RAINE’s POV Alas otso ng umaga nang makarating ako sa bahay na ipinagawa ng mama ni Tristan para sa nanay at kapatid ko. Gulat na sinalubong ako ni nanay. Isang tingin ko lang sa kanya ay agad niya nang naunawaan na may problema ako. Hinayaan niya lang ako. Pumasok ako sa kuwarto namin ni Tristan at nahiga sa kama. Nagkulong lang ako doon maghapon. Pinatay ko ang cp ko para makapag-isip ako nang maayos. Pinag-aralan ko ang sitwasyon. Tinanong ko ang sarili ko. Nasaktan ka ba sa nalaman mo? Oo. Sinadya ba niya? Siguro. Iiwan mo ba siya dahil dun? Hindi. Tanggap mo ba ang nakaraan niya? Hindi ko pa alam. Mahal mo pa ba? Oo. Paulit-ulit pero pare-pareho ang sagot. Nalilito ako kaya lumabas ako ng kuwarto at hinanap si nanay. Alas singko na ng hapon. Nakita ko siya sa kusina. "Kumain k