“COME IN.” Kasabay ng pagbukas ng pinto ng aking opisina ay umangat ang tingin ko sa pumasok. Akala ko ay si Hector iyon pero si Solde ang natagpuan ng mga mata ko. My lips parted in an instant. Parang niyanig ng lindol ang loob ng katawan ko nang tumapak siya sa aking opisina. Tumalikod siya upang isarado muli ang pinto. Ilang sandali pa bago siya ulit humarap sa direksiyon ko. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. “Solde, may… problema ba? Bakit naparito ka?” Alam kong nasa ospital ngayon ang kapatid niya. Siguro ay alam na rin ni Solde ang ginawa ko. Kanina ay tumawag si Dr. Narciso at ibinalitang successful ang operasyon ni Ysandro. Wala na dapat alalahanin si Solde pero, bakit tingin ko ngayon ay may bumabagabag pa rin sa kani