Third year high school ako nang makilala ko si Roberto. Actually, First year pa lang pala, kaso no'ng third year kami at saka ko pa lang naramdaman ang kagustuhang mapalapit sa kaniya.
Nagustuhan ko kasi ang husay niyang magsulat ng kahit ano pa mang akda; tula, awitin, mga sulatin gaya na lang sa pahayagan ng eskuwelahan. Siya ang aking first love. Sana mahal niya rin ako, gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
Matuturuan kaya ang puso niyang ibigin ang isang gaya ko?
Sana nga. Dahil ang bata kong puso ay umaasa na isang araw, mahal na niya ako.
Paano kaya siya mapapasaakin?
...lalo na ang kaniyang...
KAMAY!