Chapter 2

1175 Words
Napatingin sa kanyang smartwatch ang prime minister ng Spain na si Junrel Estrabela at nakitang pasado alas singko na ng hapon iyon. Sakay siya sa backseat ng isang sasakyan kasama ang kanyang chief of staff at bodyguard. Ang naunang kotse sa kanila ay may sakay na dalawang bodyguards niya galing Spain at ang dalawa pa ay bigay mismo ni Pres. Rommel Roa ng Pilipinas para maging guide na rin nila. Sa likod naman nila ay ganoon din ang setup. Ang pinakamagaling ang isinama niya sa official business niyang ito sa Pilipinas. Maliban sa mga ito ay may mga shadow bodyguards siyang nasa ibang sasakyan din. Ang mga pulis namang escort nila ay nakasibilyan dahil gusto niyang incognito ang biyahe nila kaya hindi sakay sa local official police cars ang mga ito. Ayaw niya kasing masyadong makakuha ng atensyon lalo na sa media. “Darating tayo sa hotel nang kulang isang oras, Señor Presidente,” ang saad ng kanyang chief of staff na si Graciela Abasolo sa mabilis na wikang Espanyol. Nasa tabi niya ang blonde at sopistikadang babae ngayon samantalang nasa tabi ng Pinoy na driver naman ang head bodyguard niyang si Javier Santiago. Nakasuot ito ng may long sleeves na pink blouse at pinaresan ng pencil skirt na itim at high heels. “Mabuti naman. Gusto kong lumibot nang saglit bago mag-dinner. After dinner, we’ll review the agenda that we’re going to discuss with Pres. Roa tomorrow morning,” sagot niya sa chief of staff sa parehong lengguwahe. “Samahan mo na ang Señor Presidente,” habilin nito kay Javier. Simpleng Presidente ang tawag sa isang prime minister sa Spain. Kaya napagkakamalan itong Presidente ng Republika ng Espanya gayong isa itong parliamentary monarchy. Ngunit ang tawag na iyon ang nakasanayan nilang mga Espanyol para sa pangulo ng kanilang gobyerno na ang ibig sabihin ay prime minister para sa ibang bansa. “Masusunod po,” tugon ng pinuno ng kanyang bodyguards. Napatingin naman ang binatang prime minister sa kanilang nadaanan. Napahanga siya sa mga modernong disenyo ng mga gusali sa Makati. Dahil sa business center ito ng Pilipinas ay hindi na rin iyon nakapagtataka. Matatayog ang mga skyscrapers at impressive din ang pagkagawa. Ipinagbukas siya ng pinto ng kanyang bodyguard nang huminto sa harap ng hotel entrance ang kanilang mga sasakyan. Ang chief of staff na niya ang nag-check-in para sa kanila at saka sumunod na sila sa bellboy ng hotel na siyang gumiya sa kanila. Nasa top floor ang kanilang kinuhang suite sa mamahaling hotel na yaon. Madalas na gano’n kapag bumibiyahe sila sa ibang lugar. Maaliwalas ang lobby ng hotel at mangilan-ngilan ang mga taong paroo’t parito. The cream-colored marble floor shone spotlessly. And the different lighting fixtures were already lit. A couple of square-shaped crystal chandeliers were hanging above them, giving softness and coolness to the eyes. Sa may likod ng reception desk ay dingding na may nakasabit na malaking painting ng beach at nakasaad sa baba nito kung nasaan ito. Napuna niya ang patingin-tingin sa kanya na mga mata ng mga kababaihan pero binalewala lang niya. “Sinabihan mo na bang huwag umalis ang driver ko?” ang usisa niya kay Graciela habang naglalakad sila patungong elevator. Inayos niya ang suot na jacket ng kanyang black three-piece suit. Naiinitan na siya simula pa lang pagdating nila. “Tauhan na ni Javier ang bahala roon, Señor Presidente,” ang anitong pinindot ang button para pumanhik sa itaas. Napatingin siya kay Javier na kasama niya habang naghihintay sa baba ang iba. Pinindot naman ng bellboy ang top floor habang hawak ang cart kung saan nakalagay ang lahat ng kanilang mga bagahe. Pumasok na sila sa loob ng kanyang suite. Nasa magkabilang kuwarto naman niyon ang kay Graciela at ng para sa mga bodyguards. Pero palagi siyang may bantay sa labas ng kanyang suite. Napahanga ang binata sa magandang night view na nakikita mula sa kanyang kuwarto pagkapasok nila sa suite. Pinangungunahan ng kulay-ginto at puting ilaw ang nakakalat sa harap niya at ang iba’t ibang silweta ng mga gusali ay dumagdag din sa kagandahan ng tanawin. Hindi maririnig mula roon ang daloy ng trapiko pero kapansin-pansin din naman. Nagkomento siya tungkol dito sa kanyang nakangiting sekretaryang tumayo sa tabi niya. Napahanga rin ito nang makita ang tanawing iyon bago ito napatitig sa kanya. Nginitian niya lang ito nang saglit saka tumalikod na upang pumunta sa banyo at maghanda para sa kanyang paglabas bago bumalik sa hotel para maghapunan. Pagkatapos niyang mag-shower nang mabilis ay nagbihis siya ng puting slacks at gray at white stripes naman ang kanyang suot na polo shirt. Ang presko na ng kanyang pakiramdam pagkatapos ng kanilang biyahe mula sa Madrid. “Sasama ka ba, Graciela?” ang tanong niya nang maratnang nakabihis na rin ang babae ng panibagong damit na pormal at nandoon ito sa may living room ng kanyang suite kasama si Javier. “Gustuhin ko man ay may aasikasuhin pa po ako bago kayo makabalik dito, Señor Presidente,” ang marahang tugon naman nito. Ngumiti siya rito nang matipid at tumango. Sumenyas na siya kay Javier na aalis na sila at lumabas na nang nauna ang bodyguard. Gamit ang radio ay pinaalam nito sa mga kasamahan na lalabas na ang prime minister na may callsign na Cielo (o sky). Ilang mga mata ang nakapansin sa kanila sa may lobby ng hotel pero hindi na ito pinansin ng binata at tuloy-tuloy na sa paglakad palabas ng malaking gusali. Lumulan sila kaagad sa dalawang sasakyan lang upang hindi halatang nagko-convoy sila. Susunod din ang iba mamaya. Naglibot sila sa Makati habang tila isang tour guide na nagsalita ang kanyang Pinoy na driver. “This is Fort Bonifacio, which is the national headquarters of the Philippine Army. It was established during Philippine-American war in 1901.” “I see. I heard about it,” tumangong aniya sa butihing tsuper. Nakangisi naman ito at napalingon sa kanya nang saglit nang bigla na lang nitong inapakan ang brake dahil sa isang sasakyang sinusundan na bigla na lang din huminto. Narinig niyang napamura ang driver—malinaw iyon dahil sa ekspresyon ng mukha nito kahit hindi niya maintindihan ang salita nito. Bago pa niya ito mapagsabihan ng kahit na ano’y bumaba na ang tsuper sa kotse upang lapitan ang sinumang nagmaneho ng kulay-mint green na kotse sa unahan nila. Sumenyas naman siya kay Javier na sundan ang Pinoy na driver at tumalima ito kaagad. Agad naman niyang nakitang may isang babaeng umibis ng kotseng nasa unahan ng sinasakyan. Halatang ito ang nagmamaneho dahil sa lumabas ito sa kaliwang bahagi ng kotse. Napatitig tuloy siya sa babaeng nakasuot ng straight slacks na kulay dilaw at high-heeled shoes na itim. Naka-blazer ito ng itim at mahaba ang buhok nitong naka-high ponytail. Pansin niyang kumukumpas itong nagsasalita at saka napatingin pa sa direksyon ng kanyang kotseng kinalululan. Bumaling itong muli sa kanyang may edad na driver. At bago pa niya nalaman ang ginagawa’y bumaba na rin siya ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD