Luca's POV
Maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga contruction worker sa kabitbahay namin. Ngayon araw na pala sisimulang gibain ang bahay nila Aling Teressa na bestfriend ni mama. Gusto ko mang magreklamo ay hindi ko naman magawa dahil crush ko ang anak nitong si Terence na ma-tattoo ang katawan. Siga iyon, attract na attract ako sa mga lalaking ganoon, pero takot naman akong lapitan sila dahil baka mapag-trip-an ako. Ang weird ko nga, eh. Mas trip ko iyong mga sigang lalaki, ginugusto ko iyong mga gaya nila na hindi ko naman malapitan.
Hindi pa agad ako bumangon dahil gawain ko na tuwing umaga na kapag gigising ako ay nagche-check muna ako ng social media account ko. Habang nag-i-scroll down ako sa timeline ng f*******: ko ay isang profile ng lalaking guwapo ang bigla kong nakita. Lumabas ito sa timeline ko dahil sa mga share at comment ng mga friends ko sa litrato na iyon.
"Kylo Sanders," basa ko sa pangalan ng lalaking iyon. Kung titignan ito ay para bang bad boy siya dahil sa nakakunot nitong noo sa litrato niya. Nakakadagdag guwapo ang makapal nitong kung at sa kung paano siya mag-fierce sa litartong iyon. Kung ako man ang photographer niya nang araw na iyon ay baka kinikilig ako habang kinukuhanan ko siya ng litrato. Siyempre, dahil mukha itong siga at mayabang ay attract naman agad ako sa kanya. Nangyayari rin pala ang ma-love at first sight kahit sa litrato lang? Ang weird, pero crush ko na agad siya.
Ganito ba talaga kapag hindi pa nakakaranas na magkaroon ng relasyon? Puro imagination na lang ang nangyayari?
Nakapikit ako ngayon habang ini-imagine na kasama ko si Kylo sa isang studio. Ako ang photographer niya, siyempre, dahil wild ang utak ko, gusto kong topless siya kapag kinukuhanan ko siya ng litrato. Mukha pa naman itong hot.
Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko na i-add siya sa f*******: account niya. I hope na i-accept niya agad ako.
"Luca!"
Napabangon na ako nang marinig kong sumisigaw na si mama sa labas ng kuwarto ko.
"Nariyan na po! Pabangon na po ako!" Kapag ganiyan ang boses niya ay kailangan ko nang magmadali at tiyak na may lakad kami. Ayaw niya kasing pinaghihintay ko siya, lalo na kung kasama namin si papa. Ako pa naman iyong tipong tao na mabagal gumayak dahil ang daming kong skin care na pinapahid sa katawan ko. Iyon kasi ang secret ko para mapanatili kong fresh at bata ang balat ko.
"Bilisan mo at parating na ang papa mo! Maligo at gumayak ka na dahil ngayong araw na bubuksan ang resort na ipapamana namin sa iyo!" sabi pa niya.
"Opo! Heto nga't papunta na ako sa banyo!" Hindi ko naman kailangang magmadali at alam ko namang male-late na naman si papa. Kahit kailan naman ay palaging huling dumating iyon. Ewan ko ba, para bang may iba pa muna siyang pinupuntahan bago umuwi rito sa bahay. Simula nang sa malayo siya mapunta para asikasuhin ang pinakamalaking swimming pool resort namin ay madalang na namin siyang makasama. Palagi na lang itong busy. Ang OA nga niya dahil puwede naman siyang kumuha ng maraming tauhan para hindi siya nagiging busy. Maraming paraan para makasama kami, pero hindi niya ginagawa. Mas pinipili niya ang mapalayo sa amin nang matagal. Kung umuwi ito ay madalang pa sa patak ng ulan ngayong summer.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ko ay tumuloy na ako sa banyo ko para maligo. Bago ako lumublob sa bathtub ay kinonek ko na muna ang phone sa bluetooth speaker. Gusto ko kasi na habang nagbabad ako sa bathtub ay nakikinig ako sa mga song ng twenty one pilots. Ako lang ata ang bakla na mahilig sa mga song ng mga banda na maiingay ang tunog. Ang iba kasing gaya kong bakla ay mga pang-indak o pa-sweet na song ang gustong pinakikinggan. Ako, rock talaga ang gusto kong pinapakinggan.
Habang nagbabad ako sa bathtub ko ay bigla ulit sumagi sa isip ko si Kylo Sanders. Naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam na maging boyfriend siya? Uh, kinikilig ako! Naiisip ko pa lang na magkasama kami, magkausap at magkatitigan ay parang natutunaw na ako. Normal lang ba na ganito ang mga no boyfriend since birth? Ganito ba talaga mag-imagine? Parang naaawa na tuloy ako sa sarili ko. Bakit kasi hindi ko makuhang magka-boyfriend? Natatakot kasi. Ang dinig ko kasi sa ibang mga bakla ay wala naman daw talagang sumiseryoso sa mga gaya naming bakla. Pera lang ang habol nila, iyon lang kaya nasa-sad ako at hindi ko na sinusubukan mag-boyfriend pa. Kung ganoon na ang nakasanayan ng ibang lalaki sa mga bakla ay paano naman kaming mga bakla na ang hanap ay seryosong pagmamahal?
Siguro nga, hanggang pangarap na lang ako. Hanggang pangarap na lang ako na isang araw ay magiging boyfriend ko si Kylo Sanders.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako. Habang bumababa na ako sa hagdan ay napapangiti ako. Ayos na ayos kasi ang mansyon namin ngayon. Talagang pinaghahandaan nila ang pag-uwi ni papa. Sure ako na wala pa iyon ngayon. Kilalang-kilala ko na kasi talaga siya.
"Very good! Ang cute mong tignan ngayon, anak!" bati sa akin ni mama nang lapitan ko siya. Naka-black pants kasi ako at white polo. Para lang akong ipangpa-partner sa sagala sa suot ko ngayon. Minsan, jologs din si mama, eh.
"Iyong totoo? Aabay po ba ako? Ano na naman pumasok sa isip niyo at ito ang pinasuot niyo sa akin?" Napapairap tuloy ako. Sanay naman sa akin si mama na ganoon ako sa kanya. Kay papa lang naman ako matino at seryoso kapag magkasama kami. Kay mama lang kasi talaga ako super close. Wala akong tinatago sa kanya dahil support niya lang kung ano ako at kung ano ang mga gusto ko. Si mama ang the best na tao para sa akin. Hinding-hindi ko iyan ipagpapalit sa kahit na sino.
Gusto ko rin naman si papa, love na love ko iyon. Sobrang close rin naman namin noong bata-bata pa ako. Madalas niya akong ipasyal sa park at sa kung anu-anong magagandang puntahan. Nang hindi pa ganoong malakas ang kita namin sa mga resort namin ay more bondings kaming tatlo dati palagi.
Habang lumalaki ako ay doon na nag-umpisa na mawalan ng time sa amin si papa. Naiintindihan ko naman siya. Masaya pa nga ako dahil nabibili ko ang mga gusto kong bilhin. Naibibigay nila ang lahat nang pangangailangan ko. Gumanda ang kinabukasan ko dahil sa pagtitiyaga nila sa mga business namin.
Akala ko ay sa mga palabas lang nangyayari ang mga ganitong pamilya na minsan lang magkita-kita. Totoo pa lang nangyayari na kapag marami na kayong pera ay umuunti na ang mga kasiyahan at bondings niyo. Doon na papasok iyong magkakanya-kanya na lang kami sa pagpapasaya sa sarili namin.
Lalo na siguro kaming hindi magkikita-kita kapag natuloy na ang plano ni mama na ihiwalay na ako ng house sa kanila. Hindi sa iniisip kong hindi na nila ako mahal, pero pakiramdam ko ay para bang itinataboy na nila ako. Nasa tamang edad na ako, pero parang isip bata pa rin ako. Ito ay dahil nasanay ako na bini-baby nila ako. Iyon ang mami-miss ko kapag nahiwalay na ako nang tuluyan kay mama.
"Alam mo, siguro na-traffic ang papa mo. Mabuti pa ay mauna na tayong kumain at nagugutom na kasi ako," aya sa akin ni mama.
"Salamat naman! Gutom na rin po kasi ako." Pagdating namin sa kainan ay parang fiesta na naman sa daming ng pagkain. Ang ending, pagdating naman ni papa ay tsaa lang naman ang iinumin niya.
Para hindi masayang ang food ay tinitikman ko na lang ang lahat ng mga pagkain. Hindi na ako nagra-rice para mas marami akong makain na ulam. Magta-tsaa na lang ako sa dulo para hindi ako maimpatso.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang nagsisigaw si mama. Tumayo ito at saka nag-iiyak. Nabitawan ko tuloy ang kutsara ko.
"Hindi!" Agad naman akong tumayo para lapitan siya.
"Bakit po ba? Ano pong problema?"
"Ang papa mo!" aniya na hindi pa makapagsalita agad dahil naninikip na ang dibdib niya.
"Ano pong nangyari kay papa?!" Nag-uumpisa na akong kabahan.
"Naaksidente raw ang papa mo, Luca!" sabi niya kaya nanlumo na rin ako. Napaupo na lang ako sa sahig. Kusa nang tumulo ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Manang Rosita.
Madalang na nga kami magkita-kita, ganito pa ang mangyayari. Sana naman ay ayos lang si papa.