M02: New Boss

1201 Words
“What the f**k? Ano? Hindi tayo maninilbihan sa bagong Pangulo? Bakit daw?” galit na galit si Maxime na tanong sa isang kasama. Nag-praktis pa naman siya para sa oath taking pero bigla siyang binawi ng agency upang ilipat ng destino. “Ikaw lang at huwag kang mag-alala, anak ng vice president ka ma-a-assign, narinig ko.” paliwanag ng kausap niya na hindi na rin naisip ni Maxime na itanong ang pangalan. “Maxime Keith Almendras!” sigaw ng staff sa loob ng hall kung saan nagtipon tipon lahat ng mga newly hired bodyguards na gaya niya. “Sir!” sagot lang ni Maxime. Wala siyang magagawa. Kailangan niya ng trabaho at ang pagiging isa sa mga bodyguard ng pangulo ay isang opportunity. “Maxime, huwag kang mag-alala dahil kung ano ang offer sayo ay hindi iyon magbabago.” anunsyo sa kanya ng staff. Kumislap ang mga mata ni Maxime nang malaman na hindi naman pala apektado ang sweldo nya. Sa isang banda, medyo nanghihinayang siya dahil mas malawak ang makakalap niyang impormasyon kung sa pangulo siya nagtatrabaho, mas marami itong makakasalamuhang bigating tao at tiyak isa na rito ang target niya. Disappointed man ay walang nagawa si Maxime. “Next week ka na magsisimula kaya kung may dapat kang gawin at asikasuhin, gawin mo na at tapusin. Once a month lang ang day off mo. 24/7 on call at higit sa lahat, pipili ng personal bodyguard si Mr. Aragon. Seibas Aragon. Hindi ako interesado sa ibang kandidato pero mukhang parang exciting ang magiging trabaho ko. Saka ko na aasikasuhin ang tungkol sa mga magulang ko. Huminga ng malalim si Maxime habang kinumumbinse sa isip ang mga pangyayari. “Anak ng bise-presidente? Hindi ba si Siebas Aragon ay anak ni Marlin Aragon na ngayon ay Vice-President?” Namamanghang tanong ni Matilda sa kaibigan. “Here, read them.” initsa ni Maverick ang isang old newspaper na nakatala ang tungkol sa anak ng Vice-President. “Gwapo ano? Tanggapin mo na ang alok, malay mo maging first lady ka balang araw.” Nagtawanan ang mga kaibigan ni Maxime. Hindi lingid sa mga ito na birhen pa ang kaibigan at hindi pa nagka boyfriend. “Ano ang koneksyon ng pagiging single ko sa mga Aragon? Magsitigil nga kayo. May kanya kanya tayong misyon. Alam ko, may kinalaman si Mr. Ildefonso sa pagkamatay ng mga magulang natin.” binagsak ni Maxime ang newspaper at dinampot ang sariling tasa ng kape. “Magkaka-boyfriend din ako, iyong matino at hindi mamamatay tao.” “Excited…" gigil na sambit ni Maverick sa kaibigan. “Siya nga pala, sa mga Aragon ako naka destino. Ibig sabihin, doon ako titira. Baka hindi ako makabisita dito, Margaux.” mahinahin niyang saad. Paano nga naman siya makakauwi kung 24/7 ang trabaho niya. “Inaalala mo ba ang renta? Sinabi ko naman sa inyo, huwag ninyong iniisip ang bagay na iyon. Pamilya tayo. Amg importante, makapag simula tayong muli. Hangga't maaari, itama na ang ating buhay. Ako, sa totoo lang, kinalimutan ko na ang paghihiganti. Hindi ko na maibabalik ang buhay nina Mama at Papa kahit patayin ko pa lahat ang mga politician na madalas ma-confine sa ospital. Kayo, mag isip kayong mabuti. Para saan ba ang buhay ninyong natitira? Palagay ko, mas may peace of mind ako kung hayaan ko na lang ang karma ang humatol sa kanila. Tingnan nyo sila, mas madalas nakaratay na lang sila sa ospital, palibhasa may katiwalian na ginagawa. Doktor ako, kaya ko silang patayin ng hindi nalalaman ng kahit sino. Pero kapag ginawa ko iyon, ako rin ang magbabayad sa bandang huli, dito at dito." mahabang paliwanag ni Margaux. Tinuro niya ang ulo at kaliwang dibdib. “Tama ka, mas masarap matulog kapag malinis ang konsensya. Nakapaghiganti ka nga, araw araw ka namang minumulto ng konsensya mo dahil ilang kaluluwa na ba ang humiwalay sa katawan ang dumaan sa mga palad natin?” sang ayon naman ni Matilda. “Alam ko naman, mas maaga kayong nakalaya sa mga bagay na gusto ninyong gawin. Patay na rin ang mga taong pumatay sa magulang ninyo pero ako hindi pa tapos. Isa na lang, kaya hayaan nyo na lang ako. Pangako, hindi ko kayo gagambalain pa.” paliwanag naman ni Maxime sa mga kaibigan. Lumapit sa kanya ang mga kaibigan at niyakap siya. Totoong hindi madali para kay Maxime na kalimutan ang lahat. Karumal dumal ang sinapit ng mga magulang niya ay kitang kita ng mga mata niya kung paano dinurog ng hydraulic machine ang bungo ng kanyang ama. Basta ang natatandaan niya, may pare-parehong tattoo ang mga taong miyembro ng kung anong organisasyon ang kumitil sa buhay ng kanyang ama. Ang huli niyang balita, pinagpasapasahan ginahasa ng mga kalalakihang tauhan ang nanay niya bago pinatay. Sa kanilang apat, si Maxime ang may pinakamabigat na problema at higit sa lahat hindi madaling makalimot. Wala naman magawa ang mga kaibigan niya kundi ang unawain at irespeto ang kanyang damdamin at desisyon. Seibas Aragon. Paulit ulit na umalingawngaw ang pangalan ng lalaking kanyang magiging amo sa mga susunod na araw. Gusto niyang magpahinga at huwag muna isipin ang trabaho ngunit simula nung ipakita sa kanya ng kaibigan ang profile ng binatang negosyante, parang gusto na niyang hatakin ang araw upang makapag simula na sa trabaho. Gustong mag unwind ni Maxime. Bumalik na sa kanya kanyang trabaho ang kanyang mga kaibigan. Katunayan, lihim siyang naiingit sa mga ito dahil makapag simula na ng bagong buhay. Balita niya ay may kanya kanya ng boyfriend ang mga ito. Wala siyang saktong detalye kung paano nakilala ang mga ito ngunit nasa magandang antas ng buhay. Hindi naman naghahangad ng mayaman si Maxime. Nais niya lamang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang at target niya ang mga politician upang magkaroon ng power at gamitin ang sarili upang maisagawa ang plano ng paghihiganti. Naisipan ni Maxime na bisitahin ang puntod ng mga magulang. Hindi siya sigurado pero ito ang tinuturong labi ng kanyang mga magulang. Isa rin na dahilan kung bakit hindi siya matahimik, dahil sa isang misteryosong identity na tumulong upang matunton ang labi ng kanyang mga magulang. Bukod sa paghihiganti, hinahanap rin niya ang taong concern sa kanya. Marami siyang katanungan na kailangan ng sagot at higit sa lahat, gusto niyang magpasalamat ng personal. “Boss, mukhang may bagong bisita ang mga Almendras.” agad na balita ng tauhan ni Seibas Aragon. “How come you missed the visit?” pangungutya ni Seibas sa kanyang tauhan. “I'm sorry, Sir. Call of nature. Hindi ko na kinaya, natagalan ako sa banyo. Pagbalik ko may bago ng bulaklak. Sa CCTV, isang babae kaso may takip sa mukha.” mahabang paliwanag ng lalaki at totoo ang kanyang sinabi. Ang batas ni Seibas, maging honest imbes na magsinungaling kung nagkamali upang hindi magka problema sa trabaho. “Trace her then.” utos ni Siebas sa mga tauhan.” Si Maxime naman ay humihingal na pumasok sa bahay niya. Hindi siya dumeretso sa hideout nila ng kaibigan. Ayaw niyang masundan siya ng mga tao ni Siebas at madamay pa ang mga kaibigan. Hindi niya maunawaan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Kanina lang niya nasilayan sa personal ang gwapong mukha ng isang Aragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD