Napabuga muli siya ng hangin matapos nilang mag-usap ni Jayson. Ano bang kalokohan ang pinasok niya? Sigurado namang siya lang naman ang magsa-suffer ng pinasok niyang ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya, tapos na ang lahat, naka-oo na siya. "Rosa, may naghahanap sayo." sabi ng isa nilang waiter sa bar. Itinuro nito ang lalaking nasa may entrance ng bar, sabay alis na din. Si Jake iyon, isang pulitiko sa probensya. Nagbakasyon lamang ito sa Manila at nagawi sa kanilang bar at natipuhan siya. Galante ito at di nalalayo ang edad nito sa edad niya kaya naman ng ayain siya nitong sumama sa province nito, napa-oo agad siya. Syempre, malaki ang offer sa kanya ei, pero medyo kinabahan din siya noong una pero sinigurado naman ng kanyang manager na safe itong samahan. Naging okey naman