Special Chapter

521 Words
(About GM Financing) Luke Matapos ang kasal namin ni Lex, pumunta muna kami sa isang private resort na pag-aari ng pamilya ko, para sa honeymoon namin. Sina mommy at daddy muna ang nagbabantay kay Luis. Out of curiosity, ewan ko kong bakit natanung ako ni Lex about sa company. "Babe, ano ang G and M sa GM Financing Company, ano ang ibig sabihin nun, sa company mo?" May paglalambing na tanung sa akin ni Lex. Napakamot ako ng ulo na medyo nahihiyang sumagot. "Ahhh... Ehhhh..." paunang sabi ko, hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, ng bigla s'yang nagalit. Napakunot na lang ang noo ko. "Siguro, pangalan yon ng ex mo ano? Hindi mo makalimutan kaya pati pangalan ng company mo, yon ang ipinangalan mo! Tapos, ako ang pinakasalan mo! Tapos pagpapasok ka sa kumpanya mo, maaalala mo yang ex mo!" Inis niyang wika sa akin. Napakamot na lang ako ng ulo, habang inaaway, ako ng mahal ko, parang buntis na naman ang mahal ko ah, kung magalit, napangiti na naman ako, baby number two na naman ba ito? I smirked. "Ano!? Ano!? Hindi ka makapagsalita ano? Kasi totoong pangalan nga ng ex mo ang pangalan ng kompanya mo!?" Cute n'yang magalit talaga. "Babe, wag kang magalit, hindi ko ex yon no..... Sa totoo, surname talaga natin yon, Gonzales, Monteverde talaga yon babe." Natigilan si Lex sa sinabi ko, natuwa kaya s'ya. "Babe, nahihiya man akong aminin, umaasa kasi talaga akong maging akin ka, na makasama ka, na kung hindi man, kahit man lang sa pangalan ng kompanya, makasama kita." Nahihiya kong paliwanag kay Lex at hinalikan ko s'ya sa labi. Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Lex, "Babe, masaya ka ba?" Tanong ko sa aking pinakamamahal na si Lex. " Babe kasi nung maghahanap talaga ako ng trabaho si Harold, ang nakakita ng building ng company mo, tapos biniro na n'ya ako na Gonzales, Monteverde daw yon, hindi ko naman akalaing..." hindi n'ya tinuloy ang pagsasalita at parang nahihiya pa ang aking mahal. "Wag kang mahiya, at hindi ko lang yon company, sa ating dalawa yon. Mahal na mahal kita Lexa Monteverde." Sambit ko siniil ko na s'ya ng halik. Hanggang sa maubusan na kami pareho ng hangin, na ikinalayo ng aking labi sa kanya, at hinawakan ng mahal ko ang aking mukha. "Mahal na mahal din kita mister ko, Luke Monteverde." Hinalikan ko si Lex, hanggang sa magpadala na rin siya sa init ng apoy ng pagmamahalan na aming sinimulan. ***** yuri Minsan sa buhay natin, hindi natin maiiwasang hindi masaktan ng dahil sa pag-ibig. Pero sa halip na matakot magmahal, dapat mas lalo tayong maging matatag, at kung nagmamahal ka, ipaglaban mo, lalo na at alam mong may patutunguhan ang pag-ibig na ipinaglalaban mo. Hindi mo malalaman na masarap magmahal kung hindi ka susugal. Kung hindi ka masasaktan hindi mo mararamdaman ang tunay na pagmamahal. Hindi mo malalaman na nagmamahal ka, kung hindi mo mararamdamang nasasaktan ka na. Ang pag-ibig ay parang sugal, kung susuko ka talo ka. Kung susugal ka, malalaman mo ang tunay na resulta, kung natalo ka man ngayon, bukas pwedeng manalo ka.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD