M01: NEW BEGINNING

1235 Words
Please, 'wag po. Maawa po kayo kay Daddy! Ilayo niyo ang batang iyan! No! Daddy! “Maxime! Wake up!” pukaw ni Dra. Margaux kay Maxime na umuungol sa pagkakahimbing. “s**t! Napanaginipan ko na naman si Dad!” hinihingal na sagot niya. Inabot naman ng kaibigan ang ply ng tissue na hinugot sa box at walang kyeme na pinahid ni Maxime sa mukha. “Bakit kasi natutulog ka ng tanghaling tapat? Saan ka ba kasi rumampa kagabi at nakailang lalaki ka nga pala?” nakangisi at nakakalokang tanong nito sa kaibigan. “Sa Shake It Bar, may gumiling sobrang hot, kaso walang budget.” nagkibit balikat na sabi ni Maxime. “Tumigil ka nga sa mga ilusyon mo.” biro naman ni Dra. Margaux. “Hindi ko rin type, pero alam mo parang namumukhaan ko ang lalaking 'yon, hindi ko lang tanda kung saan ko siya nakikita lagi.” napapahikab na sabi Maxime, iniisip pa rin ang lalaking performer sa club na pinuntahan niya kagabi. “Sina Matilda at Mavy?” tanong muli ng doktor niyang kaibigan. “Si Mavy kakaalis lang, si Matilda baka bukas o sa makalawa.” “Natanggap ka ba sa in-apply-an mo?” tanong ng doktor. “Oo, at take note bodyguard ako ni Senator Ildefonso. Tatakbong presidente at tiyak makakalaban niya si Mr. Cooper at Sorrento. “Hmm, interesting. Ang natatandaan ko, meron ding isang Sorrento sa ospital na pinatrabaho sa akin upang patayin kaso, sablay 'yung tseke na binayad sa akin. Instead niligtas ko pa. Anyway, wala na akong balita.” mahabang kwento ni Dr. Margaux. Sa ngayon ay wala pang konkretong plano si Maxime. Nahihiya siya sa mga kaibigan, ayaw niyang maging pabigat sa mga ito. Kapag nagkapera siya tiyak mababayaran na rin niya ang mabait na doktor na naligtas sa kanya. Mabuti na lang at nakatakas siya sa kamay ng pinagdalhan sa kanya. Pagkatapos pagmalupitan at patayin ang kanyang ama, ibenenta siya sa mga sindikato. Dinala siya ng mga ito sa isang isla kung saan nag-sanay at tinuruan humawak ng mga deadly weapons. Libreng pagkain at kasuotan. Sa edad na kinse, hindi na mabilang sa mga kamay niya ang kanyang napatay. Ngayong nasa hustong edad na siya, oras na para bayaran ang mga nagastos sa kanya. Ang ibenta siya. “Mr. Cooper, hindi basta-basta si Maxime, mapapakinabangan mo siya hanggat gusto mo. Hindi ka rin lugi sa iaalok kong ito sa'yo. Bihasa at kayang-kayang alisin at burahin ang sinumang hahadlang sa pangarap mo," abot-tenga ang ngiti na sabi ni Mr. Lucas sa kanyang kliyente. “Name your prize, Lukas. I heard it from a friend already, so here we are." masayang sabi ni Mr. Cooper. “Let her in,” utos ni Lukas sa kanyang tauhan. Pagpasok pa lamang ni Maxime ay halos malaglag ang panga ng business tycoon na si Mr. Cooper. Si Mr. Cooper ay isang American na nakabase sa bansa ng halos twenty years na kaya naman matatas na itong managalog. Nag-ooperate ito ng mga shipping line business, both export at import. Ngunit bukod dito, ang business ay ginagamit niya sa shipping ng mga illegal items. Isa sa kalaban niya ay ang mga awtoridad na tapat sa tungkulin. Isa ito sa dahilan kaya lumapit siya kay Lukas na kilala sa pag-deploy ng mga trained asset na kababaihan. “Magaling, magaling. Mukhang magkakasundo tayo Lukas." sabi ni Mr. Cooper habang hinihimas ang baba. Matama naman siyang inobserbahan ni Lukas at ngumisi ito. “Twenty Million Pesos, birhen, maganda, pang-display at protektor mo, pwede na ba?” tanong ni Lukas sa kliyente. “Tuso ka talaga Lukas, bueno, walang problema.” sabi nito at pinikit ang mga daliri. Lumapit ang armadong tauhan at binuksan ang maleta na naglalaman ng limpak-limpak na salapi. Akala ni Maxime at may parte siya sa bentahan ngunit wala pala. Bukod dito, pinagtangkaan din siyang gamiting ni Lukas bago siya ihatid sa mansion ni Cooper. “Susunod na lamang siya, Mr. Cooper.” sabi niya at inutusan ang mga tauhan na kunin ang bayad ng negosyante. “Alright then, the deal is closed. See you, later baby." sagot naman ni Mr. Cooper at tumayo na ito. “Dalhin sa kotse si Maxime, ihatid niyo siya sa bahay ko.” utos nito sa mga tauhan pagkawala ni Mr. Cooper. Masaya si Maxime dahil nakalaya na siya at nakaalis na rin siya sa isla na iyon. Hindi siya makapaniwala. Ibang-iba na ang itsura ng siyudad. Mas lalo siyang namangha pagpasok sa bahay ni Lukas. Akala niya ay dito siya maghahanda upang ihatid kay Mr. Cooper ngunit agad siyang pinasok sa kwarto ni Lukas. “Lukas, akala ko ba binili na ako ni Mr. Cooper.”nagtataka na tanong niya sa may edad ng lalaki. Bigla siyang kinilabutan nang ngumisi ito at puno ng matinding pagnanasa sa mga mata nang tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Bakit Maxime, akala mo ba hahayaan kong maunahan ako ng matandang iyon? Matagal na akong nagpipigil sa'yo, oras na para pagbayaran mo ang lahat ng paghihirap ko sa'yo. Utang na loob ang dapat mong bayaran pero katawan mo lang sapat na." parang asong ulol na sabi nito nang magsimula na amuy-amuyin siya. “H-Huwag, please maawa ka Lukas, binayaran ka na ni Mr. Cooper. Para ko na ring naibalik saiyo ang lahat.” sabi niya ngunit sinampal siya ng lalaki. “Ako ang nagpalaki sa'yo, nagpakain, binihisan kita mula ulo hanggang paa, kakalabanin mo ba ako?” galit na sabi nito at agad na hinubad ang sinturon. Nagsimula itong halikan siya sa leeg dahil umiiwas si Maxime na halikan siya sa labi. Katunayan, nasusuka siya amoy ng hininga nito na amoy bulok. Hindi nakita ni Lukas ang panlilisik ng mga mata ni Maxime. Oras na para i-apply ang kanyang natutunan. Sa mga oras na iyon, nakalimutan niya ang mga panahong nagpapasalamat siya dito dahil ito ang umaruga sa kanya. Ngunit dahil sa maitim nitong balak, biglang nagdilim ang paningin ni Maxime. Wala pang ilang segundo, hindi na humihinga si Lukas. Agad na ang isip ng paraan si Maxime kung paano tatakas sa bahay ni Lukas. Agad na kumuha ng ilang cash sa pitaka nito at sinukbit sa loob ng bra. Pinuwesto niya ang matanda na parang natutulog lamang. Dahil may instruction galing kay Lukas na kailangan ihatid si Maxime sa mansion ng mga Cooper bago siya pinapasok sa kwarto nito, iyon din ang ginamit niyang dahilan. “Sabi ni Boss Lukas, maari na akong ihatid sa kay Mr. Cooper.” sabi niya sa isang tauhan nito na nalatayo sa pinto ng kwarto. Agad naman itong nag-radyo at pinahanda ang sasakyan. Bilang eksperto, naging madali kay Maxime ang pagtakas kahit wala siyang baong armas. Kamay lamang niya ay sapat na upang gamitin ang hand technique upang pumatay ng kalaban. Sinipa niya ang bangkay ng driver at mabilis na nagmaneho. Ngunit naabutan siya ng mga tauhan ni Lukas at pinaulanan ng bala. Natanaw ni Maxime ang tulay at agad inapakan ang gasolina. Nagising si Maxime sa isang pribadong kwarto at dito niya nakilala si Dr. Margaux na dati rin na trainee ni Lukas. Matanda sa kanya ng limang taon at ngayon ay isang doktor na. _____ Halos madapa si Maxime, oath taking niya ngayon at kailangan niyang maka-attend. Isa siya sa mahigit isang daang bodyguard na magsisilbi sa bagong pangulo ng bansa. Ako si Maxime Keith Almendras, nangangakong ipagtatanggol at proprotekhan ang kasalukuyang pangulo ng bansa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD