Chapter 18

1024 Words
(Last Part) Luke Hindi ako mapakali, ang dalawang oras, ay parang isang buong araw na. Palakad lakad ako ng pabalik balik, hindi ko malaman kung saan ako babaling, saan ako tatayo o uupo? "Luke" tawag ni Harold, napalingon lang ako pero hindi ko s'ya pinansin, napabuntong hininga na lang s'ya. Hindi ako mapakali, manganganak na si Lex ko, pero hindi ako mapalagay, ang dami kong naiisip ang dami kung what if's. Hindi ko alam ang dapat kung gawin, nilapitan na ako ni Jenny at hinila ako sa tabi nila ni Harold. "Luke, relax, hindi makakatulong yang paggiging balisa mo, sa panganganak ni Lex." Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip ko si Lex, hanggat walang lumalabas ng kwartong yon, hindi ako mapapanatag. Ilang oras pa ang lumipas, pero parang wala pa ring lumalabas, kinakabahan, natatakot, hindi ko maipaliwanag. Alam kong matapang si Lex. Pero ako itong lalaki, parang ako pa itong nanghihina. Ilang saglit pa lumabas na rin ang doktor. Mabilis akong tumayo, at lumapit. "Doc, kumusta ang asawa ko." May pag-aalalang tanung ko. "Mr.?....." tanong ng doktora na nagpaanak kay Lex. "Monteverde doc." sagot ko "Mr. Monteverde, maayos po ang asawa n'yo, at ang baby boy n'yo. Mamaya po, pwede na s'yang ilipat sa kwarto n'ya." Pagkasabi nun ay tuluyan ng umalis ang doktor. Ako naman ay nakahinga ng maluwag ng malamang maayos qng kalagayan ng akin mag-ina. Alam kong malaki ang aking pagkukulang kay Lex. Lalo na at hindi ko man lang siya naalagaan sa loob ng panahon ng kanyang paglilihi. Hindi ko man lang naibigay ang mga cravings niya sa pagkain kong mayroon man. Kaya kahit guilty ako sa panahong wala ako sa tabi nilang mag-ina. Masaya akong maayos na naipanganak ni Lex ang aming unang anak. Lex Ilang buwan matapos kong makapanganak ay inayos ni Luke ang aming kasal. Simple lang naman, lalo na at mga mahal lang namin sa buhay ang bisita. Wala naman akong ibang matatawag na pamilya kundi si Harold at si Kate. Masaya sana kung nandito ang mga magulang ko. Mas masaya sana kung kasama ko si mama at papa. Si kuya Liam at ate Kate. Pero sabi nga nila, lahat ng may buhay ay pahiram lang sa atin. Kahit ang buhay natin mismo. Kaya kung tutuusin, sulitin at magpasalamat kung ano at sino pa qng kasama mo ngayon. Pwedeng ngayon kasama mo sila, lahat kayo masaya. Pero mamaya o kaya bukas ay wala na. Nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan ni Luke, medyo nagtagal man bago kami nagkita. Pero ngayong magkasama na kami. Kasama ang aming munting anghel ay susulitin ko talaga qng pagkakataon na ibinigay sa amin. Ang magkasama at mahalin ang isa't isa. Ngayon pupunta na kami sa harapan ng Diyos para hingin ang Kanyang basbas sa pagsasama namin ng buong puso at pagmamahal habang buhay. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking mahal ko ngayon, ay nasa harapan ng altar at hinihintay ako habang papalapit ako sa kanya. Naalala ko ng una ko s'yang nakita. Nakatayo s'ya sa malayo sa kinatatayuan ko. Pero hindi ko alam kung sino tinitingnan n'ya. Lumilinga man ako sa paligid ko pero wala naman akong ibang tao na makita. Nakatitig ako papalapit sa kanya nun, pero hindi ko pinapahalata, ang pagtitig ko, nakakahiya. Gusto kong titigan ang kanyang mga mata, pero hindi ko matagalan. Para akong nanghihina. Iba ang dating niya para sa akin, sa pagtitig ko lang sa kanya. Para na niyang hinahaplos ang puso ko. Paano kong ako pa talaga ang tinititigan n'ya. Baka himatayin na ako sa sobrang kaba. Iba talaga ang pakiramdam ko ng makita ko s'ya. Siya lang ang nakapagpatigil ng pag inog ng aking mundo. Kahit takot pa akong magmahal noon. Alam kung may puwang siya sa puso mo. Kahit hindi ko siya noon kilala. Pero ngayon alam kong sa akin na s'ya nakatingin, alam kong pareho na kami ng nararamdaman, na mahal na mahal namin ang isa't isa. Luke Sobrang saya ng nararamdaman ko, hindi ko akalaing ang unang babae na nagpatibok ng puso, ay ang babaeng hinihintay ko ngayon, papalapit sa altar na kinatatayuan ko ngayon. Ang babaeng minahal ko noon at mamahalin pa habang buhay. Unang beses ko siyang nakita ko sa school. Naglalakad papalapit sa akin. Pero natawa pa ako ng ilang beses siyang bumaling sa kaliwa at kanan. Siguro akala niya may tinitingnan akong iba. Pero sa kanya naman talaga ako nakatitig. Napansin kong tinitingnan niya ako ng palihim pero hindi ko masigurado. Pero parang sa akin talaga s'ya nakatingin. Ang hirap naman kasing alamin. Baka biglang umiwas sa akin. Ngunit habang papalapit s'ya ng papalapitsa akin. Ay s'ya namang bilis ng pagpintig ng puso ko. Nakaramdaman ko ang kaba. Ang ganda n'ya na parang bumabagal ang lahat sa paligid ko na parang kami lang dalawa ang nandito sa lugar na ito. Ganito din noong unang beses ko s'yang nakita. Ang babaeng mahal ko lang talaga ang nakakapagpatigil ng ikot ng aking mundo, habang ang ang puso ko ay hindi mapigil ang mabilis na pagpintig nito. Pero ngayon, sigurado na akong, sa akin s'ya nakatingin, ako ang nginingitian n'ya, at ramdam ko sa mga ngiti na yon ay pagmamahal na matagal ko ng gustong gustong makita at maramdaman mula sa aking mahal na si Lexa Gonzales na ngayon magiging Mrs. Lexa Monteverde ko na. Lex Nakatayo ako sa may veranda, nakatingin sa malawak na hardin, nagmumuni-muni at iniisip ang mga nangyari. Masayang makasama si baby Kate Liam, baby Leik Luis, at ang asawa ko si Luke. Hindi ako makapaniwala, sa tagal ng panahon, magiging ganito akong kasaya. Sa pagmumuni-muni ko hindi ko naramdaman ang paglapit ni Luke, niyakap na n'ya ako mula sa likudan ko, at pinulupot ang mga braso, sa may tyan ko, habang hinahalikan ang batok ko. "Anong iniisip mo?" Tanung sa akin Luke. "Hmmmm, wala naman, masaya lang ako ngayon, masaya akong makasama ka, si baby Kate, at ang baby Leik Luis natin." "Mahal na mahal kita Lex." "Mahal na mahal din kita Luke." End na s'ya. Natapos ng talaga. ***** yuri Ang tunay na nagmamahal, at ang tunay na pagmamahal, hindi sumusuko. Laban lang hanggang sa dulo, dahil ang tunay na pagmamahal, walang katapusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD