Chapter Six

2323 Words
Natigilan ako sa tanong n'ya... Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagtanong ng ganitong bagay. "Of course, Rius... Gusto kong ikasal sa 'yo at bumuo ng pamilya kasama ka... gustong gusto ko," diretsang saad ko habang nakatitig sa kan'ya. Hindi agad siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig nang seryoso sa akin at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon. "Why are you suddenly asking that?" I muttered and gently caressed his cheek. He gave me a small smile and kissed my lips gently. He slightly distanced his face after that and stared intently at me... "Nothing... I just want to know. I thought maybe... you're still not ready," nasabi n'ya saka isinandal ang noo n'ya sa balikat ko. Natatawang napailing na lang ako at hinaplos ang buhok n'ya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging ganito. Pirius can be unpredictable most of the time. Kahit pa ilang taon na kaming magkasama, may mga pagkakataon na hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya. Matagal din kaming nanatili sa gano'ng pwesto bago tuluyang nagyaya si Pirius na umuwi. Paglabas namin sa office ni Pirius, nahalata ko na tila nagtatakang napatingin sa akin ang secretary n'ya. Marahil nagtataka ito kung bakit nanggaling ako sa officre ni Rius kahit hindi n'ya ako nakita kanina pagpasok n'ya. "Faith, let's just buy food na lang. You're too tired to cook," Pirius said when we're finally inside his car. "Okay, may need pa rin kasi akong tapusing design kaso inuna ko ang paglambing sa 'yo," sabi ko na lang saka napaismid. "Gano'n ka ba lumambing? Nakakatakot naman," tila nang-aasar na sabi n'ya saka natatawang umiling. "Rius, hindi ka naman mukhang natakot. Mukha ngang sarap na sarap ka," ganti ko saka ngumisi sa kan'ya. Pirius coughed and tilted his head. I just laughed and winked at him. Siya pa yata ang mukhang nahihiya sa aming dalawa pagkatapos n'ya akong araruhin nang ganoon kanina... parang ewan lang. Ako pa ang walang hiya palagi sa aming dalawa. "Saan tayo bibili ng food?" tanong ni Pirius saka pinaandar na ang kotse n'ya. "Gusto ko yata ng vegetable salad na lang. Then bahala ka na kung ano'ng gusto mo," sabi ko na lang habang inaayos ang buhok ko. Medyo nagulo dahil sa pagsabunot n'ya sa akin kanina pero hindi naman sobrang magulo. Maganda pa rin ako kahit sabog ang buhok ko. "Wait for me here. Ako na ang bibili," sabi na lang ni Pirius nang makarating na kami sa restaurant na hilig kong bilhan ng vegetable salad. I just nodded at him and watched him as he went inside the restaurant. I just took my phone and to scroll on my social media accounts while waiting for him. Natigilan ako nang makitang nagmessage sa akin si Eric sa f*******:. Napapailing na in-open ko na lang 'yon para tingnan. Eric: Kumusta? Bati na kayo ni Alfero? Me: Oo bati na kami but I'm so mad at you! Bakit ka nagsabi nang gano'n kay Rius? Nag-away lang naman kami kaya ko nasabi sayo 'yon before. Eric: Wala naman. Nagbabaka sakali lang na maghiwalay kayo para sa akin ka tumakbo. Me: Here we go again with your humorless jokes, Ericson. Eric: Just kidding. Basta sabihan mo na lang ako kapag maghihiwalay na kayo. I'll catch you. Napailing na lang ako at nag-angry react sa message n'ya. Palagi na talaga siyang nagbibiro nang gan'yan kahit noon pa. I know he was just kidding but sometimes his jokes are way beyond the line. Madalas n'ya ring inisin si Pirius. Ako ang palaging nag-aalala para sa kan'ya kapag ginagawa n'ya 'yon. Pirius is short-tempered when it comes to other people. Besides, Pirius can literally kill people. Parte 'yon ng trabaho n'ya sa feroci. Natigilan lang ako nang mapansin kong nagmamadaling pumasok si Pirius sa kotse dala ang paper bag na siguro ay may lamang pagkain. Napakunot ang noo ko nang kinuha n'ya ang baril mula sa likuran n'ya. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na pinaharurot ang sasakyan. Nagtatakang napatingin ako sa kan'ya. "What's happening?" tanong ko saka tumingin sa likuran. Naningkit ang mga mata ko nang mapansing may dalawang kotseng humahabol sa amin... "Oh... you messed it up again, huh," I mumbled and shook my head. "Well, it can't be helped." Pirius chuckled. "Akala ko napatay ko na silang lahat kagabi, pero mukhang may nakalusot," napapangiwing sabi n'ya. "Lagot ka na naman kina Xanthos," natatawang sabi ko na lang saka napailing. Pirius is a member of a secret organization called feroci. Hindi naman n'ya inililihim sa akin ang tungkol doon at sa kung anong klaseng trabaho ang ginagawa n'ya ro'n. Alam ko rin na galing sa organisasyon nila ang karamihan sa kayamanan n'ya ngayon. I know that feroci is a group full of heartless killers and thieves... Pirius is actually the weakest among feroci members kaya madalas mangyari na sumasabit siya kagaya nito. Kaya tinuruan n'ya rin akong protektahan ang sarili ko maliban sa mga tagong tauhan n'ya na nakabuntot sa akin palagi. "Let me help you, darling," I said and opened my bag. I took my pink gun there... I missed using my baby. "Faith, behave," Pirius said in a warning tone. "Shh... Wala ka bang tiwala sa 'kin?" I clicked the button beside the horn button. I smirked when the sunroof of his car automatically slides. Agad kong inilusot doon ang katawan ko hanggang sa nakalabas na ang itaas na parte ng katawan ko. Buti na lang naka-bun ang buhok ko kaya hindi sumasabay 'yon sa malakas na hangin. Ikinasa ko ang baril ko saka naningkit ang mga mata habang nakatitig sa dalawang kotse na humahabol sa amin. "Show them what you've got, wife!" narinig kong sabi ni Pirius habang abala pa rin sa pagmamaneho. Natatawang napailing na lang ako dahil parang kanina lang pinipigilan n'ya ako. Siguro naisip n'ya rin na hindi na n'ya ako mapipigilan. Ipinikit ko ang isang mata ko at inasinta ang gulong ng isang kotse. Napangisi ako nang agad na tumirik iyon nang matamaan ko ang gulong... "Okay, another one," I mumbled and targeted the other car's wheel... Natigilan lang ako nang magpaputok din sila ng baril. Napamura na lang ako dahil muntik pa akong natamaan. "Tanga! Tanga ka umasinta! Bobo! f**k you!" hiyaw ko at inangat ang gitnang daliri ko. Natatawang pumasok na lang ulit ako sa loob nang muli na naman silang magpaputok. Kung hindi ako nakapasok agad baka nabaril na ako. "You pissed them off, huh," Pirius said while chuckling. "I don't care. Nakakairita sila. Ngayon pa sila umatake kung kailan gustong gusto ko ng umuwi para makapaglandian na tayo sa bahay." Napaismid ako. Muli kong nilusot ang katawan ko sa sunroof. Bumilang pa ako ng ilang saglit para bumwelo at mag-focus sa pag-asinta sa gulong ng natitirang kotse na humahabol sa amin. Napangisi ako nang tuluyan na ring tumigil ito pagkatapos kong patamaan ang gulong. Napabuga ako ng hangin at muling bumalik sa loob. Tumingin ako kay Pirius saka napangisi. "Dapat na yata akong sumali sa feroci," natatawang sabi ko saka muling ibinalik ang baril ko sa bag. "I won't let you join that f****d up organization." He chuckled and shook his head. "What are you gonna do about them?" tanong ko na lang saka itinuro ang kotse na malayo na ngayon sa amin. "I'll take care of them before I leave." "Kailan ka ba aalis ulit?" tanong ko. Hindi ko maiwasang malungkot agad. Swertihan na ang ilang linggo na magkalayo kami dahil minsan umaabot pa ng buwan. "Next next week, wife... Don't worry, dalawang linggo lang naman magtatagal ang biyahe ko this time," sabi n'ya saka hinawakan ang kamay ko at marahang dinampian ng halik ang likod no'n. "Hindi ka pa naalis, nami-miss kita agad." Napabuntonghininga ako. Natawa si Pirius saka marahang pinisil ang kamay ko. "Nami-miss din kita agad kahit hindi pa 'ko naalis... Don't worry, pagbalik ko mas matagal na 'kong mags-stay kaysa aalis," sabi n'ya pa. Napangiti na lang ako at tumango. I guess I have to endure it na lang. I respect his job because it makes him happy even though we're mostly apart because of it... Nasabi n'ya rin naman sa akin noon na titigil na siya sa trabaho n'yang 'yon kapag ikinasal na kami. PAG-UWI NAMIN, agad na kaming nag-asikaso para kumain. Sa living room na kami kumain para manood ng One Piece habang nakain. "Rius, aah..." I opened my mouth and wait for him to feed me. Bahagya siya natawa saka sinubuan ako ng fries. Dinampian n'ya pa ng halik ang labi ko. Napangisi na lang ako saka sumandal sa balikat n'ya. Agad naman siyang umakbay sa akin at dinampian ng halik ang sentido ko. Pagkatapos naming kumain, nagtungo na kami sa kwarto para magshower at magpahinga. Balak ko munang tapusin ang ilang designs na hindi ko natapos kaya hindi muna ako makakapagpahinga. Mukha namang may kailangan pa ring asikasuhin si Pirius. Parehas kasi kaming hindi nakapagtrabaho nang ayos ngayong araw dahil sa mga kung anong bagay. "Pirius, look at this... What do you think?" I asked him and show the wedding dress that I draw. Pirius stopped typing on his laptop and took my sketch pad. Tumitig siya sa design ko na tila ba tinititigan n'yang maigi ang design ko ro'n. Napangiti na lang ako habang nakatitig sa kan'ya. He always shows interest when it comes to this. Kahit ano ang ipakita ko sa kan'ya... my drawings, my new recipe, the clothes I wear... he always shows interest when it comes to me. "It's beautiful... you're really improving every day. I'm so proud of my wife," Pirius whispered and gently caressed my hair. Agad naman akong yumakap sa batok n'ya at isinubsob ang mukha ko sa leeg n'ya. Agad naman siyang yumakap sa baywang ko at marahang hinaplos 'yon. Napabuntonghininga na lang ako at mas hinigpitan ang yakap sa kan'ya. "I love you so much, Rius... I really can't live without you," I mumbled and nuzzled on his neck even more. Hindi kaagad nagsalita si Pirius. Iniyakap n'ya rin ang isang braso sa akin saka hinaplos ang buhok ko. "Bakit hindi ka nasagot?" nakakunot-noong tanong ko. Pirius chuckled and hugged me tighter. "I just don't like it when you say something like that because it's not true. You can live without me... hindi naman ako oxygen," tila nagbibirong sabi pa n'ya. Inalis ko ang pagkakasubsob sa leeg n'ya saka tumitig sa kan'ya nang masama. Ngumiti lang siya sa akin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Napaismid ako. "Bakit hindi ka na lang kiligin?" Dinampian n'ya ng halik ang pisngi ko bago nagsalita... "I love you more, Faith... and I can't live without you too," he murmured while staring at me. Nakipaglabanan na lang ako ng titig sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa mga mata n'ya ngayon... tila may kakaiba at hindi ko na naman matukoy kung ano'ng tumatakbo sa isip n'ya sa mga oras na 'to. Marahan n'yang hinawi ang buhok ko saka inipit ang ilang hibla no'n sa tainga ko. Titig na titig siya sa akin na para bang sa akin umiikot ang mundo n'ya sa mga oras na 'to at tila ba wala na siyang nakikitang iba pa. Muli siyang napangiti nang bahagya... "Do you think we'll last forever, Faith?" tanong n'ya. Hindi kaagad ako nakasagot, hindi ko naiintindihan ang gusto n'yang ipahiwatig. "Of course we'll last forever. My love for you will last forever... how about you?" I asked and held his hand. "Of course, my love for you will last forever too," he muttered and gave my forehead a light kiss. Yumakap na lang ako sa kan'ya at hindi na rin nagsalita pa kahit na may nararamdaman akong kakaiba... Ilang araw ko ng napapansin 'to pero hindi ko na lang pinapansin... tila may kung anong bumabagabag sa isip ni Pirius na hindi n'ya sinasabi sa akin. DUMATING NA ang araw na kailangan na namang umalis ni Pirius. Halos hindi ako humiwalay sa kan'ya bago siya umalis dahil alam kong mami-miss ko na naman siya nang sobra. "I will always call you, wife. Saka stop mo na muna ang pag-send ng nude photos sa akin dahil baka may makakita na talaga. Baka makapatay pa 'ko," natatawang sabi n'ya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Bakit? Nagse-send nga ako ng gano'n para hindi mo 'ko masyadong ma-miss nang sobra," sabi ko na lang saka yumakap nang mahigpit sa baywang n'ya. Natawa si Pirius saka pinisil ang pisngi ko. "Namimiss pa rin kita nang sobra kahit magsend ka no'n, mas lalo lang kita namimiss," sabi na lang n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko. Napabuntonghininga ako at mas hinigpitan ang yakap sa baywang n'ya. Palaging ganito ang scenario naming dalawa sa tuwing aalis siya. Siya ang mas seloso sa aming dalawa pero ako naman ang mas clingy. "Wife, I have to go now... Aasikasuhin ko pa ang mga humabol sa 'tin last time para alam kong safe ka bago ako umalis," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang noo ko. I just let out a heavy sigh and let him go. Pirius chuckled when he saw my ultimate sad face. He kissed my lips lightly then held my hand and gently squeezed it. "H'wag kang magpapalipas ng gutom, Faith. Saka h'wag kang masyado magpagod sa trabaho. Hmm?" sabi n'ya saka hinaplos ang pisngi ko. Napaismid ako. "Ako dapat ang nagbibilin sa 'yo n'yan dahil malilimutin ka." Natawang muli si Pirius saka kinuha na ang bag n'ya. Muli n'yang dinampian ng halik ang labi ko... "Aalis na 'ko. See you next next week, my beautiful wife," bulong n'ya bago binitiwan ang kamay ko. "Bye... I love you," sabi ko na lang kahit mabigat sa loob ko. "I love you more," saad na lang n'ya at muli akong hinalikan sa labi bago tumalikod at umalis ng bahay. Napabuntonghininga na lang ako at naiinis na napapadyak sa sahig... Ilang saglit pa lang ang nakakalipas na umalis siya, nami-miss ko siya kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD