Lizzy's POV Kinakabahan ako, mga tatlong taon din ako'ng hindi nagtrabaho pero sa tingin ko naman ay kaya ko naman lalo na at makakasama ko naman si Monica. Pumasok kami sa loob. Ibang-iba ang bar na ito kumpara sa pinagtatrabahuan ko noon. Mas malaki, malawak, mas sophisticated, at higit sa lahat may pole dancing pa at may mga babaeng sumasayaw na wala sa dati ko'ng pinagtatrabahuan. Isinara na kasi ang bar na 'yon, ibenta na ng may-ari, kaya napapunta na din dito si Monica. Bartender naman ang trabaho niya dito, sa bar counter siya naka-assign kaya hindi naman daw siya hirap dahil iisang pwesto lang ang ginagalawan niya unlike kapag tiga kuha or tiga served ka, at iisa-isahin mo'ng pupuntahan ang mga customer sa mga kani-kanilang table. Sabi pa ni Monica safe naman daw dahil hindi