CHAPTER 23 NANG MATAPOS makapamili ng mga dapat suotin sa kasal nina Antheia at Frix ay dumiretso sila sa isang restaurant upang kumain nang sama-sama. Si Chelsy ay hawak ng mga ina nila habang ang daddy naman ni Antheia ay nakasunod sa mga ito dahil may kausap sa cellphone. Sina Antheia at Frix naman ay nahuhuli. Patungo na sila ngayon sa parking area. Halos sabay ang mga hakbang nilang dalawa ngunit kahit na ganoon ay wala ni isang umiimik. Tila pinakikiramdaman din siya nito. Hindi naman niya alam kung paano sisimulan ang usapan gayong hindi rin niya alam ang sasabihin. Tumikhim si Frix kaya naman nilingon niya ito. Tumigil ito sa paglalakad kaya naman huminto rin siya. Nilakasan na niya ang kaniyang loob na harapin ito kahit pa para siyang hinihigop ng tingin nito. Huminga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books