RAINE’s POV Napaungol ako sa sakit ng buong katawan ko lalo na sa hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Gusto kong tumayo ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Para akong nagdaan sa hazing sa pagkakabugbog ng katawan ko. Hinawakan ko ang basang bimpo na nakapatong sa noo ko. s**t, linalagnat ako. Ano ba ang nangyari sa akin? Sinilip ko ang katawan ko. Nakasuot ako ng panlalaking pajama. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong maalala ang ginawa sa akin ni Tristan. Napatingin ako sa pinto nung bumakas iyon at pumasok ang lalaking laman ng isip ko. May hawak siyang tray ng sopas. Napaatras ako sa pagkakahiga nang makita ko siyang palapit sa akin. Tinalikuran ko siya nung maupo siya gilid ng kama. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at ang pagbaba niya sa tray na dala niya. "Baby," mahina