"Colt pare kumusta na?"
"Okay naman, ikaw?"
"Matagal na akong umalis sa serbisyo halos magkasunoran lang tayo."
"Tagal na din pala, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Isang taon na ako sa pagiging hunter."
Hunter? baka naman iba ang hina-hunting mo?"
"What the f**k! Makatawa ka insulto ba yan huh!"
"Seriously, i'm not kidding bakit naman iyan ang ipinalit mo sa profession mo? At ano ba talaga ang trabaho mo?"
"In one word "secret" mga masasamang gawain at criminal ang hina hunting ko. Ikaw saan ka nagtatrabaho ngayon?"
"Private detective, maraming malalaking Tao at mayayaman ang kumukuha ng serbisyo ko. In one word "no permanent job" pero masaya ako dito. Mahigit one year na din mula ng umalis ako doon."
"Tamang tama pala baka gusto mong maging personal body guard?"
"Tangna, ayaw ko ng ganiyang trabaho."
"Makinig ka nga muna, kong wala lang akong hinahanap na mahalaga sa buhay ko. Hindi ko na kailangan na ialok pa sayo dahil magaan naman na trabaho ito."
"Sino ba ang pagsisilbihan ko kong sakali?"
"Don Manolo Sy Xavier, pero hindi siya kong di ang apo niya. Here the complete details basahin mo lahat."
"Three months old? Hindi yayo ang linya ko gago!"
"Binasa mo ba lahat?"
"Hindi pa."
"Tapusin mo muna lahat saka ka mag react huh! Kong wala lang akong gagawin ako na mismo ang kukuha ng trabaho na yan."
"Wow, name your price daw pare?"
"What do you think? Grab? Or goodbye big salary?"
"Fine! Kailan ko sisimulan?"
"Sa sabihin ko sa'yo ang araw at oras ng appointment mo kay Don Manolo."
"Sure pare."
"Oh by the way paalis na ako."
"Pucha ngayon lang tayo nagkita! Mag inuman muna tayo ah!"
"Next time may mahalaga akong ka kausapin na tao ngayon. Baka ito na din ang last mission ko dahil sa bagong magiging trabaho ko."
"Sige pare ingat."
Mabilis ang pagdaan ng mga araw.
Ilang dilikadong mission pa ang tinanggap ni Ande at ito na ang huli. Gusto na muna niyang magtutok sa paghahanap sa kaniyang kapatid.
"Pare huli na ito ha? Malakas ka lang sa akin eh kaya pagbibigyan kita."
"HaHaHa kong hindi siguro chicks yang ililigtas natin never kang papayag."
"Ha Ha Ha syempre iyan lang pang alis ko ng hinanakit sa buhay."
Napatitig si Colt dito at nakaramdam siya ng kakaibang sundot sa kaniyang puso. Hindi din maintindihan ang sarili kong bakit ganon na lang siya kalapit sa kaibigan. Siguro marami silang pagkakatulad.
"Tara na bago pa magbago ang isipan ko."
Hindi alam ni Ande na huling mission na nga niya iyon. Natagpuan nga ang kaniyang kapatid pero ngayon ay nasa critical naman ang kalagayan niya.
Binaril ito ni Jake Monteverde dahil sa matinding selos.
Nang maihatid ni Colt sa hospital ang kaibigan ay para siyang may sakit. Naging matamlay at palaging balisa, natatakot din siya na baka iyon na ang huli nilang pagsasama ni Ande. Ito lang ang kaisa-isang pulis na pinagkatiwalaan niya noong nasa serbisyo pa sila a year ago. Nakaka bakla lang pero gusto niyang umiyak.
Wala siyang alam gawin ngayon kong di ang ipaalam sa mga Montemayor ang nangyari. Isa pa ang school mate niya na si Jake ang bumaril sa kaniyang kaibigan. Hindi niya expected na kusang susuko ito sa mga pulis.
Nagtungo sa opisina ng ama ng co schoolmate niya noong colleges sila. Nahihiya lang siya kaya pumayag sa request sa kaniya. Pero ngayon na nasa Jail ito ay dapat na ipaalam niya sa ama nito.
"Omg! Hot papa!"
"s**t! Maari ba na akin kana lang?"
Ganyan palagi ang mga naririnig niya sa tuwing papasok sa mga building ng mga mayayaman na nagha-hire sa kanya. Common na sa kaniya ang mga ganiyan at hindi siya affected. Kung noon ay womanizer siya, but after he kidnap. One month na ikinulong ng isang babae. Sa loob ng isang buwan na iyon na walang humpay na s*x. Tila na addict na siya at hinahanap hanap ang nakababaliw na alindog ng babaeng iyon. Isang reason kong bakit niya tinanggap ang pagiging private detective. Nagbabakasali na mahanap niya ang babaeng bumabaliw sa kaniyang buong sistema. Lalo na sa kaalaman na dala sa sinapupunan nito ang kaniyang anak.
"Hey Mr. Sabi ko po pumasok na kayo at naghihintay na si sir sa inyo."
"Salamat."
Nang makapasok sa loob at sumara ang pinto ay parang mga baliw ang mga babae na naglapitan sa desk ng secretary.
"Sino ang hot papa na iyon, napaka yummy niya, humnn."
"Nakakakilig talaga at mukha ng napakatigas niya."
"Magtatabaho na tayo at baka mamaya maabutan nanaman tayo ng ating mga big boss."
"Speaking!"
"Magandang umaga master Josh."
"Maganda pa kayo sa umaga."
Matamis na nginitan sila ng amo at pumasok na ito sa loob.
"Good morning."
"Go ahead Colt, what the important bring you here?"
"Nasa hospital si Sunshine and nasa Jail si Jake."
"What?
"Ano?"
Shock na napasigaw ang mag ama na Jade at Josh.
"What happen detective?"
"Nabaril ni Jake ang kapatid ni Sunshine na si Anderson. Malapit sa puso ang bala kaya critical ang lagay."
"Bakit nangyari iyon? Nasaan ang mga body guard ng anak ko?"
"Kasama ho niya sir Jade, pero dahil sa subrang selos ni Jake kaya niya nagawa iyon."
"f**k!"
"Dad, ako na po ang bahala dito pakitawagan na lang si uncle Lath."
Napaupo si Jade sa sofa may naalala siya. Parang bumabalik ang nakaraan. Noon binaril din ni Delta si Jake sa subrang selos. Talagang hindi na mababago ang ugali ng mga Montemayor. Nanalaytay talaga sa dugo nila ang mga ganoong ugali. Tinawagan ang kaniyang asawa at nagpasabi na hindi muna siya makakauwi ng mansion. Hindi na niya ipinaalam dito ang nangyari kay Jake. Dinayal din ang kapatid na magaling na lawyer. Nagmamadaling bumaba sa basement at sumakay agad ng SUV. Sa hospital siya nagtungo para makausap si Sunshine.
"Iha, ano ba ang nangyari? Kumusta ang kapatid mo at ikaw? Ang sabi ni Colt ay hindi pa stable ang kalagayan mo?"
"S-sir."
"Call me dad or tito."
"M-my brother in critical condition until now po. Naghahagilap parin ng dugo at ayaw naman nila akong payagan mag donate."
"I want to talk to the doctor iha, i do my best para mailipat siya sa private hospital."
Nagtungo sila sa opisina ng doctor ng kaniyang kapatid. Nagpakilala agad si Jade na ikinamangha naman ng may edad na doctor.
"I want to transfer the patient in other hospital a soon as possible."
"I'm sorry Mr. Montemayor masyadong madaming nangailangan ng dugo kaya nagkulang ang aming supply."
"Walang problema Doc and please settle the patient referral papers."
"Sure Mr. Montemayor.”
Matapos maibigay ang name ng hospital at sinong doctor ang hahawak sa pasyente ay agad na release at ipinalipat sa private hospital ng mayayaman.
"S-salamat po d-dad."
"Don't mention it iha, we are one family now. Sana mapatawad mo ang anak ko sa pagkakamaling nagawa niya."
"O-opo."
Ang daming tobo na nakakabit sa katawan ni Ande ng isakay ito sa ambulance. Si Sunshine ang sumama sa loob at dalawa pang doctor at si Jade ay sa sariling sasakyan sumakay, may tinawagan ito.
"Investigate this man, i send the full name in your email."
"Copy Sir."
Hindi mapakali si Jade habang nagmamaneho. Nakatatak sa kaniyang isipan ang mukha ng pasyente. Ang kaniyang kakaibang pakiramdam dito na hindi niya maipaliwanag. Pagkapasok sa hospital ng kaibigan ng kaniyang ama ay agad silang nag usap.
"Ang lalaking iyon Jade? Kilala mo ba siya?"
"Kapatid ni Sunshine, he need surgery at kailangan na salinan ng maraming dugo. Galing siya sa public hospital at critical ang lagay."
"Wala ka bang napansin sa pasyente?"
"What do you mean uncle Joshua?"
"W-wala naman, baka gusto mo lang na sa mga anak mo or kapatid ni Jb maghanap ng isasalin na dugo."
"Why? Wala din ba kayong stocks dito?"
"Marami naman, kaya lang baka mahaluan ng ibang dugo ang katawan niya."
"U-uncle? Napansin mo din ba?"
"Aha, ang aura niya sana hindi ako nagkakamali."
"Sige tatawagan ko si Nicholas at Jb pati ang mga anak ko. Ako maari ba na mag na donate?"
"Huwag ka na, bakit hindi natin subokan si Doctor Julius?"
Tamang tama at on juty ang binata ng tingnan ni Joshua ang mga schedule ng mga doctor. Agad na tinawagan ang binata.
"Chairman ipinatatawag nyo po ako? Oh uncle Jade, d-dad narito pala kayo?"
"Jc you need to go in surgery room."
"Bakit po d-dad? May nangyari po ba?"
"Hindi pa kami sure pero sa tingin ko ikaw mismo ang dapat maka discover. The patient need alots of blood bags. He is critical now, maybe you are willing to donate him. Kapareho mo ang blood type niya."
"Wala pong problema, sige po Chairman, uncle'd-dad."
"Susunod na kami Jc, salamat."
"Welcome po."
Kinabahan si Jc at na currious sa mga nalaman niya. Nagmamadaling bumaba at tuloy tuloy sa emergency room.
"S-sunshine! Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito at bakit ka umiiyak?"
"J-Jc!" Napatakbo ang dalaga at mahigpit na yumakap sa binatang doctor.
"S-si kuya p'pakiusap iligtas ninyo siya."
"Who?"
"He si critical, nasa loob siya ng emergency room."
"Sinasabi mo ba na iyong bagong pasyente na kararating galing sa public hospital?"
"Oo Jc, he is my long lost brother."
"Stay here."
Mabilis na nag suot ng mask at naghugas ng kamay at dumiretso ng ER. Parang na statue siya ng makita ang pasyente. Naiiyak siya at halos magbara ang kaniyang lalamunan sa hindi malamang dahilan.
"Doctor Julius! What are you doing here?"
"Kunin ninyo ang dugo ko at isalin sa pasyente ng direct habang inuoperahan siya."
"Hindi na kailangan doc dahil naka ready na ang mga dugo."
"Hindi! Huwag ninyo siyang salinan ng ibang dugo! Sa akin kayo kumuha!"
"Kahit kunin namin ang dugo mo ay hindi iyon sasapat. Maari bang lumabas kana dahil nasasayang ang oras!"
Tumunog ang telephone at sinagot iyon ng isang Nurse.
"Doc. Penamante nasa line po ang Chairman."
Agad namang lumapit ito at inabot ang handle ng telephone.
"Copy po Chairman."
"Prepare the the new table, hurry up! Check Doc. Julius blood and make sure na stable ang katawan niya!"
Double time at ng matapos maayos ang lahat ay humiga na si Jc sa katabi ng pasyente. Hindi maalis ang pagkakatitig niya dito. "Kuya ba kita o ako ang kuya mo? Please lumaban ka, naririto lang ako para sayo."
"Doc. Julius ano po ang nangyayari sa'yo bakit ka umiiyak?"
"Ha? No! I'm okay."
Inaantok siya habang kinukuhaan ng dugo pero ayaw niyang pumikit. Sa taas ay kita niya ang Chairman, uncle Jade at ang kaniyang ama na balisa.
Sa labas ng operating room ay nagkakatinginan ang mga lalaki. Panay sulyap nila sa magandang babae na umiiyak.
"Nicholas who is the girl?"
"Hindi ko siya kilala pinsan."
"She is Jake fiancée," ang palapit na si Colt at Josh.
"And you, sino ka naman?"
"Detective Montereal."
Ang mga nurse ay hindi magkamayaw sa kakaparoon parito. Hindi dahil busy sa pasyente, dahil iyon mga kalalakihan na nasa labas ng ER. Walang itulak kabigin sa mga kaguwapohan. Naupo si Colt sa malapit kay Sunshine at nagkukwento tungkol kay Ande. Hindi alintana ang palapit na may idad na lalaki na nakatitig sa kanya.
"Someone blood type -A? Kulang pa ng dalawang Bag."
Isa isang tiningnan ang kanilang mga dugo pero wala ng ka type si Ande. Lumapit si Colt at nag presenta.
"Try my blood nurse, i think i'm -A."
"Kaano ano ka ng pasyente Mister? Kailangan pamilya Monyemayor lang manggagaling ang isasalin na dugo."
Nagkatinginan ang lahat na may pagtataka sa mga mukha. Bumaling lahat sila sa tahimik na si Jb.
"So you said na ang pasyente ay related sa mga Montemayor nurse?"
"Hindi ko po alam Mister pero mahigpit ang bilin ng Chairman. Hindi maari na mahaluan ng ibang dugo ang pasyente."
"Even he is going to die? Basta hindi lang masalinan ng ibang dugo?"
"Stop argue in detective, hindi ito ang tamang oras para pagtalohan ang bagay na iyan!"
Nagmamadaling tumalikod si Colt. Gusto niyang manuntok! Kaibigan niya ang pasyente at parang kapatid na niya ito. Sinipa ang nakitang can coke sa daan at lumipad iyon sa eri.
"f**k!”
"Eherm."
Nalingunan niya ang may idad na lalaki sa bandang likoran.
"W-what do you want?" Mainit ang kaniyang ulo kaya kahit elder ang kaniyang kaharap ay baliwala sa kaniya.
"Can we talk for a while?"
Pinagbigyan niya ito at nagpatiuna patungo sa isang bench at doon ay na upo. Umupo din sa bandang dulo ang lalaki kaya lang hindi niya ito nilingon.
"W-who is your mother?"
"Why? Do you know me?"
"Ahem, not sure iho."
"Rachel Montelivano."
"I-is she o-okay now?"
"She past away after i graduate. Why? do you know her sir?"
"H-how old are you?"
"Twenty eight."
"I will allow you to donate your blood iho."
"W-hat do you mean?"
"The patient na kasalukoyang inooperahan."
"Sigurado po ba kayo? He is my long time friend kaya po willing akong mag bigay ng dugo sa kanya."
"Y-yeah i'm sure."
"Tara na po sir."
Nagtataka ang mga pamangkin at kapatid ni Jb ng pinayagan na nagbigay ng dugo si Colt."
"What is it pinsan?"
"Come with me Jade."
Nagtungo sila sa itaas kong saan tanaw nila ang loob ng operating room. Naabutan nila si Josh at Joshua doon.
"Josh can you go down, may mahalaga lang kaming pag uusapan."
"Sure dad."
Nag sumara ang pinto ay agad na binalingan ni Joshua ang mag pinsan.
"Unti-unti ng nagtatagpo ang mga anak mo Jb."
"Masaya ako tito Johsua pero natatakot ako na baka hindi ako matanggap ng ibang mga anak ko."
"I think alam na ni Doc. Julius ang totoo."
"And about detective? May idea ba siya?"
"I think no, ang akala niya ay pumayag ako dahil kaibigan siya ng pasyente."
"Ang tapang ng dugo ninyong mga Montemayor. Kaya lang ang isang iyan ay mukhang nagmana sa kaniyang ina. But if you notice the nose, mouth and the way na magsalita siya. Parang ikaw lang noong kabataan mo Jb."
"Sino ang ina ng isang yan pinsan?
"Random girl , Rachel Montelivano daw.
"Sa dami nila ay hindi mo na matandaan kong sino ang ina ng anak mo."
Naiiling na lang si JB sa mga kaharap.
"So kailan mo plano na magpakilala sa dalawang iyan?"
"Pag stable na siguro ang pasyente."
***