Magkakasunod na pagkabasag ng mga salamin ang pumukaw sa kalagitnaan nang gabi. Worried siya sa kaniyang little master, kaya double time ang ginawa niya ngunit agad din napahinto. May mga anino sa sinag ng buwan ang napansin niya habang naka kubli sa gilid at mabilis na naglalaho agad sa dilim. Habang mabilis ang kilos niya na tumalon patungo sa kwarto ng bata para masiguro ang kaligtasan nito. Hindi naging hadlang ang taas at layo ng kinatatayuan mula sa kwarto na kailangan niyang puntahan. At sa pinaka mabilis na galaw ay parang kidlat na narating ang pakay. Ilang segundo ang lumipas ng pukawin ang buong kabahayan ng malakas na iyak ng bata. Kasabay ng malakas na pagtalon niya pabagsak mula sa ikalawang palapag.
"Hurry! Kailangan nating makuha ang alas at sikapin na hindi masasaktan or else mananagot tayo kay big bos.”
"What happen? Biglang tumahimik ang paligid? Sigurado ba kayo na nasa kamay ni Balong ang alas?”
"Sigurado sir, kita ng mga mata ko na karga niya ang bata ng tumalon.”
"Okay, magkita tayo sa dulo ng labasan.”
"Copy.”
Samantala ay mahigpit ang yakap ni Colt sa kaniyang little master habang mabilis na tumatakbo. Patungo silang kakahuyan dahil doon lang ang maaari nilang pagtaguan. Subalit biglang umingit ang bata kaya agad na huminto sila sa pag takbo.
"Shhh, don't cry.”
Nang kumalma ito ay bigla siyang napa upo at sumandal sa isang matigas na puno. Niyakap ang bata nang makaramdam ng kakaibang saya at kapanatagan. Kagaya ng kaniyang ipinangako, puprotektahan niya ito sa kahit anong paraan maging buhay man niya ang maging kapalit.
Makalipas ang ilang oras ay kinakailangan na niyang gumawa ng move. At may pag iingat na lumayo sa lugar habang maingat na karga ang bata.
Samantala ay galit na galit ang pinuno na si Bobby sa mga tauhan nito. “Wala kayong silbi! Akala ko ba ay okay na ang lahat? Ikaw Dang ang sabi mo nakita ng mga mata mo?”
"Pero sir, wala naman pong ibang tao doon maliban kay Balong.”
"Pero nasaan sila ha? Bakit hanggang ngayon walang balong dito?”
"Pero…”
Bang!
Bumagsak sa sahig ang walang buhay na si Dang sa kamay ng mabalasik na pinuno.
"Sino pang papalpak sa susunod at ganyan ang mangyayari sa sa inyo! Hala magsilayas kayo sa harapan ko!”
Sa isang iglap ay nawala ang mga tauhan sa kaniyang harapan, nagpipigil siya sa galit dahil baka mabaril pa niya ang iba pang mga walang silbi na kalalakihan.
SA mansyon ay halos manginig sa galit ang Don, papatayin niya ang bodyguard ng apo pag may nangyari dito na masama!”
"Mga inutil kayo! Ang dami ninyo ay nalusutan kayo ng mga kalaban! Balik sa pwesto!” Galaiting palakad lakad sa napaka lawak na living room habang naghihintay nang balita mula sa bodyguard at apo. Nag mawala sa paningin ang lahat ay mahigpit ang hawak ng Don sa metal na baston. Naglalakad na patungo sa kaniyang kwarto habang panay sulyap sa relo na pambisig. Ilang minuto na siya sa loob ng silid ngunit wala parin ang mga hinihintay. Alalang alala na dahil malapit ng maliwanag ngunit wala pa din balita sa apo at bodygutad nito. Pumihit ng tayo at handa na para lumabas nang biglang bumukas ang pintuan. Doon ay iniluwa si Colt na seryoso ang mukha at sa sobrang galit, pangamba at takot para sa apo ay sinugod ang lalaking nakatayo sa may pintuan.
"What the hell!”
Ilang malalakas na palo ng baston ang tumama sa katawan ng nakatayong si Colt. At kahit nakakaramdam ng sakit ay walang katinag tinag na tinanggap ang mga hataw ng matanda at nanatili sa pagkaka tayo.
"I'm sorry Don Manolo.”
"I will kill you bastard!”
"Before you kill me, I just want to let you know na natutulog na ang apo ninyo.”
"Get out of my sight!”
Wala siyang imik na lumabas ng library at dumiretso sa kaniyang silid. Nadaanan pa niya ang mga tauhan na nakamasid sa kaniya. Ang iba ay nakangisi ang iba ay nakatungo at ang iba ay matalim ang tingin sa kaniya. Soon malalaman din niya kung sino ang traydor at sisiguruhing puputolan niya ng leeg! Pumasok sa banyo at sa ilang minuto ay agad ding lumabas. Parang walang nangyari na naglakad sa harapan ng malaking salamin. Tanging boxer short ang suot at kitang kita niya ang tatlong mahahabang marka dahil sa malakas na pagpalo sa kaniya ng Don. Napapa iling na lang at nag suot ng white t-shirt saka nahiga sa kama. Kung nahuli siya ng datin sigurado na nakuha ang kaniyang little young master. Baka pinatay na ito o gagawin bait para sa ransom money. Sa naisip na maaaring mangyari sa kaniyang little young master ay may kirot na biglang naramdaman sa kaniyang dibdib.
“Sabi ko naman sayo Montereal, huwag kang masyadong mayabang dahil ang mga ganoong ugali ay hindi nagtatagal sa mundo!”
“Sabihin mo iyan sa sarili mo.” saka agad niyang tinalikoran ito dahil baka hindi siya makapag pigil ay sapakin niya ito.
“Ulol!” tandaan mo ang sasabihin ko, pag hindi ka matutong makisama ay hindi magtatagal ang buhay mo!”
“Huwag mo akong takutin Roles dahil baka sayo mangyari ang sinasabi mo!” At mabilis na tinalikuran niya ito.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, patuloy sa sikretong imbestigasyon ang ginagawa ni Colt sa loob ng Mansion. May mga clue na siya kong sino pero hindi muna siya dapat kumilos. Kailangan muna niya ng matibay na ebidensya at saka niya gagawan ng aksyon. Kong hindi lang siya dating police officer ay baka nakalimutan na niyang pairalin ang batas.
"Don Manolo, Mr. Montereal, want to talk to you."
"Tell him in my private room."
"Yes, Don Manolo."
Hindi magrerequest ang private bodyguard ng apo kong hindi confidential ang hawak nito. Matapos damputin ang baston ay bumaba na ng hagdanan. Hindi lang basta baston iyon, may secret weapon din sa loob at anytime maaaring pumatay ng sinuman. Mabagal na naglalakad sa corridor dahil masakit ang rayuma. Ayaw sanang bumaba kung hindi lang mahalaga ang pakay sa kaniyang ng pinagkakatiwalaan na Bodyguard ng apo.
“Magandang araw Don Manolo.” diretso ang tingin niya sa palapit na big boss.
Tinanguan lang ni Don Manolo ang bodyduard ng apo na agad ding gumilid sa kaniyang daraanan. Isang katangian nito ang unang nagustohan niya, ang paraan ng pakikipag usap habang walang kurap kung makipag eye to eye contact. Hindi rin ito yumuyuko sa kaniya kahit siya ang pinaka mataas sa mafia group. At ang ganitong katangian ng isang tao ay tanda ng maaasahan at mapagkakatiwalaan. At gustong gusto niya si Colt Montereal, at ang pinaka importante ay ang totoong pagkatao nito na matagal na niyang napa alam.
"Follow me, at siguraduhin mong naka lock ang pinto.”
Matapos maisara iyon ay lumapit siya sa harapan ng malaking table kung saan matiim na nakatingin sa kaniya ang may edad na amo.
"I have complete evidence, tatlo sa mga tauhan sa loob ng mansyon ay spy ng kalaban.”
"Give me the list!”
Inilabas niya mula sa suot na jacket ang tatlong pirasong papel at isang recorder at inabot sa amo. Binasa naman nito iyon isa isa at pagkatapos ay pinindot ang maliit na gadget saka iyon pinakinggan.
"Kill them all!"
"That is against the law!" nabigla niyang sagt dito.
"Law? Hypocrite ka kung sasabihin mong wala kang alam sa kalakaran ng batas ng Pilipinas. Pera lang ang katapat ng sinasabi mong law at iyang mga police paasa lang ang mga iyan. Ngunit sa bandang huli ay pera pa rin ang may hawak ng batas na ipinatutupad nila.”
"Hindi lahat.”
"Aminin mo man o hindi ay totoo ang sinasabi ko, maaaring hindi ka kasama sa mga iyon pero halos lahat ng nasa pwesto ay natatapalan ng pera. At kong hihintayin natin sila ay baka patay na ang apo ko bago pa sila kumilos. Now! Kill them or the door was open. Hindi ko kailangan ng tao na duwag at takot pumatay!”
"No! I’ll stay, at kagaya ng salita ko ay hindi ko iiwan ang little young master, give me three days at aayusin ko ang problema.”
"One day is enough! O gusto mong maunahan ka pa nila!"
"Copy!”
Nang sumara ang pinto ay sumilay ang ngiti sa labi ng Don, talagang hindi siya nagkamali ng pagpili sa binatang ito.
Samantala sa kwarto ay mabilis ang kilos ni Colt, tinawagan ang pinagkakatiwalaan niyang tao. At agad na naghanda ng sarili sa gagawing plano dahil alam niyang lalabas ang mga ito sa lungga. Ang tatlong iyon na involve sa mga nangyayaring pagtatangka sa buhay ng kaniyang little master.
"Ilan ang kailangan mo dude?”
"Only you, dahil wala akong tiwala sa iba.”
"Sige ako na ang bahala, magkita na lang tayo doon sa lugar na pinag usapan.”
"Thank you, Pare"
Nang masiguro na ayos na ang lahat ng gamit niya sa katawan ay tuluyang lumabas na siya. Tinawag ang mga kasamahan at sumakay na sila ng kotse na gagamitin nila. Ramdam niya ang tensyon sa loob ngunit hindi siya nagpapahalaga sa mga ito bagkus ay nagkunwari na ayos lang ang lahat. Sumandal pa siya at relax na pumikit para ipakita na normal lang ang lahat.
"Montereal!”
"What?”
"Nagkakamali ka kung sa akala mo ay wala kaming alam! Iliko mo ang sasakyan diyan sa liblib na lugar!”
Malakas ang boses na utos nito sa driver ngunit agad niyang tinutulan iyon.
"Diretso lang at huwag kang liliko! Ako ang leader dito kaya’t sa akin ka dapat makinig!”
Humalakhak pa ang kausap niya na parang wala ng bukas. Alam rin niya ang maaaring mangyari sa kanila sa loob ng sasakyan. Dahil nakasisiguro siyang walang kakampi isa man sa mga kasamahan. Kaya agad na naging alerto siya sa posibelidad na pwedeng mangyari sa kaniya.
"Mamatay kang mauna Montereal! Akala mo siguro ay bobo kami, huh! Stop the car!”
Pero nalilito ang diver kung sino ang susundin kaya sa huli ay binagalan na lang ang takbo ng sasakyan. Malakas na palo ng puluhan ng baril ang tumama sa ulo nito na naging sanhi ng pag giwang giwang nila.
"Subukan mong huminto at sasabog yang bao ng ulo mo!”
Hindi naman basta makagalaw si Colt sa gilid dahil nakatutok sa kaniya ang baril ng katabi. Kailangan niya ng kaunting oras pa, at hindi siya dapat magpadala sa galit. Dahil siguradong papalpak siya pag pinairap niya ang init ng ulo.
"Pag usapan natin ito, nagkakamali kayo ng iniisip.” pigil na pigil ang kaniyang emosyon na hindi siya mahalata ng mga ito.
Subalit kasa ng baril ang narinig niya at mula iyon sa katabi ng nagmamaneho.
"Sige magpaliwanag ka at huwag kang magkakamali dahil pasasabugin ko yang bungo mo!”
"May order lang si Big boss na puntahan ang isang tao na kasama sa mga bumaril sa atin. Kailangan natin ang tao na iyon na maka pagtuturo kong sino ang may pakana.”
"Ulol! Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo, alam kong may pina plano ka laban sa amin!” Biglang baling sa katabi sabay kabig ng malakas sa manibela pakaliwa. Kaya naman ang tinutungo nilang landas ay puro talahiban at hindi nakaligtas sa paningin ni Colt ang ngiting aso nito sa mukha.
“Saan ba tayo pupunta bakit mo iniliko dyan?” sinikap pa rin niyang magpaka hinahon kahit gusto ng sumabog sa galit na nararamdaman.
“Tumahimik ka!”
Alam na niya ang plano ng mga ito, bukod sa pagiging police ay graduated din siya ng Psychology. Naging magaling na imbestigador din siya dati kaya naman madali sa kaniya na mabasa ang mga kilos at pananalita ng kaharap. Nang biglang nag vibrate ang kaniyang mobile phone, signal na nasa malapit na ang kaibigan.
"Someone behind us!”
Agad na sumulyap si Colt sa side mirror nang marinig ang boses ng isang kasamahan at alam na niyang ito na ang kaniyang kaibigan.
"F*ck! Paulanan nyo ng bala!”
Sigaw ng galit na galit na kasamahan nila.
"Huwag! Dahil baka makapatay kayo ng inosenteng tao!” panglalansi niya sa mga ito.
"Gago ka! Ikaw kaya ang barilin ko, kaya manahimik ka!”
"Alam mo kanina ka pa nanakot, bakit kaya hindi mo iyan iputok?” Kahit alam niyang posibilidad na kalabitin nga nito ang gatilyo. At pag pinutok nito ay siguradong paglalamayan siya ngayong gabi.
“Sige magsalita ka pa at talagang kakalabitin ko itong gago ka!”
"Ganito na lang ipaubaya nyo sa akin ang mga humahabol na yon sa atin, ako na ang papatay sa mga nakasakay diyan sa kotse. Ngayon alisin mo ang lock ng pinto sa gilid ko bago pa nila tayo maunahan!”
"Sige nga! At pag na patay mo ang mga yan ay baka maniwala kami sa sayo!”
Mabilis na binunot ni Colt ang sariling baril at agad na binuksan ang pinto sa side niya. At mabilis na pinaputukan ang likurang at bigla ring isinara iyon. Habang nag-iisip kung anong susunod niyang move dahil alam niyang lihim na nakamasid ang mga kasama sa kilos niya.
“Bagalan mo ng kaunti, at sisiguruhin kong butas ang ulo ng driver ng kotse na yon!” Agad na naghanda siya sa gagawin at nang maramdamang bumagal sila ng takbo ay mabilis na binuksan ang pinto ng kotse sabay talon. Ramdam niyang nagkasugat sugat ang parte ng kaniyang katawan, braso at paa. Mabuti at agad na huminti ang kotse ng kaibigan sa gilid niya at kahit napapangiwi ay tiniis ngunit biglang binaril siya nito at halos nanlalaki ang kaniyang mga mata habang pina pakiramdaman ang sarili. At ng masiguro na wala siyang tama ay pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan.
"Hope in dude! Bilis!”
"F*ck you! Akala ko ako na ang binaril mo?”
Sa halip ay pinagtawanan pa siya nito ng malakas at sinabing palabas lang yon para kunwari ay pinatay na siya.
"Sh!t! Tinakot mo akong gago ka!”
"Oh, by the way, siya pala si Lexus kaibigan ko.”
"What the f*ck! Hindi ba at sinabi ko sayo na ikaw lang mag-isa?”
"Relax, mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.”
"Okay sabi mo eh.” yon na lang ang naisagot niya dahil alam naman niyang hindi siya nito ipapahamak.
"Pare'ng Lex, si Colt kaibigan ko since colleges kami. Siya iyong sinasabi ko sayo na kasamahan ko na pulis dati.”
"Lexus Salazar, pare.”
Inabot naman niya ang pakikipag kamay nito, "Colt Montereal, tol.”
"Ang mga iyan ba ang sinasabi ni Pareng Kyle?”
"Yes at wala na tayong oras dahil alam na nila ang lahat.”
"Ilan ang nasa loob tol?”
"Apat, pero tatlo lang ang request ni Big Boss, at huwag ninyong gagalawin ang driver, wala iyong kinalaman.”
Pero biglang nag break si Kyle at muntik na silang mapasubsob na dalawa sa likurang bahagi ng sasakyan.
"F*ck! Sino ang mga iyon? Aatras tayo dude!”
"Sige pero magkubli lang tayo dito sa gilid, kailangan masiguro natin na walang buhay ang tatlong yon bago natin iwanan.”
Malaking palaisipan kay Colt ang nag ambush sa mga kasamahan niya.
"Pare mukhang kasamahan nila ang tumira sa mga iyon. Kagaya ng sabi mo na mga spy ang tatlo na iyon. Sigurado ako na connected sa big boss mo ang nagpapatay sa mga iyan.” agad na pahayag ni Lexus sa dalawang kasama.
"Ano sa palagay mo, Pareng Ande?”
"I think so para hindi na kumanta pa kaya pina tahimik na.”
Makalipas ang sampung minuto ay pinaandar ni Kyle ang koste at lumapit sila ngunit halos hindi na makilala ang sasakyan sa dami ng butas ng bala.
"Patay na ang mga ito Pare, tara na!”
Hahakbang na sana si Colt nang makarinig ng daing kaya nilapitan ang apat at ang driver pala iyon.
"M-maki-nig...ka.....i-inga-t ka sa a-anak ni b.....”
"Anong sabi mo? Hindi ko maintindihan....” f*ck! Mura niya ng makitang hindi na humihinga ito. Ilang beses pa na tinapik niya ngunit tuluyan nang nalagutan ng hininga.
"Pare anong sabi nong isang yon bago namatay?”
"Hindi ko masyadong maintindihan, basta ang sabi mag ingat daw ako sa anak ni bo....”
“Hmn...anak ni bo....boss?”
"Ang boss mo raw dude?”
"Anak ng boss ko? Ni Don Manolo? Ano naman ang intention ng anak ni Boss para kalabanin ang Ama nito? At sa pagkakaalam ko ay wala ng anak si Don Manolo, pero tika yong Ina ng little master ko?”
"Tsk tsk, malay natin may ibang motibo, tika nga muna nakaharap mo na ba ang anak ni Don Manolo?”
"Hindi pa, pero may sinabi sa akin si Don Manolo, na kahit ang Ina ng apo niya ay huwag na huwag ko raw hahayaan na mapalapit sa bata, iyon nga ang matagal ng palaisipan sa akin.”
"Sisiw lang yan sayo pare, para ano at naging magaling kang detective kong hindi mo malalaman agad ang dahilan.”
"Maganda ba ang anak ng matandang 'yon?”
"Hot ba at sexy dude?”
"Magtigil nga kayong dalawa? Bakit mo ba isinama pa ang isang ito na mukhang pinaka terror pa yata ng mga babae?”
Sa halip ay tinawanan pa siya ng mga ito, kaya ang ginawa ay agad nang nag paalam sa dalawa.
>>>