Yvaine's P.O.V
"Daddy, ilayo niyo na kay Ate ‘yong pizza, mauubos!" sabi ni Charm kaya napasimangot ako.
Samantalang nagtawanan naman sila Mommy, Dad and kuya Zach.
“Why are you so hard sa akin, I’m just eating,” umiirap kong sambit.
“Yeah, anak. You just told me that you’re in diet, right? Just kinda reminding you,” nakangiting sabi ni Mom.
“Uhm… cheat day?” bulong ko at kinuha ang plato ng Lasagna.
Best seller kasi dito sa restaurant ni Daddy ang lasagna. This is the first resto that my father built and soon, this will be in my own hands, ako ang magmamana. After I graduate, of course. I am in fourth year college na.
“Kaya walang boyfriend,” pang-aasar ni Kuya Zach.
“Yeah, no boyfriend since birth,” ani Charm.
"Oo nga! 20 years old ka magbo-boyfriend ah!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin kaya nagulat siya.
"20 years old? Ate, ‘wag mo ‘ko itulad sa ‘yo, ah? Ikaw nga 21 years old pero NBSB."
Napairap ako, mahinahon nga magsalita, ang sakit naman ng sinasabi.
“Finish your foods na,” ani Dad.
Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagkapuno ng pantog, naiihi ako.
"Kuya, samahan mo naman ako sa banyo," sabi ko at tumayo.
"Ikaw na! Kumakain ako, nandyan naman si Charm," sabi nito.
“Bakit ako? I’m eating rin, this is my favorite dessert na,” ani Charm.
"Isa!" sabi ko at iniyukom ang kamao ko.
"Dalawa," sabat ni Daddy Blake.
"Tatlo," walang ganang sabi ni Mommy Czarina.
"Apat," ani Charm at tinaas ang dalawang kamay.
"Lima," nakangiting sabi ni Zachary at tumawa silang lahat.
“Really? Pamilya ko ba talaga kayo?”
"’Eto na nga. Tara na, baka umiyak ka pa," sabi ni Kuya at tinulak pa ako nang makatayo siya sa kinauupuan niya.
Sinuntok ko naman siya sa balikat pero tinulak niya ako kaya tinapakan ko ‘yong bagong rubber shoes niya, napadaing siya, ‘di dahil sa sakit, kundi dahil bago yung sapatos.
"Bilisan mo ah!" sabi ni Kuya at tinulak ako papasok sa ladies room.
“Oo na,” ani ko at pumasok sa cubicle.
Hindi kasi ako sanay na mag-isa, gusto ko lagi akong may kasama. Actually, I hate going to a comfort room alone, nung bata kasi ako, kinulong ako ng mga kaklase ko, why? dahil sinasabi nilang baliw ako, because I can see things that they can't see. So, ayuon naging panakot ko na sa kanila ‘yong line ko na 'I can see things that you can't see'.
Nang matapos ako, naghugas ako ng kamay. Habang nakatingin ako sa salamin ay parang may kung ano akong naramdaman kapag nakatitig ako sa mga mata ko. Napailing naman ako. Weird talaga. Siguro dahil may third eye ako kaya ganoon. Pero dahil maganda ako ngayon ay tumitig ulit ako sa salamin at tumingin sa mga mata ko nang matagal. May kakaiba talaga…
"Hayst," bulong ko.
Lumabas ako ng banyo at hinanap si Kuya. Nakita ko namang nakatalikod siya at nakasandal sa pader. Nag-ce-cellphone ba siya? O nagpapahangin dahil nakatapat ang aircon banda dito?
Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya.
"Kuya, tara na--" napahinto ako nang lumingon siya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang hindi si Kuya Zach ang nakita ko, kamukha lang pala sila ng suot, kulay itim rin kasi.
"Ay, sorry po akala ko--" napahinto ako nang makitang biglang dumugo ang ilong ng lalake.
“O to the M to the G!” sigaw ko at tinuro ang ilong niya.
Nag-panic naman si Kuya.
“Dumudugo ‘yong ilong mo!" Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bag ko tapos inabot ko sa kaniya.
"Ah—ano, pasensya na," sabi nito at tumalikod sa akin tapos pinunasan yung ilong niya.
May sakit kaya siya? Bakit ganoon? Bigla-bigla na lang may tumulong dugo nung humarap siya sa akin, kawawa naman si Kuya baka malubha na ‘yong sakit niya, ang gwapo pa naman, sayang.
"Kuya, okay ka lang ba? Baka kailangan mong dalhin sa hospital," sabi ko at hinawakan siya sa balikat.
"No, okay lang ako," sabi nito at tumingin sa akin.
Ano kayang sakit niya? Hindi naman mainit para duguin ‘yong ilong niya. Hindi ako Doctor, I don’t know the answer, ayoko na isipin.
"Sure ka, kuya?"
"Okay lang talaga, salamat," cold niyang sabi at umalis na lang bigla.
Hinabol ko pa siya palabas, baka kung anong mangyari sa kaniya, kawawa naman. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya. Parang ang bilis naman niyang nawala? May sasakyan siguro siya dito. Napatingin ako sa paa ko, may mga abo sa path walk.
“Nasaan ba mga janitor, ang dumi,” bulong ko.
Lumiko na ako papunta sa likod ng resto pero may nakasalubong ako kaya nagkauntugan kami. Napahawak ako sa noo ko at lumingon sa direksyon nung tukmol na hindi nag-sorry sa ‘kin. Saka ko lang na-realize na si Kuya Zach pala ‘yon. Saan naman kaya nagpunta ‘tong lalakeng ito at bigla na lang nawala, iwan ba naman ako?
"Oh? Tapos ka na pala," sabi ni kuya saka hinila na ako papunta sa likod ng resto kung saan nandoon sila Daddy.
"Saan ka ba galing?" tanong ko saka huminto sa paglalakad.
"Nakita ko kasi ‘yong babaeng binully kahapon, gusto ko sanang harapin para mag-thank you siya sa ‘kin kaso tinakbuhan na naman ako! Loko ‘yon!" sabi ni Kuya at nag-cross arms.
Ang big deal naman sa kaniya noon. Pag-te-thank you lang naman.
"Ako naman may nakita akong lalakeng nireregla, same situation, tinakbuhan ako," sabi ko at inirapan siya, ipagmamalaki natin si kuyang pogi kaso may mens.
"Ha? Nirereglang lalake? Baliw ka ba? Ay baliw ka na nga pala," aniya at ngumisi.
"Nireregla ‘yong ilong. Akala ko kasi ikaw ‘yong nakasuot ng itim kanina pero mali ako. Iniwan mo kasi ako, ayan tuloy nagkita kami nung lalakeng nireregla ‘yong ilong," sabi ko at tumawa.
Hindi ko alam pero ngayon ko lang na-realize na nakakatawa pala ‘yong nangyare kanina dahil sobrang epic ni kuyang nireregla ilong! Pero ang gwapo niya.
"Tara na nga! Kumain ka na lang," sabi ni kuya at bumalik na kami sa pagkain.
Hiro's P.O.V
"Oh, anong nangyari sa ‘yo?" tanong ni Irene.
Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa kwaro ko. May babae kasi akong nakita kanina at sobrang ganda niya tapos bigla na lang dumugo ‘yong ilong ko. Sobrang nakakahiya ‘yon!
“Bakit nga?” nagulat ako nang pumasok sa kwarto ko si Irene.
She’s asking everything, why? Because she likes me, but I think I found the one for me. Napahawak ako sa ilong ko at sa panyo na hawak ko. Grabe! Buti na lang nakapag-teleport ako agad ditto. Feeling ko mababaliw ako dahil first time dumugo ng ilong ko, but? why? I mean anong dahilan ng pagdugo nito? We never bleed.
"So? Let me guess, may something strange na nangyare, right, Hiro?" tanong nito at umupo sa dulo ng kama ko.
"Irene, may I ask if, did it happen to you too? Biglang dumugo ‘yong ilong ko sa harap ng magandang babae kanina! That was the first time that I bleed," sabi ko at hinawakan ang sentido ko.
"Si Bryan, dumudugo rin ang ilong niya dati. But me? I never experienced that before," her voice sounds like disappointed.
"Nasaan ba si Bryan?" tanong ko sa kaniya.
"May sinundo lang," sabi nito at tumango ako.
"Ikaw? May nasundo ka bang ligaw na kaluluwa kanina? ‘Di ba sa isang restaurant ang spot mo?" tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot.
“‘Yon nga, naghahanap ako kanina habang nakatambay ako sa labas ng comfort room pero biglang dumating yung babae tapos—tapos sh*t.” Sumasakit ulo ko sa kaniya. Hindi kami pwedeng magkasakit dahil hindi kami tao.
“Hhm, you’re interested to humans now?” tanong niya.
I sighed.
“You know how much I want to feel human,” sambit ko.
“Your dream will be a dream forever,” aniya.
Napakamaldita talaga ni Irene, but she’s a good kind of tagasundo.
“Call me if you need help,” simpleng sabi ko at nahiga sa kama ko.
"Bukas pa kasi ang duty ko. Doon ako sa isang fiesta dahil may binigay sa akin si Fairy Soul na listahan ng mga pangalan, big death festival," sabi nito at pinakita sa akin ang envelope.
My mouth widen when I saw lots of paper with different names.
Tumango naman ako. Si Fairy Soul ang tagahanap talaga ng mga ligaw na kaluluwa pero dahil madami sila pati kaming mga tagasundo ay naghahanap na rin. Susundo lang kami pero naging hunter na rin. Ako naman ang pumapangalawa kay Fairy Soul dahil hindi lang ako isang ordinaryong tagasundo, ako si Kamatayan at hawak ko ang Book of Death.