Dugo, madaming dugo ang nasa paligid ko. Nanghihina na ako habang tinatahak ang madugong daanang ito. Nasan na ako? Pagod na pagod na ako tila bibigay na ang katawan kong puno ng sugat. Naglakad lakad pa ako sa loob ng kagubatan. Nagtataasang mga puno ang makikita mo. Nilibot ko ang aking mga paningin ngunit hindi ko makita ang daanang palabas dito. Hingal na hingal na ako dala ng pagod at madaming dugo ang nawala sakin. Paano nga ba ako napunta sa lugar na ito? Napukaw ang aking atensiyon ng may maaninag akong hayop sa di ko kalayuan. Kumapal bigla ang usok sa kagubatan dala ng mahamog na panahon. Sinikap kong makalapit ng kakaunti para makita ang nilalang na ito. Nagulat ako ng biglang mawala ang hamog at tumambad sa akin ang mga malalaking asong kulay itim. Nag iigting ang kanila