Maaga na ng magising si Jayson, hindi niya namalayan na nakatulog na rin pala siya. Kahit na matindi ang pangangailangan niya napigilan niya ang sarili, isang pangyayaring talagang nakapagtataka. Kadalasan kasi kapag nakaramdam siya ng matinding pangangailangan hindi maaaring hindi niya iyon mailabas, pero kay Leslie napigilan niya. Pinagmasdan niya si Leslie na noo'y himbing pa rin sa pagkakatulog, nakaharap na ito sa kanya kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito. Marahil wala na itong nararamdaman dahil payapa ang mukha nito habang nakapikit. Sinalat niya ang noo nito para matiyak kung okey naba talaga ito. Napangiti siya ng matiyak na wala na talaga itong sakit, pero syempre kailangan pa rin nitong makainom ng gamot. Nakayakap sa kanya si Leslie, nakaunan ito sa braso niya a