ISANG halik ang iniwan ko kay Sir Ali bago ako bumaba ng kotse niya. Hindi na ako lumingon at dire-direcho na sa entrance ng school. Lakad-takbo ang ginawa ko. Tanaw ko na ang building namin nang harangin ako bigla ni Chelsey. Ang ganda ng ngiti niya na parang walang problemang dumadaan sa pagitan namin. “Chelsey, maaga ang simula ng exams ko. Mamaya na tayo mag-usap.” Lalampasan ko na sana siya. “One minute lang, Solde, please? May sasabihin lang ako.” Napabuga ako ng hangin. “Ano ba ‘yon?” “I know you’re mad at me dahil sa ginawa ko. I hope we can still be friends, Solde.” Napabuga ulit ako ng hangin. “Chelsey, saka na lang tayo mag-usap. Please lang kailangan ko nang pumasok.” “Solde!” Napabaling ako bigla sa tumawag sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Sir Ali na