Kanina pa akong nandito sa sala at halos maubos ko na ang lahat ng posisyon. Tumayo, naglakad, humiga na ako at kulang na lang mag tambling ako. Ilang minuto na lang din ang natitira at maghahating-gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Jethro. Inaantok na rin ako pero gusto ko pa rin siyang hintayin. Muli akong humiga sa mahabang sofa dahil talagang bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na kayang pigilan ang antok ko kaya pumipikit na ang aking mga mata. Hindi nagtagal ay tuluyan na rin akong binalot ng kadiliman. Naalimpungatan lang ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay may kung anong nakadagan sa akin. Ang mga haplos sa buo kong katawan at ang mumunting mga halik na dumadampi sa leeg ko na nakakakiliti at nagpapasiklab ng kakaibang sensasyon sa aking ka