Laarni: Ginabi na ako sa pamamalengke. Narito ako sa bayan ng Zenvurg. Sa tinagal ko sa Mansion ay marami narin akong nalamang bayan at isa ito sa mga pamilihan ng kelangan para sa pang araw araw. Wala si Aling Vilma at nag iwan nanaman ng sulat sakin kanina. Bibisitahin lang daw niya saglit ang kakilala niya at babalik rin. Isang bag ang dala ko at puro gulay ito. Oo hindi ako nainform na nahihilig sa gulay ang Lord Griffin. Nagiba naman ata? Parang nung unang tungtong ko palang dito ay puro karne ang mga niluluto para sakanya. Pawis na pawis ako habang tinatahak ang kagubatan patungo sa mansion. Magubat kasi ang tatahakin mo para makapunta sa bayan. Hindi ko naman akalain na magkakanda ligaw ako kanina. Hindi naman kasi ako maalalahanin talaga sa lugar. Mabuti na lamang at medyo pam