nga't matagal na silang kaibigan ni Pirius, pero hindi naman ako malapit sa kanila... Ilang buwan na rin akong walang ayos na tulog kakaisip sa kan'ya... Sobra akong natatakot at nag-aalala.
I rarely pray... pero ipinagdadasal ko nang paulit-ulit na sana walang nangyaring masama sa kan'ya... Hindi ko kakayanin.
"Bakit napapadalas yata ang pagsama mo sa amin, girl?" Denise asked and drank her lemonade.
Hindi agad ako nakasagot at tipid na ngumiti na lang... Sa totoo lang, nabwelo pa rin ako hanggang ngayon. Gusto kong itanong nila sa mga asawa nila kung nasaan na si Pirius... pero hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ng loob.
"You really seem tired, Faith. Are you alright?" Kiara asked, she seems worried.
I smiled faintly at them and nodded. "I-I'm fine."
Halatang hindi sila kumbinsido, lalo na si Denise, pero hindi na lang sila nagsalita. Siguro ayaw nila akong pilitin... pero iyon nga ang gusto kong mangyari. Gusto kong malaman nila ang problema ko ngayon kahit hindi ko sabihin... kahit pa alam kong imposible naman 'yon.
Nahihiya akong magsabi.
"Huy, Angel. Sabi mo nu'ng nakaraan ililibre mo 'ko ng TV," sabi ni Denise habang nakakapit sa braso ni Angel.
"Seriously, when did I say that, Denise? What do you think of me? Sugar mommy mo?" Angel asked sarcastically and rolled her eyes.
"Edi h'wag, damot," Denise complained and clung on my arm instead.
Ngumingiti na lang ako habang naggagala kami sa mall. Kahit papaano, nadi-distract ako dahil kay Denise pero alam kong mamayang gabi, kapag ako na lang ulit mag-isa... iisipin ko na naman si Pirius, kung kumusta na ba siya, kung bakit wala siyang paramdam... kung bakit tinatakot n'ya ako nang ganito.
I don't want to think bad about him again. I know he won't betray me. Alam kong may dahilan siya o baka naman may nangyari lang talaga. Pero hindi ko maiwasang magtampo. Hindi n'ya ba naiisip na sobrang nag-aalala ako? Halos hindi ko na rin magawang kumain nang ayos kakaisip sa kan'ya.
"Huy, gaga. Saan ka pupunta?"
Pupunta na sana ako sa kotse ko paglabas namin ng mall pero natigilan ako nang humawak si Denise sa braso ko. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kan'ya. Napataas ang kilay ko.
"Siyempre, uuwi na," sagot ko na lang sa tanong n'ya.
"Hindi pa tayo uuwi. Doon muna tayo sa restaurant ni Cad. Magdi-dinner tayo," sabi na lang ni Denise saka hinila ako.
Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kan'ya. Wala rin naman akong ibang gagawin pag-uwi ko kundi ang mag-overthink, mag-alala, at tadtarin ng texts at tawag si Pirius kahit alam kong hindi n'ya sasagutin o re-reply-an ang mga 'yon.
"Hello, people in the world!"
I just smiled faintly when we're finally at Amianna's delight, Cad's restaurant. Bago umalis si Pirius, naalala ko na kumain muna kami rito. I miss those moments. I miss him so much... I don't know what's happening anymore. He never done this before. Hindi nga siya nakakatiis ng hindi ako ina-update kahit isang araw lang... may nangyari ba talagang masama sa kan'ya?
"Liah, bebe!" hiyaw ni Denise at akmang susugurin ng yakap si Liah pero agad siyang tinulak ni Cad.
"Lumayo ka, akin lang 'to," ismid ni Cad saka yumakap lalo kay Liah.
I just smiled and caressed my arm... Pirius is just like that too.
"Bakit ibang tao ang sinusugod mo ng yakap at hindi ako na boyfriend mo?" nakakunot-noong tanong ni Xceron kay Denise.
Tahimik lang ako na nanonood sa kanila. Nandito rin sina Cad at Xceron... Dapat hindi na lang pala ako sumama. Mas lalo ko lang nami-miss si Pirius dahil sa kanila.
"Bakit mo ka nagyayaya rito, Denise pangit?" tanong ni Cad saka agad na umupo sa tabi ni Liah.
"Wala, para libre 'yung dinner," nakangising sabi na lang ni Denise.
Umupo na lang din ako sa tabi ni Denise at hindi na nagsalita pa. Naramdaman kong yumakap si Denise sa braso ko pero hindi na lang ako kumontra, palagi naman talaga siyang gan'yan... Pero inalis din agad ni Xceron ang pagkakahawak sa akin ni Denise saka umakbay sa girlfriend n'ya na para bang may aagaw rito.
"Tangina n'yo. Walang libre libre. Mga gago ba--"
Liah immediately cut Cad off. "H'wag kang magmura sa harapan ng pagkain, Cad," tila nanenermong sabi nito.
Cad immediately nodded like a good boy. "Okay po, hindi na po magmumura."
"Under si tanga," natatawang pang-aasar ni Denise.
"Manahimik ka, walang nagmamahal sa 'yo, bobo--I mean, basta, walang nagmamahal sa 'yo," ganting asar naman ni Cad.
Tahimik na kumain na lang ako ng pizza. Maliit na kagat lang ang nagawa ako. Pakiramdam ko nga hindi ko mauubos ang isang slice dahil wala talaga akong gana kumain. Even my secretary noticed that I've become thinner... I couldn't even work properly for the past months. Ngayon lang nangyari ang ganito kaya sobra ang epekto sa akin.
"Faith, I stalked you on f*******: last time. Almost ten years na pala kayo ni Pirius?" Kiara asked and took a bite on her pizza.
I just smiled and nodded. "Hmm, actually, malapit na ang tenth year anniversary namin."
"Wow, nangangamoy kasalan na ah. Knowing Pirius, siguradong nagpa-plano na 'yon na magpakasal kayo. OMG, gawin mo 'kong maid of honor," tila excited na sabi ni Denise saka kumindat sa akin.
"Wala pa kaming plano... Kayo ni Xceron, kailan kayo magpapakasal?" tanong ko na lang para maiwas doon ang usapan.
"Ay, hindi pa 'ko ready makasal," sabi na lang ni Denise saka kumagat sa pizza n'ya.
Pasimple akong napatingin kay Xceron. Halatang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ni Denise pero hindi na lang siya nagsalita pa.
"Pero, Faith... nag-away ba kayo ni Pirius?"
Natigilan ako sa biglang tanong ni Denise. "H-Hindi... bakit mo naitanong 'yan?"
"Wala lang, parang palagi kang wala sa sarili kaya naisip ko na baka may malala kayong away ni Pirius, pero buti na lang wala."
Hindi na ako nagsalita ulit. I just keep on listening to them while quietly eating my pizza... I honestly can't take this anymore. Gustong gusto ko ng magtanong sa kanila, lalo na kay Cadence kung nasaan na si Pirius. I know he can find Pirius in just a snap of his finger... Alam kong kapag nagtagal pa 'to, baka sa ospital na ako pulutin dahil sa pag-aalala kay Rius.
"C-Cad..."
Natigilan sila nang magsalita ako. I bit my lower lip and gripped my hand bag tightly. They are just looking at me, waiting for me to speak... I took a deep breath and looked at him. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Siguro nga ay palabiro si Cad pero siya ang tipo na alam kung kailan dapat magseryoso. Marahil napansin n'ya na seryoso ang sasabihin ko sa kan'ya.
"W-Will you please find Pirius for me? I'm really worried about him. Ang tagal na n'yang walang paramdam. I don't have a lot of money like you guys but I-I'll pay you for it," I stammered.
Mas lalo silang natahimik sa sinabi ko. Nagtatakang napatingin sila sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. Napalunok na lang ako at napatingin din sa kanila... Bakit sila gan'yan makatingin sa akin? It felt like I've said something absurd.
"Joke ba 'yan, Mary Faith?" Cad asked, his forehead furrowed.
"H-Huh?" I asked, my mind was clouded with confusion. What does he mean by that?
"Noong nakaraang linggo pa nandito sa Pinas si Pirius, diba? Kinumusta nga kita sa kan'ya kahapon nu'ng dumaan ako sa kompanya n'ya."
Natigilan ako sa sinabi ni Cad. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pasimple pa akong tumingin kina Denise, gusto kong malaman kung nagbibiro ba si Cad... pero mukhang seryoso siya. Walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Maski sina Angel ay nagtatakang nakatingin sa akin na para bang ako na lang ang hindi nakakaalam ng tungkol kay Pirius.
Denise laughed awkwardly. "Joke ba 'yon, Faith?"
I gulped the lump in my throat and smiled at them, a forced one... "I-I'm just joking," I muttered and avoided their gaze.
I felt embarrassed... My chest is also tightening and I can feel my vision becoming blurry. So they all know about it... Bakit wala akong ideya? Bakit hindi nagparamdam sa akin si Pirius kung nandito naman pala siya sa Pilipinas? Bakit n'ya ako pinagmukhang tanga?
MABIGAT PA RIN ang loob ko hanggang sa makauwi ako. Sa totoo lang kanina pa ako naluluha dahil sa nalaman ko. Pilit na lang akong umaktong normal sa harapan nila kanina dahil ayaw kong malaman nila na talagang wala akong ideya tungkol kay Rius.
Ayokong magmukhang tanga sa harapan nila.
Pagpasok ko sa silid namin, natigilan ako nang si Pirius ang bumungad sa akin. He's removing his seaman uniform. He looked at my direction and gave me a small smile.
"Hey..."
I didn't respond. I remained staring at him. Gusto kong alamin kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko... Totoo bang nandito na siya ngayon?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naikuyom ko ang kamao ko habang hindi maalis ang titig ko sa kan'ya. I don't know what to feel at this moment. Halo halo na ang pakiramdam sa kalooban ko na halos hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Nanghihina ang mga tuhod na naglakad ako palapit sa kan'ya. Hinawakan ko pa ang pisngi n'ya upang siguruhin na totoo ngang nasa harapan ko si Pirius sa mga oras na 'to.
"B-Bakit ngayon ka lang umuwi? B-Bakit hindi ka man lang nag-text o tumawag sa akin? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala?"
Hindi ko alam kung bakit ang mga 'yon ang lumabas sa bibig ko. Dapat ay sisigawan ko siya at sasampalin... pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawa ang nasa isip ko ngayong nasa harapan ko na siya.
"I'm sorry. Our ship was stranded on a secluded island for months. I also lost my phone, and we were left there with almost nothing to eat," paliwanag n'ya.
"I-Is that so? Kaya pala namayat ka nang kaunti. Nag-alala ako sa 'yo... Gusto mo bang ipagluto kita?" tanong ko na lang saka marahang hinaplos ang pisngi n'ya.
Pirius just shook his head and unbuttoned his shirt. Bahagya siyang lumayo sa akin saka tuluyang hinubad ang damit n'ya... Napalunok na lang ako at pasimpleng napayakap sa sarili ko nang mapansin kong tila may kakaiba sa kan'ya ngayon.
Ang tono ng boses n'ya, ang actions n'ya, at ang mga mata n'ya... tila may kakaiba sa mga 'yon na hindi ko maipaliwanag. Sa mga ganitong pagkakataon na matagal kaming hindi nagkita, agad n'ya akong niyayakap at pinauulanan ng halik... Bakit parang mailap siya ngayon?
"Sorry, Faith, but I have to go to the company tonight. Mag-o-overtime ako sa trabaho," sabi ni Rius saka kumuha ng damit sa drawer n'ya.
"Kakauwi mo lang, bakit magtatrabaho ka kaagad?" tanong ko na lang saka napahawak sa braso ko.
He didn't call me wife... He called me by my name... why is he being like this?
"Natambak ang trabaho ko dahil ilang buwan akong nawala," tipid na sagot n'ya.
Napatango na lang ako at umupo sa kama saka pinagmasdan ang bawat kilos n'ya. It seems like he's really not in the mood... Why though? Did something happen to him?
Akmang papasok na siya sa bathroom ngunit natigilan siya nang tawagin ko siya. He looked at me... "Hmm?" he asked.
"P-Pirius... kailan ka nakauwi rito sa Pilipinas?"
Natigilan siya bago sumagot... "Ngayon lang," tipid na sagot n'ya bago tuluyang pumasok sa bathroom.
Natigagal ako sa sagot n'ya. Agad na nanginig ang mga kamay ko kasabay ng pamumuo ng pawis sa noo ko kahit na malamig sa silid namin. Napasapo na lang ako sa dibdib ko habang pilit na pinakakalma ang sarili ko kahit na alam kong imposible...
Bakit nagsisinungaling na siya sa 'kin ngayon? Ano ba ang totoong nangyari sa ilang buwan na wala siyang paramdam?