"Les, may problema ka ba?" tanong ni Charlotte sa kanya. "Problema? Wala Cha, ano ka ba? Tsaka palagi naman akong maraming problema ei,dina bago yon," nakangiti niyang sagot dito. "Hindi mo ako maloloko Les, kilala kita,simula pagkabata magkasama na tayo. Ngayon kapa ba maglilihim?" sabi muli nito. Tumitig siya sa mata nito, pero siya rin ang unang bumawi. Napabuntunghininga siya bago nagsalita. "Inlove na yata ako Cha, pero natatakot akong pumasok sa isang relasyong alam ko namang walang patutunguhan," tila walang kabuhay-buhay niyang pag-amin dito. Napailing ito. "Kay Jayson 'no?" tanong nito. "Oo Cha, ang totoo noon ko pa alam na may nararamdaman ako sa kanya kaya lang inlove siya sayo noon. Minsan nga nagseselos ako sayo pero syempre alam ko naman na mali yon, kaya sorry C