Five years ago. Elizar's POV "Long time no see, brother." Ang sabi ni Enrico ng pagkalapit sa amin. May bitbit din siyang bulaklak para kaya mama. Binulungan ko si Lizzy. "Love, mauna kana sa kotse, may pag-uusapan lang kami." Tumango naman si Lizzy at nagsimula ng maglakad ngunit napatigil dahil sa sinabi ni Enrico. "Wait, hindi mo ba ko ipapakilala sa kanya, kuya!" Napalingon at nagpapalit-palit ng tingin sa amin si Lizzy, hanggang itinuon niya na lamang ang paningin sa akin. "Sige na Lizzy." Ang malumanay ko'ng sabi, sumunod naman siya at tumalikod na para maglakad. Pinanood ko siya hanggang sa makasakay siya sa kotse. "Hindi mo talaga ako ipinakilala, natatakot ka ba na sabihin ko sa kanya kung anong klaseng trabaho meron ka." Ang sabi ng nakakabata ko'ng kapatid na si Enri