RAINE’s POV Nasa canteen kami nina Marlon at Kaye at nagmemeryenda ng araw na iyon. Wala kasi iyong isang instructor namin kaya imbes na makipagtsismisan ay nagkape muna kami. Nagtatawanan pa kami nung biglang silang mapatigil dahil sa isang lalaking nasa likuran ko. "Bakit?" tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Waylon na nakatingin sa akin. Nanibago ako sa itsura niya - pumayat siya at hapis ang mukha niya. Halos tatlong buwan ko na rin siyang hindi nakikita at nagulat ako sa pagbabago niya. "Anong kailangan mo?" pagtataray ko sa kanya. "’Ney, usap tayo." mahina niyang sabi. "Pwede ba, wag mo na akong matawag-tawag na ney dahil tapos na tayo. Umalis ka na dahil ayokong makipag-usap sa'yo." pagtataboy ko sa kanya. "Please, Raine gusto ko lang mag-apologize." Pagsusumamo niya. "S