RAINE’s POV Dinala ako ni Jacob sa isang hotel. Sabi niya na may malaking possibility na susundan kami ni Tristan kung sa condo na pag-aari niya ako dadalhin. Napayukyok ako sa gilid ng kama. Iyak ako nang iyak habang awang-awa akong pinagmamasdan ni Jacob. Hindi ako makapaniwala na magagawa akong traidurin nina Tristan at Erica. Hindi matanggal sa isip ko ang nasaksihan kong eksena sa kuwarto niya. Tumabi sa akin si Jacob. "Tama na. Namamaga na 'yang mga mata mo." Isinubsob niya ako sa dibdib niya. Sinisinok na ako pero patuloy lang ako sa pag-iyak. "Raine, alam kong masakit. Hindi ko in-expect na magagawa sa'yo 'yun ni Tristan. Kung alam ko lang... Shit." Ramdam ko ang panginginig niya sa galit. "Jacob?" "Mahal kita, Raine. Naunahan lang ako ni Tristan kaya masakit sa akin na