Chapter 14

1137 Words
Lex Dito ko na rin muna pinatulog si Harold kaysa mag byahe, pa ulit. Maaga akong nagising, pinabantayan ko muna si baby Kate kay Harold para makapunta ng palengke at makapamili ng mga kakailanganin namin, maagap pa rin naman akong nakauwi ng bahay para makapagluto ng almusal. Habang nagluluto ako, ay bigla na lang akong nakaramdam ng hilo, na halos magdilim ang paningin ko. Mabuti na lamang at agad akong nahawakan ni Harold kaya hindi ako tuluyang natumba. "Best, anong nangyari sayo? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Namumutla ka pa? Masama ba ang pakiramdammo?" Sunod-sunod na tanung ni Harold na may halong pag-aalala. Hindi ko din naman alam kung anong nangyayari sa akin, ng bigla na lang akong makaramdam na gusto kong masuka. Tumakbo agad ako sa C.R., inisip ko na lang na baka may nakain akong hindi maganda kahapon. "Best, ano na? Dalhin na kaya kita sa ospital, parang hindi din naman ako makakapayag na umalis ngayon at iiwan kitang si baby Kate lang ang kasama mo. Tapos putlang putla ka pa ngayon, at nagsu.......su.......ka?" Pahina ng pahina ang boses n'ya habang sinasabi iyon. Hindi pa rin ako makapagsalita at parang pagod na pagod ako. Si Harold na rin ang nagtuloy ng niluluto ko, at latang lata pa rin ang pakiramdam ko, ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Luke, bigla akong nagulat, gusto kung sagutin na ayaw ko, kaya nga ako bumalik ng probinsya eh. Hinayaan ko na lang sa isip-isip ko mananawa din yon sa katatawag. Kinukulit pa rin ako ni Harold magpa check up, hindi daw s'ya uuwi hanggat hindi nalalaman kung ano ang nararamdaman ko kaya pumayag na rin ako. Sa ospital, madaming pasyente kaya naghintay pa kami ng mga isang oras, sinabi ko ang lahat ng naramdaman ko kaninang umaga, tapos ay kinuhanan ng iba't ibang test. Makalipas ang ilan pang minuto, bumalik ang doktor na napakaganda ng ngiti, nakahinga kami ng maluwag ni Harold sapagkat sa ngiti ng doktor, malamang wala naman akong malubhang sakit. "Doktora, wala naman po siguro akong malubhang sakit di po ba? Base po kasi sa reaction n'yo ay maayos lang ang kalagayan ko." Sambit ko kay doktora. Medyo may kaunti pa ring kaba at hindi ko pa rin naman talaga alam ang resulta. Ngumiti ulit s'ya ng matamis saka nagsalita. "Ms. Gonzales wala kang malubhang sakit, your pregnant. Four weeks na ang baby mo. Need mo ng palagiang check up para mas maalagaan ang katawan mo at si baby. Need mo din uminom ng mga vitamins, masusustansyang pagkain, para pareho kayong maging healthy ni baby." Nakangiting sambit ni doktora sa amin. Hindi ko malaman kung matutuwa ba akong talaga o maiiyak. Nagkatinginan kami ni Harold, halatang gulat na gulat, kahit naman ako nagulat din, pero sa isip isip ko, isang beses lang nangyari yon, bakit ganito kaagad, paano ko sasabihin kay Luke, kung alam ko namang may girlfriend nga s'ya kaya nga ako umuwi, tapos ngayon ito naman. Hindi ako tinanong ni Harold, s'ya na ang nakipag usap sa doktor para daw sa maiirecommend na OB-Gyne sa akin. Para na rin mabigyan ako ng mga vitamins. Hanggang sa makauwi kami ng bahay, lutang pa rin ang isip ko? Anong gagawin ko? Hindi ko naman masisisi ang bata sa sinapupunan ko, ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito, hindi ko talaga alam kung bakit ganun ang naging epekto ng alak sa akin, kung bakit ko yon ginawa, pero hindi ko naman pinagsisihan ang pangyayari na iyon. Iniisip ko na lang si baby Kate Liam at itong magiging anak ko. Nakatingin lang sa akin si Harold, pakiramdam ko gusto n'yang magtanung, pero sa titig n'ya mas gusto n'ya akong magkwento. Ako na rin ang bumasag sa katahimikan naming dalawa. "Si Luke, ang ama. Nung gabi ng party sa company noon nangyari." Yon lang ang sinabi ko, pero gets na n'ya ang buong pangyayari. "So, anong balak mo?" Tanong n'ya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko din kasi alam. Wala akong plano sa ngayon. Luke Nung oras na hinila na ako ni Jenny papalayo kay Lex, naramdaman kong umiiyak s'ya hindi s'ya nagsalita pero ramdam ko, nakita ko ang paggalaw ng kanyang mga balikat, pero hindi ko naman magawang ipahiya si Jenny. Girlfriend ko si Jenny, pero dati yon. Itinuon ko ang oras pagmamahal, at panahon ko kay Jenny para makalimot kay Lex habang nasa ibang bansa, pero ng naging usapan na ang kasal. Dun lang ako natauhan na hindi ko pala talaga mahal si Jenny at si Lex pa rin. Pabalik na ako ng Pilipinas para sa bagong tayo kung kompanya pero di agad natuloy ang uwi ko. Nalaman kong gustong bilhin ng pamilya ni Jenny sa stock ng mga shareholders ng kompanya ng daddy, kaya mas inuna ko munang isipin at ang pamilya ko bago umuwi. Naayos ko din naman makalipas ng isang linggo, kaya umuwi na ako. Hindi ko alam na susundan pa n'ya ako dito. Alam n'yang girlfriend ko si Lex, pinapasundan pala n'ya ako mula ng umuwi ako dito. Kaya pala ganun na lang ang mga sinabi n'ya sa harap ni Lex. Hindi ako nakapagsalita, para ipagtanggol si Lex sa kanya, kasi sabi n'ya ay buntis s'ya at ipapalaglag n'ya ang bata kung hindi ko iiwan si Lex. Naiipit ako sa sitwasyon. Mahal ko si Lex pero ayaw kong may mawala ng dahil sa kagaguhan ko. Kasalanan ko din naman, lasing ako nong gabing iyon. Hindi ko din alam na magkasama pala kami ni Jenny, at may nangyari sa amin. Dahil na rin siguro sa dami ng alak na nainom noong gabi na iyon kaya wala akong maalala. Hindi ko naman maitatanggi na hindi ko anak ang ipinagbubuntis n'ya, lalo na at wala naman akong sapat na ebidensya. Three months pregnant si Jenny pero hindi mahahalata sa katawan. Maganda pa rin ang katawan nito. Kung hindi nga lang gawa ng ultrasound na pinakita niya sa akin. Hindi ako maniniwala. Pero paano si Lex. Paano ko itatama ang aking pagkakamali, kung may isang bata na mawawalan ng ama? Paano na kami ni Lex? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko? Sobrang gulong gulo ako ngayon. Gusto ko lang ay makausap si Lex ngayon at makapagpaliwanag. Pinuntahan ko si Lex sa bahay ni Harold, pero kahit si Harold wala din. Hindi ko alam kung paano kami magkakausap kung umalis s'ya at umuwi sa probinsya. Paano ko pa matutupad ang mga pangako ko sakanya, kung pati ako isang kasinungalingan na rin para sa kanya Isa akong sinungaling para kay Lex, dahil sinaktan ko s'ya. Alam kung umalis s'ya dahil sa sinabi ni Jenny na girlfriend ko ito. Hindi ko kayang saktan si Jenny lalo na at nagdadalangtao ito. Sobrang nasasaktan ako sa paglayo ni Lex. Paano ko pa itatama ang lahat, kung may madadamay na isang inosenteng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD