Chapter 3

1533 Words
Yvaine's POV Kakauwi lang namin galing sa restaurant ni Daddy at naintriga talaga ako kay Kuyang nireregla ilong. Nagbihis na ako ng pambahay at nag ayos ng gamit, tinignan ko ang kalendaryo malapit na ang pasukan. Excited na kinakabahan! Last year ko na to then simula na ng pag tatrabaho ko sa company and sa resto. Well kaming magkakapatid ay iisa ang kukuning kurso kahit ba hindi namin gusto, Gaya ni kuya. Gusto nya maging photographer noon pero naging Business management, ako naman Culinary pero sabi ni Dad kailangan Business Management para tutok kami about sa mga business na kailangang aralin *BRRZZZ*BRRRZZZ* (CellphoneVibrates) Roxas Cousins Lucas-MGA PARE MAG ONLINE KAYOOO! Caramae-Baket? Zachary-Anong meron? Lucas-Tara sa Mall bukas 1PM Yvaine-Paalam kami Caramae-Sama ko sila Rachelle Lucas-Sige Cara Ethan-Derick!!! Sunduin mo ko bro! Derick-Gago di ko dadalhin sasakyan ni Dad Caramae-Dalhin ko kotse ko Lucas-Magdadala din ako Yvaine-Pa angkas nalang guys Zachary-Ayaw pa ako pag drivin ni Dad Ethan-Tangna Bulok Derick-Gago grounded ako ni Dad! Tatakas lang ako bukas! Yvaine-Abnoy hahaha Lucas-Okay labas kami dyan kapag nahuli ka haha Derick-Mag teteleport ako Caramae-Parang kaya eh! Zachary-May kapangyarihan yan Lucas-ano? Derick-Mag teleport! Zachary-Mambabae Caramae-HAHAHAH Yvaine-Burn! Derick-Tangna mo humanda ka sakin Zach! Zachary-Sige lang , ibablackmail kita Derick-De joke lang bro I love you Bro Yvaine-YUCK BROMANCE! Lucas-Nakakadiri kayo Ethan-Bromance Caramae-Bagong Loveteam ng Pinas! ZaRick Derick-Baduy nyo Zachary-Badtrip! Kadiri ka bro! Napatawa naman ako ng malakas sa nangyayare ngayon! Bromance ang peg nila ngayon ah! Di ko alam na bakla pala si Derick, Sarap i-screenshot at ipost sa f*******: hahaha! "Yvaine" Isang husky voice ang narinig ko. "Sino yan?" Tanong ko at tumingin sa paligid, "Fairy Soul?" Sambit ko ng makakita ako ng puting nagliliwanag malapit sa cabinet ko. "Yvaine" muli nitong pagtawag saakin, Unti unting lumabas si Fairy Soul mula sa pader kaya napangiti ako. "Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ko sakanya at inaya siya sa kama ko para maupo sa tabi ko. "Marami akong inasikaso at busy sa paghahanap ng mga lakbay na kaluluwa" sabi nito at tumawa ng mahina. Napatawa nalang din ako dahil, Hindi ako nagsusumbong kapag nakakakita ng lakbay na kaluluwa, napapikit naman ako ng mariin dahil hindi ako nagsasabi sakanya pero kapag masasamang kaluluwa ay kinukuha niya talaga at nagsusumbong ako sakanya, inshort mabait ako sa mabait. "Wooshuuu! Hindi mo ba ako namiss!!!" Sabi ko at sumimangot, Halos mag dadalawang linggo na siyang hindi nagpakita saakin kaya namiss ko ang napakaganda at napaka amo niyang mukha. Minsan kase tumatakas lang sya sa Heavenly Realm para makasama nya ako. "Syempre namiss kita! Pero may pasalubong ako sayo" sabi nito at may kinuha sa kanyang bulsa. "O to the M to the G, O M G! ANG GANDA!" Masaya kong sambit at nagtatalon sa kama. Isang kwintas na kumikinang, bilog ito at may hugis puso na diamante sa gitna, kitang kita ko ang pagkinang ng hugis puso na iyon kaya manghang mangha ako, Hindi ito ordinaryong kwintas lang. Dahan dahan siyang lumapit saakin at isinuot ang kwintas na iyon, nang maisuot saakin ay biglang nawala ang ilaw sa kwintas. "It will keep you safe" sabi ni Fairy Soul saka sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Salamat ah" sambit ko at ngumiti sakanya. Simula bata palang ako ay lagi ko na siyang nakikita, Siya yung nagtatanggol saakin tuwing may mga multong nananakot saakin. Mga elementong kumukuha ng lakas ng mga tao sa pamamagitan ng pananakot. Trivia, lumalakas ang mga multo kapag natatakot ka sakanila at dahil don nagkakaroon sila ng vision at maaari mo silang makita, maaninag, O marinig. Sabi sa mga libro, Kapag daw natakot ka. Lalo ka pa nilang tatakutin dahil nakakakuha sila ng lakas at ginagamit nila sa kasamaan iyon ay ginagawa ng mga elemento, ang multo naman ay nananakot lang kung may kasalanan ka sakanila. "Ingatan mo ‘yan" sabi nito, Ngumiti ako sakanya at niyakap siya. "Syempre naman! Bigay mo eh, alam mo namang ikaw ang tagapagligtas ko" sabi ko at hinawakan ang puso sa gitna ng kwintas. "Sana nakikita rin ako ng magulang mo, ng mga kapatid mo, isa kang espesyal na tao dahil sa abilidad mong makakita ng katulad ko " sabi nito. "Bakit naman gusto mong makita ka ng pamilya ko?" Tanong ko sakanya. Bigla namang nalungkot ang mukha niya kaya nagalala ako bigla. "Sa tamang panahon ay sasabihin ko sayo---" "Yvaine!" tawag saakin ng kung sino. "HALA! SIYA BA SI FAIRY SOUL!?" gulat na tanong ng na r**e na multo. Nagulat din kami ni Fairy Soul sa biglang pag sulpot ng dalawang babaeng multo sa harapan namin, si Narape at Nasagasaan, mga tukmol baka makuha ‘tong dalawang to! Tanga kase. "Mga Ligaw na kaluluwa!" Sambit ni Fairy Soul at akmang kukunin ang Magic Wand niya na itim para kunin ang mga kaibigan kong tukmol pero pinigilan ko siya kaagad. "Teka wag!" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Fairy Soul. "Teka Fairy Soul! Wag mo kami kunin!" sabi nung nasagasaan. "Fairy Soul pag usapan natin to! May future pa kami!" sabi nung narape. Magkayakap na sila ngayon dahil sa takot kay fairy soul. Once kase na makuha sila ni Fairy Soul at malagay sa magic wand, mapupunta na sila sa Heaven Or Hell at hinding hindi na makakabalik sa lupa. "Yvaine kailangan ko silang kunin" Sabi nito. "Kaibigan ko sila, Kahit mga tukmol sila" sabi ko at nag peace sign kay Fairy Soul, ayan tuloy nabuking ako ng hindi oras! Lagot ako nito baka akalain na tinatraydor ko siya! Naku! Sasapakin ko itong dalawang multo na ito dahil kasalanan nila kaya ako nabuko! " Fairy soul! Bakit sobrang ganda mo?" Pambobola ni Nasagasaan. Teka? Ano nga bang pangalan nila? Bakit nga ba hindi ko natanong? "Teka? Ano nga palang mga pangalan niyo?" Tanong ko sa dalawang multo. "Ara" sabi nung nasagasaan. "Bella" sabi nung narape. "Ara-bella , Arabella? Takte pinaglololoko niyo ba ako?" Sambit ko at sinamaan ko sila ng tingin. Si Fairy Soul ay walang pangalan, ipinanganak siya upang maging Fairy Soul at tawaging Fairy Soul, yun ang pag kakaalam ko hashtag stock knowledge. "Kayong dalawa sasama kayo saakin ha?" Sabi ni fairy soul sa dalawang multo. "Sa susunod na kapag nalaman namin ang mga suspect kung bakit kami namatay"sabi nung narape. Tama! At tutulong ako sa paghahanap ng suspect na iyon. Kaya siguro ako binigyan ni God ng third eye ay para makilala ang suspect sa mga multong namatay. "Yvaine" nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at dumating ang kambal kong si Zachary. "Tara kain na tayo ng Dinner" sabi nito at agad na sinarado ang pinto. "Ano ba-" Bastos yun ah may sasabihin pa sana ako pero bigla akong pinag saraduhan? "Kain muna ako" sabi ko at lumabas na ng kwarto ko. Nakita ko si Charm na busy sa cellphone niya at napapangiti ang bruha. Mukhang may kalandian ito ah? Aba aba! Umupo na ako sa harap ni Charm at tinitigan siya, nagulat naman ako nang makita ang dalawang multo kasama si Fairy Soul na papunta sa hapag kainan.Dahil malaki ang table namin at maraming upuan, sa dulo umupo ang dalawang multo at masayang nagkwentuhan tungkol sa pagkain, kesho nakakain na daw sila ng ganon kesho masarap daw yon kesho favorite nila yon, O to the M to the G, nakakastress. "Okay kumpleto na tayo! Magdasal muna tayo" sabi ni Mommy at nagsimulang magsalita ng Verse. Tahimik kaming lahat at ipinikit ang mga mata. "Nagdadasal sila OMG!" Sabi ni Ella. "Feeling ko nasusunog ako" sabi ni Ara kaya napadilat ako bigla. O to the M to the G, Baliw ba sila? "Hindi kayo marunong makisabay sa dasal ah?" Sabi ni Fairy Soul sa dalawa at sinamaan ng tingin. Ayan na galit na si mayora. "Grabe Fairy Soul! Nagdadasal kami kaso baka mapunta kami sa langit bigla! Delekado na po!" Sabi ni Ara. "Oo nga! Tignan mo nga yung nasa harap natin oh! First time ito!" Sabi ni Ella at pumalakpak. Nang matapos ang dasal ay nagusap na sila Mommy tungkol sa trabaho na kailangan daw naming pag aralan, na si Kuya Zachary daw ang susunod na maghahandle kapag retired na si Daddy. Ako naman sa resto ni Dad. Kumuha ako ng Chicken Fillet. "Ay! Alam mo ba? Chicken Fillet ang ulam namin noong birthday ko!" Pagmamayabang ni Ara. Napahawak ako sa sentido ko, ang gulo nila! Ang lalakas ng boses nila pero hindi naririnig nila Kuya, tanging tenga ko lang ang naririndi. "Yabang nito! Kami nga may dessert pa! Tignan mo yun! Nakakain ka na ba non?" Tanong ni Ella. "Oo naman! Lasagna ang tawag don!" Sabi ni Ara. "Eto? Pang mayaman lang yan!" Sabi ni Ella. "Bakit mayaman ba kayo?" Pag susungit ni Ara kay Ella. "Mukha bang hindi? Mayaman kami dati!" "Hindi halata nung una tayong nagkita" "Syempre patay na ako non!" "ANG INGAY NYO!" Sigaw ko at binitawan ang kutsara tinidor na hawak ko at tinignan ng masama si Ara at Ella. "Anak! May problema ba?" Tanong ni Daddy. "Wala po Daddy, sorry kase-kase may multo eh" sabi ko at napa yuko, sumilip ako kala Ara at nakita kong nag so-sorry sila. Bakit ba kase kailangan pa nilang sumama saakin dito? Hindi ko sila papasukin sa kwarto ko **********************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD