"Girlfriend? Oh wow, congrats bok b-bakit hindi mo yata nabanggit sakin?" wika ni Leslie, nasabi niya ng normal iyon kahit ang totoo hindi na niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Pasimple din niyang pinahid ang tumulong luha. "San punta nyo babe, pwede bang sumama ako?" tanong naman ng babae, sabay tingin sa kanya na tila nang-aasar pa. "Wag na babe, malapit lang naman ei, ihahatid ko lang si bok," sagot naman ni Jayson, di manlang siya sinagot nito. Para tuloy feeling niya nakakasira siya sa moment ng dalawa lalo pa at kararating lang pala ng babae. "Ahh, bok baba nalang ako. Malapit lang naman samin ei, alam mo naman kahit nga lakarin pwede ei pero hayaan mo sasakay nalang akong ng padyak," wika niya, parang nalpapaluha na siya pero nakaya niyang pigila