Nagising si Maxime na sobrang sakit ng kanyang buong katawan. Daig pa niya ang nakipagrambulan sa sampung ka tao dahil pakiramdam niya bugbog sarado siya. Nang iminulat ni Maxime ang kanyang mga mata sumalubong sa kanya ang dalawang kamay nang oras na nakaturo sa ika-siyam na numero ng orasan at mahabang kamay naman sa ika-labing dalawa dahilan upang mapabalikwas siya nang bangon. Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog basta ang alam niya nahimatay siya. What? Nine o’clock na? What the heck, Maxime? First day mo sa trabaho ngayon tapos late ka! Pangaral niya sa kanyang sarili saka kinilos niya ang mga paa upang bumaba sa kama ngunit kaagad din siyang napahiyaw dahil sa sakit ng kanyang magkabilang hita. Muli siyang napahiga sa kama dahil sa hindi makayanan ang hapdi na kany