Chapter 4

1214 Words
UNEDITED Mag uumaga na ngunit dilat na dilat parin ang mga mata ko. Nalilito ako sa mga ikinikilos ni Jerviz. Una-dahil sa alok nito na magpanggap bilang girlfriend niya. Pangalawa-dahil sa mga paghalik-halik at pagyakap nito sa akin na hindi ko maiwas-iwasan dahil pabigla-bigla naman ito. Ni minsan hindi pa ako nagkaroon ng karelasyon kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Simula ng iniwan kami ng mga magulang namin, wala na akong iniisip kundi ang makapagtapos ng pag-aaral para matustusan ko ang pangangailangan naming magkapatid. Kahit papano hindi parin kami pinabayaan ng Diyos. Sakto namang may trabaho na ako ng ma diagnosed si Danica ng leukemia. Simula noon walang puwang na sa akin ang pakikipagrelasyon. Nagtrabaho ako ng mabuti at sa awa ng Diyos, nakakaraus din kami kahit na minsan eh sobrang hirap na talaga. Alas singko na ng umaga ng tiningnan ko ang relo na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa sa loob ng kwarto ko. Bumangon na lang ako at tinungo ang kusina saka nag-init ng tubig para magkape at gumawa narin ako ng sandwich. Pagkatapos kong kumain, bumalik ulit ako sa kwarto at kumuha ng damit at pagkatapos ay lumabas na ako ulit at tinungo na ang banyo at naligo. Alas siyete na ng umaga ng matapos kong ihanda ang sarili. Lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang sakayan ng mga jeep. Ilang minuto pa ay lulan na ako ng isang jeep ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali kong kinuha iyon sa loob ng bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Walang naka register na pangalan sa screen ng cellphone ko maliban sa number na hindi naman pamilyar sa akin. Sinagot ko na lang ito dahil pinagtitinginan na ako ng mga taong kasabay ko sa jeep. Nakalimutan ko kasing ilagay sa silent mode kaya ang lakas ng tunog nito. "Hello? Sino to?" "Good morning, pwede bang tumingin ka sa labas ng bintana ng sinasakyan mong jeep?" Madaling nakakaalala ang memorya ko sa mga boses ng mga nakakausap ko kaya nakilala ko naman agad ang pamilyar na boses ni Jerviz. Lumingon ako saka tumingin sa bintana ng jeep. Nagulat ako ng kumaway ito bago nag salita ulit sa kabilang linya. "Baba ka diyan, hintayin kita sa bus stop." Saka nito pinatay ang cellphone at nag overtake na sa jeep na sinasakyan ko. Nagtinginan naman ang ibang pasahero sa akin. May kinikilig pang isang babae na nakasuot pa ito ng uniporme ko noong high school pa lang ako. Pinatay ko narin ang cellphone at ibinalik sa loob ng bag ko bago ko kinausap ang driver ng jeep. "Manong, pakibaba naman po ako sa bus stop, salamat po." "Okay ma'am." Sagot ni Manong driver sa akin. Pagdating namin ng bus stop, nakita ko na ang kotse ni Jerviz. Nakatayo narin ito sa labas nang kanyang kotse. Pagbaba ko ng jeep, naglakad ako patungo sa kinaroroonan niya. Medyo malayo pa kasi sa mismong bus stop kung saan huminto ang jeep na sinakyan ko dahil sa maraming bus ang nakapila doon para makasakay ang mga pumipilang pasahero. "Hi! Good morning!" bati nito sa akin na nakangiti. "Hello, Good morning sir." Ganting bati ko rin sa kanya. Kinuha niya ang dala kong bag at iginiya ako sa passenger's side ng kanyang kotse. Pagkapasok ko sa loob ng kotse, umikot narin ito sa driver side saka pumasok narin. Ibinigay niya sa akin ang bag ko at pagkatapos ay hinila niya ang seat belt sa side ko at ikinabit iyon. Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang hininga nito na tumama sa pisngi ko. Ang bango at ang init ng hininga nito na nagdulot ng kakaibang damdamin sa akin. Pagkatapos niya ikabit ang seat belt ko, umayos narin ito sa pag-upo at ikinabit narin ang seat belt niya saka pina-andar ang makina ng sasakyan. "Maaga ka palang umaalis ng bahay mo?" basag nito sa katahimikan na bumabalot sa amin. "Ngayon lang sir, usually 7:30 na ako umaalis ng bahay. Medyo napaaga lang ngayon." Sagot ko sa kanya. "Ah..ganun ba?" Saad nito habang nagmamaneho. "Siya nga pala sir, anong ginagawa n'yo dito ng ganitong oras?" "Sinusundo ka, kaya lang hindi na kita na abutan, nakita na lang kitang sumakay ng jeep kaya sinundan ko na lang 'yung sinasakyan mo." "Hindi n'yo naman po ako kailangang sunduin sir." "Bakit hindi? Iyon naman ang ginagawa ng lalaki di ba? Ang sunduin ang girlfriend niya at ihatid ito sa trabaho hindi ba?" Sabay sulyap nito sa akin. Humarap ako sa kanya bag nagsalita. "Sir, hindi n'yo po ako girlfriend kaya wala kayong obligasyon sa akin." Naiirita na sagot ko dito. "Pag-isipan mo muna ang offer ko sa 'yo Kate, alalahanin mong para sa ikabubuti mo at ng kapatid mo iyon. Alam kong kulang pa ang kinikita mo para sa inyong dalawa." Hindi na ako kumibo pa sa tinuran nito at tumingin na lang sa labas ng bintana. May tama naman kasi siya, kulang nga ang kinikita ko bilang isang writer para sa aming dalawa ng kapatid ko dahil nga sa sakit nito. Huminga na lang ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Ilang minuto pa ang lumipas na walang imikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa narating na namin ang building ng Star Magazine. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa niya ako ng pintuan. Kusa ko na iyong binuksan saka lumabas. Paglabas ko ng kotse, nag paalam na ako na mauuna na. Tumango naman ito sa akin paglabas nito sabay abot ng susi sa lalaking sumalubong sa amin. Pumasok na ako sa loob ng building. Habang naglalakad ako, may iilang mga mata ang nakasunod sa akin. May nagbubulungan rin at alam kong ako ang pinag-uusapan at pinagtitinginan nila sa anong dahilan? Eh di, dahil sa bumaba ako ng kotse ng boss namin. Pagdating ko sa 30th floor kung saan naroon ang opisina namin, agad kong nakita si Ma'am Jessica, binati ko ito sabay ngiti sa kanya. "Good morning Ma'am Jess." " Good morning Kate. Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba natulog magdamag?" "Halata po ba?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa pisngi at mata ko. "Hindi masyado Kate, siguro kailangan ko ng palitan 'tong eyeglasses ko, lumalabo na yata." Pagbibiro sagot nito sa akin. Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Ma'am Jessica. Lunchtime na, kaya nagliligpit na ako ng mga nakakalat na article at mga papel sa table ko ng biglang may sumampa sa cubicle ko at nagsalita ito. "Let's have a lunch together?" seryosong tanong nito sa akin. Agad akong lumingon sa paligid at nakita kong nakatingin na silang lahat sa amin na inaasahan ko naman na ganun ang magiging reaksyon ng mga ka-opisina ko. "Sir, pinagtitinginan na po tayo. Baka ano pa pong isipin nila, ayaw ko po ng kaaway dito sa opisina." Pabulong na paliwanag ko sa kanya. Tumayo ito at inayos ang kanyang damit bago tumingin sa akin at nagsalita ulit. "I'll be waiting in my office Miss Santiago." Bago tuluyang umalis at bumalik sa opisina nito. Itutuloy..... Sana po magustuhan nyo ang update nato. Ano po sa tingin nyo? Comment and vote na po kayo. Sorry sa lahat ng mga mali ko. Edit ko na lang next time, mahirap mag edit sa cellphone. Salamat. Love... love.. iamdreamer28 ∩__∩∩__∩♥♥♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD