KABANATA 17

2976 Words

“TAY?” Napatingin sa akin si Sir Ali. Papasok na ang kotse niya sa malaking gate ng mansion at sa gilid ng daan ay nakita kong nakatayo ang tatay ko. “Huh?” “Nandiyan ang tatay ko, Sir. Dito na lang ako bababa.” Nakita rin niya ang lalakeng naroon sa malapit sa gate. “Siya ba ang tatay mo? Introduce us, Solde.” “P-po? B-bakit?” “Anong po? At anong bakit?” Itinigil ni Sir Ali ang kotse sa bungad ng gate. “Sir Ali, kakausapin ko muna si Tatay. Baka kasi may importanteng sasabihin ay hindi niya agad masabi kung ihaharap kita.” Tumango si Sir Ali. Dali-dali naman akong nagtanggal ng seatbelt at bumaba ng kotse. Nakita agad ako ni Tatay. Lumapit ako sa kaniya. “Tay?” nakangiti ako sa kaniya, nagulat man pero, masaya akong makita siya roon. Sinadya ba niya ako rito sa trabaho ko?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD