Chapter 13

1547 Words
Hinatid ako ni Luke sa bahay ni Harold. Nakita ko si Harold na nakatayo sa tabi ng pintuan ng parlor n'ya. Ramdam kong kanina pa niya ako hinihintay. Unang bumaba ng kotse n'ya si Luke, at pinagbukas ako ng pintuan, inalalayan n'ya akong makababa. "Good morning, love birds." Bati ni Harold. Hindi pa ako nakakapagsalita, ng magsalita ulit s'ya. "Anong ganap? Bakit ang 11:00pm naging 7:00am?" Tanung n'ya habang pinanliliitan ako ng mata. Ibinaling n'ya kay Luke ang tingin. "Good morning Luke." Bati n'ya dito ng may matigas na boses. "Good morning Harold. Don't pretend, ok lang, wag kang mag-alala alam ko na." Balik na bati n'ya sabay ngiti kay Harold. "Ano ba yan? Hirap na hirap akong magsalita, tapos ngayon ay. Ah ok ang daldal ng bestfriend ko di ba?" Sabit n'ya na may malambot na boses at pumipilantik pa ang kamay. "Pasok na kayo, may luto na akong pang umagahan, kain ka muna Luke bago ka umalis, tawagin ko na rin si baby Kate, sabay sabay na tayong kumain. Ayaw ni Kate kumain ng wala ang mommy n'ya." Mahaba n'yang litanya bago umalis at pinuntahan si baby Kate ko. "Thank you Harold." Sambit ko kay Harold, bago pumasok sa loob. Binalingan ko naman si Luke at inaya na pumasok. "Tara na, sure akong nagugutom na si Kate. Makulit lang talaga iyon minsan. Ayaw kumain ng hindi ako kasabay." Pag-aaya ni Lex, bago tuluyang hinila si Luke para makapasok sa loob ng bahay. Madaming niluto si Harold, hotdog, itlog, ham, bacon at sinangag. Para talagang inaasahan niya na may iba kaming kasama ngayong umaga pagkain. Magandang kumain si Kate. Natawa na lang ako sa iniisip kong, napakakulit na bata. Kung hindi pa makikita ang pagmumukha ko, hindi pa kakain. Pero sa kabila noon, masaya akong mahal na mahal ako ni Kate kahit hindi ako ang kanyang ina. Matapos kaming kumain ay nagpasalamat si Luke kay Harold. "Para saan ang thank you? Sa pagkain o sa pag-aalalaga sa bestfriend ko?" Natatawang tanong ni Harold, na ikinangiti ko din. Alam ko namang nagbibiro lang siya sa tanong n'ya. "Both. Thank you sa breakfast at sa pag-aalaga kay Lex, habang wala ako sa tabi niya. Alam kong kinain ako ng sobrang selos noon. Pero masaya akong malaman na wala kayong relasyon. Maliban na lang sa, bestfriend at magkapamilya na nag turing ninyong dalawa sa isa't isa." Mahabang wika ni Luke. "Asus, ayon lang ba? Wala iyon. Alam mo namang ang mundo natin ay mapanghusgq ang mga tao sa tulad kong gay, pero ni minsan hindi ako nakaramdam na hinusgahan ako ni Lex. Kaya buhat ng araw na nakilala ko s'ya, pakiramdam ko nagkaroon ako ng kapatid at kakampi sa lahat ng bagay. Masasabi kong masaya akong nakilala si Lex, at mahal na mahal ko itong babaitang ito. Oops, bago ka mag react hindi kami talo." Mahabang paliwanag ni Harold na ikinatawa naming lahat. Hindi ko akalaing ganoong kalalim, para kay Harold ang simpleng pagtanggap ko sa pagkatao niya. Sino ba naman ako para manghusga. Tao lang ako at hindi ako perpekto. Masaya akong magkaroon ng tapat na kaibigan. Kaya sino ako para magmataas sa iba. Mahalaga sa akin ang hindi mang-aapak o manglaman ng iba. Kaya ka mamahalin at susuportahan ng mga taong nakapalgid sayo, kung magpapakatotoo ka sa sarili mo, na hindi nanghahamak ng iba. Masaya akong masaya si Harold para sa akin. Masaya din naman ako sa nararamdaman ko, napaka supportive n'yang bestfriend. Basta hindi ako masasaktan, suportado n'ya lahat ng desisyon ko. Wala naman akong naging problema sa pagpasok ko sa trabaho, sa loob ng opisina boss ko Luke, secretary n'ya ako. Pero sa labas ng opisina, girlfriend n'ya ako. Pagkatapos ng trabaho, may oras s'ya sa akin pati kay baby Kate, minsan nagagawa pa n'ya kaming ipasyal. Wala na akong mahihiling pa, na sana hindi na matapos ang mga masasayang nangyayari sa buhay ko, para sa akin ito ay perpekto, kahit wala namang perpekto sa mundo. Habang nakaupo ako sa working table ko, at naghihintay ng utos ni Luke, narinig ko na lang sa mga kasamahan ko dito sa labas ng opisina, ang usap-usapan na darating ang girlfriend ni Luke. Nabigla ako, kasi di ba ako ang girlfriend n'ya pero hindi naman n'ya ako pinapakilala. Bigla na lang may nakita akong, napakagandang babae papasok sa opisina ni Luke, maputi, ang maganda n'yang mukha, ang mata n'yang kaakit akit, ang matangos n'yang ilong, ang mapupula at manipis n'yang labi na lalo pang pinaangat ng kanyang ganda ang simpleng ng make up, na bagay na bagay sakanya. Ang balingkitinitan n'yang katawan, sabi nga perfect para sa suot n'yang body con dress na asul, at silver na high hills. Para s'yang modelo o pinakamagandang babae na nakita ko. Natulala na lang ako sa pagdaan n'ya. Hindi man lang n'ya ako tinapunan man lang ng tingin, pumasok na lang s'ya bigla sa opisina ni Luke. Hindi ko man lang siya nakilala. Lalo na at walang pahintulot na basta na lang pumasok sa opisina ni Luke. Nakatingin na lang ako sa saradong pintuan. Habang iniisip kung kailan ang mga ito lalabas ng pintuang iyon. Kung ano kaya ang ginagawa nila sa loob? "Sino kaya s'ya? S'ya ba yong narinig ko usap-usapan na girlfriend ni Luke." Tanung ko na lang sa aking sarili. Nanlamig ang puso ko, kung titingnan anong laban ko, napakaganda n'ya. "Sana mali ako ng narinig. Sana." Bulong ko sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay n'ya. Bigla na lang akong kinabahan, ng hindi ko alam ang dahilan. Siguro gawa ng narinig ko. Wala naman akong naririnig sa pinag-uusapan nila sa loob gusto kong malaman, pero paano? Habang naghihintay ng paglabas nila, itinuon ko na lang ang oras ko sa pag-aayos ng mga file nagagamitin sa mga susunod na mga araw. Inayos ko na lang din ang mga schedule, n'ya. Iniisip kong baka kaibigan lang n'ya o kakilala. Hindi ako mabilis magduda, may tiwala ako kay Luke. Ilang saglit pa, naunang lumabas yong babae, napatingin lang ako sakanya, kasunod n'ya si Luke, pero walang reaksyon ang mukha, na parang naguguluhan, ng biglang hilahin s'ya nung babae at hinalikan sa labi. My heart froze, pati yata oras ko tumigil din. Nabitawan kung bigla ang mga files na hawak ko at nakagawa ng ingay. Napatingin silang dalawa sa akin. Nilapitan nila ako, pero si Luke hindi nagsasalita, "Ikaw ba sekretarya ni Luke? Please cancel, all his schedule for today. His mine today. Di ba hon. Namiss kita ng sobra." Masayang sambit wika nung babae, na ikinabigla nito,ng biglang nagsalita si Luke, "Tumigil ka na Jenny! Wala akong oras sayo. Napakadaming trabaho dito sa opisina." Galit na wika ni Luke. "Ano ba love! pinapahiya mo naman ako sa sekretarya mo, or baka naman, isa din s'ya sa mga babae na naikama mo?" Sambit noong Jenny na ikinabigla ko. 'Hindi nga ba? Totoo namang may nangyari na sa amin ni Luke, pero hindi lang naman ako basta babaeng bayaran na tulad ng iniisip ng babae na ito.' Sambit ko sa sarili kong kinukumbinsi na mali ang babaeng kaharap ko. Dahil mahal ko, at mahal ako ni Luke. Nagkakamali siya ng iniisip. "So, by the way, I'm Jenny, Luke's girlfriend, pero dapat kasal na kami eh, iniwan lang n'ya ako at umuwi dito. Pero ngayon sisiguraduhin kong ikakasal na kami, at walang makakapigil pa doon." Mahaba n'yang litanya. Pinipigilan kong umiyak sa harapan nila, pero pakiramdam ko kunting kunti na lang babagsak na ang mga luha ko. "Stop it Jenny. Tumigil ka na! Hindi ako magpapakasal sayo." Galit pero pigil na pigil ang sarili. Nilapitan ako ni Luke, "swe..." bilang putol ko sa sasabihin n"ya. "Sir, i cancel ko na lang po schedule n'yo today, i reschedule ko na lang po." Sagot ko na lang habang nakatungo para hindi n'ya makita ang ang mga namumuong luha sa mga mata ko. "Good" sagot ni Jenny at tuluyan na n'yang hinatak si Luke papalayo. Ilang minuto matapos kong alisin, ang mga luha ko, at mapakalma ang sarili ko, dali-dali na akong umalis na building na yon. Dumiretso ako sa bahay ni Harold. "Ang aga mo ah, anong oras pa lang wala kang trabaho? Asan si Luke kasama mo? May date kayo?" Sunod-sunod na tanung ni Harold. Huminga ako ng malalim. Bago tuluyang magsalita, "Best, ang tanga-tanga ko, bakit ba ako palaging naniniwala, may girlfriend naman pala s'ya, tapos pinaglalaruan lang pala n'ya ako, at pinaasa." Sinasabi ko kay Harold habang umiiyak. Niyakap n'ya ako. "Wait, hindi ko masyadong maintindihan. Si Luke may girlfriend? Ikaw yon di ba?" Nagtatakang tanong ni Harold. "Akala, ko din kasi ako lang, tapos nalaman ko kanina na may girlfriend s'yang iba, bago umuwi dito sa Pilipinas." "Lex, ah ah naman eh, tahan na. Wag ka ng umiyak, andito lang naman ako pati si baby Kate. Hindi ko kayo pababayaan" pagpapatahan sa akin ni Harold. Nung araw ding yon, bumalik na lang ako sa probinsya, kasama si baby Kate. Hinatid kami ni Harold. Dun na ulit kami tumuloy sa bahay namin, wala naman kaming matutuyan na iba. Gabi na ng makarating sa bahay, nakakalungkot ang pagpasok pa lang sa bahay, walang sigla pero malinis naman, at pag may libre akong oras umuuwi ako dito noon para maglinis. Mabilis nakatulog si baby Kate, gawa na rin siguro sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD