Sa aminin man o hindi ni Maxime, totoong kumakabog ang dibdib noya kahit simpleng sulyap lamang ng lalaki. Isang araw pa lamang niya itong pinagsisilbihan at hatak na hatak na ang loob niya sa lalaki. Nagulantang siya nang biglang magsalita si Seibas. "Maxime, tapos mo na bang lahat ang pinapagawa ko sa iyo?" tanong ni Seibas sa kanya. Marahan naman siyang tumango. "Yes, Sir. May ipag-uutos ka pa ba?" pormal na sagot ni Maxime. Hindi pa siya sanay sa klase ng trabaho. "Wala naman na.” sinipat nito ang relos na suot. “Sige. Magpahinga ka na lang muna diyan," dagdag pa ni Seibas at saka nagtungo na sa kanyang table. Inabala na lang ni Maxime ang kanyang sarili sa pagkalikot ng kanyang cellphone habang si Seibas naman ay nag basa-basa. Hindi siya nagpahalata na medyo naboboring siya s