Elizar's POV Naging tahimik na ang pagmamaneho ko hanggang sa inihinto ko na ang pagpapaandar ng kotse dahil nakarating kami sa tapat ng bahay niya. Tinanggal naman niya ang kanyang seatbelt at ready ng lumabas pero pinigilan ko siya. "Wait." Natigilan siya sa sinabi ko, at nilingon ako. Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang puting sobre at ini-abot ko sa kanya, pero tinitignan lang niya 'yon, tila nahuhulaan na niya kung ano ang laman kaya siguro ayaw niyang tanggapin. Kaya kinuha ako ang isang kamay niya at pilit ko'ng inilagay ang sobre. "Kunin mo na, kailangan mo yan?" Pinaling-paling niya ang kanyang ulo habang hawak ang puting sobre. "So, bakit parang bigla kang nagkaroon ng pakiealam, ang tanging nasabi mo lang ay good luck nung ipaalam ko sa'yo na nawawala si Enrico, tapos