Chapter 3

1946 Words
Chapter 3  Nagkatinginan at gulat ang makikita sa mukha ng mga taong naroon sa paligid nang mga oras na iyon sa naging pahayag ni Jerviz maliban kay Greg. Si Greg ang doktor na tumitingin sa kapatid ni Kate. Matalik itong kaibigan ni Jerviz at alam nito ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ni Jerviz. Sa sobrang closeness ng dalawa, kulang na lang pati sa babaeng gugustohin e, pareho sila. “Kamusta ka na, Jerviz? Ilang araw na kitang hindi mahagilap. Kung saan-saan ka na naman siguro nagsusuhot ano?" "Busy lang 'pre. May importanteng bagay lang akong inaasikaso." "Really?" kita ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. "I'm wondering how important it could be na rito pa sa ospital kita makikita kasama ng girlfriend mo...,” panunudyo ng kaibigan sa kanya. Hindi na nagsalita pa si Jerviz. Baka kung ano pa ang gawin ng kaibigan niya. Mapupunta pa sa wala ang mga plano niya. Kilala niya ang kaibigan. Tumutulong nga ito ngunit humanda ka sa magiging kapalit.  "Sir, ano po’ng ginagawa n'yo rito?" knuot-noo na tanong ni cake. Hindi niya akalain na sumunod pala ito.  “O! Hindi mo pa ba siya napapasagot? Bakit sir pa ang tawag niya sayo? Wait, sinabi mo na ba sa kanya ang totoo?” nanunudyo pa ring tanong ni Greg sa kanya.  Wala pa ring imik si Jerviz. Ayaw niyang oatulan ang akalokohan ng kaibigan dahil sa nang huli niya itong pinatulan sa pagbibiro,sa isang bar sila na padpad. Pinandilatan niya ng mga mata ang kaibigan. Shut your mouth or I will cut your neck!  Nagpalipat-lipat ang singkit na mga mata ni Kate sa dalawang lalaki sa harapa niya. "Magkakilala po kayo doc.?" Kibit-balikat lamang ang sagot ng lalaki. "So, siya na ba ang maswerteng babae na nagpatino sa kaibigan ko?" patuloy pa rin sa panunudyo ng doktor saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Tumigil ka na nga, Greg. Tumahimik ka na lang. Hindi ka naman nakakatulong, e. Panira ka lang." Naiiling na sagot ni Jerviz na 'di na rin nakatiis.  Tumigil na si Greg sa panunudyo dahil hindi na kayang ipinta ang bilugang mukha ni Jerviz. Namumula na ito at alam niyang galit na ang kaibigan. Sa halip ay niyaya na lang niya itong magkape na muna sa opisina niya.  "Tayo sa opisina ko, Jerviz. Iwan na muna natin ang girlfriend mo na makapiling ang kanyang kapatid." Huling hirit pa ng binata. Umiiling na tiningnan nii Jerviz si Kate. Kunot-noo ang dalaga habang nakamasid lang sa kanila. "Babalikan kita rito mamaya. Huwag kang umalis, okay?" Tumango si Kate. Naiwan itong mag-isa sa ward na kinaroroonan ng kapatid. Mahimbing pa ring natutulog ang kanyang kapatid sa puting kama. Hinawakan niya ang kamay nito at  hinalikan iyon saka yumuko. Hindi nito namalayan na nakatulog na pala siya. Nag aagaw-dilim na sa labas nang maramdaman ni Kate na parang may nakatayo sa likuran niya. Dahan dahan itong nag angat ng ulo upang hindi maistorbo ang akalay natutulog pa rin niyang kapatid. Ngunit nagulat na lang siya nang pang angat niy ng ulo, gising na pala ang kanyang kapatid na agad namang ngumiti sa kanya.  "Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo ako ginising?" Ngumiti ang kanyang kapatid. "Mahimbing ka kasing natutulog ate, kaya hinayaan na lang kita. Isa pa, nandyan naman si ate Andrea. Hindi ako nabagot sa kahihintay na magising ka." Maganda na ang mga ngiting nag marka sa mga labi ng kanyang kapatid. Lumingon siya sa kanan at nakatayo nga roon si Andrea. Litaw ang mapuouti nitong mga ngipin na naka-braces. Mabilis na tumayo si Kate at niyakap ang kaibigan. Matalik niya itong kaibigan noong high school pa lang sila. Hindi nawala ang komunikasyon nilang dalawa kahit hindi na nagkikita ang mga ito. Sa amerika nanirahan at nag aral ng medicine si Andrea. Bumalik lamang ito sa bansa upang dito na mga trabaho. Bumalik na rin kasi ang buong pamilya ng kaibigan dito sa Pilipinas.  "Andrea! Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita. Bagay na bagay sa'yo ang puting gown na 'yan. Kailan ka pa dumating?" Niyakap siya ng kaibigan."Kahapon lang at ito nga trabaho agad. Ikaw Kate,  kamusta? May hindi ka sinasabi sa akin. Mahabahabang kuwentuhan yata ito." Nanunudyong mga ngita ang makikita sa mapula at maliit nitong labi.  "Ito, okay naman ako. Nakakaraos din kahit papano." Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. "Kamusta na si Danica?" ani Andrea sabay tingin sa kapatid niya. Bibo namang sumagot si Danica. "Okay lang po ako, Ate Andrea." "Buti naman Danica, dahil ngayong dito na nagtatrabaho si Ate Andrea, lagi na kitang dadalawin, okay ba sa 'yo 'yon?" "Opo! Promise n'yo po iyon huh?" Sabay taas ng hinliliit niya upang makipag-pinky promise kay Andrea. "Promise!" Sagot ni  Andrea at nag pinky-promise na ang dalawa. Masayang masaya si Danica. Lagi naman itong masaya kahit na may nararamdaman. Hindi mo makikitaan ng sakit sa maamo at minsan nama'y kulay papel nitong mukha. Pagkatapos makipag kuwentuhan, hindi nagtagal, nagpaalam na rin si Andrea dahil may pupuntahan pa raw siya. "So, mauuna na ako Kate, may dadaanan pa kasi ako. Birthday ni Mommy ngayon at bibili pa ako ng pang regalo sa kanya," "Okay, Andrea. Kita tayo sa ibang araw. Marami na tayong kuwentuhan na pinalampas." "Oo nga, Kate. Hindi bale, may ibang araw pa naman. Sige mauuna na ako. Bye!" At naglakad na nga ito palabas. "Bye Andrea! Ingat ka!" "Ikaw rin Kate, Danica." At tuluyan na itong umalis. Nang makaalis si Andrea, muling hinarap ni Kate ang kapatid. Bumalik siya sa pag upo sa tabi ng kama nito at muling hinawakan ang kamay ng kapatid. "Danica?... alam mo bang mahal na mahal ka ni Ate?" Hindi napigilang mapaluha ni Kate. Mahal niya ang kapatid. Ito na lang ang tanging natitira sa kanya. Ano pa ang silbi ng buhay niya kung ang nag-iisang taong nagpapatatag sa kanya ay mawala na nang tuluyan. Hindi niya iyon kakayanin. Hindi bale na kung naghihirap man siya ngayon sa pag tatrabaho, balewala iyon kung para rin naman sa kapatid niya. Kaya niyang isugal pati na sariling buhay madugtungan lang ang buhay ni Danica. "Mahal na mahal din po kita Ate Kate. Huwag kang mag-alala magpapagaling ako. Lagi kaya akong nadadasal na pagalingin na ako ni Papa Jesus at alam mo Ate, sa tingin ko malapit na akong gumaling." Nakangiting sagot nito. Two Years ago nang ma-diagnosed na may leukemia si Danica. Sa awa ng Diyos, hanggang ngayon kapiling ko pa rin niya ito. Alam ni Kate na nahihirapan na ang kapatid niya, lalo na sa tuwing oras na ng kanyang chemotherapy. Pinipilit nitong lumaban para kay Kate. Awang-awa na siya sa kapatid. Sa murang edad nitong walong taon naglalaro at nag-aaral na sana ito katulad ng naka bang mga bata. Ngunit ito nga't nakaratay sa higaan at lumalaban. "Ate Kate? Sino siya?" turo ng nguso ni Danica sa kanyang kanang bahagi.  Napalingon si Kate. "Sir? Ano po ang ginagawa n'yo rito?Kanina pa po kayo nakatayo riyan?" Sasagot sana ito ngunit inunahan na siya ni Danica. "Kanina pa siya riyan, Ate kaya lang sabi niya huwag daw akong maingay." "Gano'n ba? Oo nga pala Danica, siya si Sir Jerviz Lantice. Sa kanyang kompanya nagtatrabaho ang Ate bilang writer." "Talaga po?" tuwa sa makikita sa mapupungay na mga mata ni Danica, lalo na nang lumapit si Jerviz sa rito at hinalikan ang kamay nitong may dextrose na nakakabit. "Ako nga pala si, Jerviz Lantice. Puwede mo akong tawaging kuya Jerviz kung gusto mo." anito nang makalapit ng nang tuluyan sa dalawa. Nagulat si Kate sa inasal na iyon ni Jerviz. Sino ba siya, sila ng kapatid niya upang pagtuunan pa ng pansin ng lalaki. Isang empleyado lamang siya sa kompanya nito. "Talaga? Puwede kitang tawaging kuya? Wala akong kuya eh, kaya gusto ko may kuya  par ipagtanggol niya kami ng Ate Kate ko." ani Danica at ubod ng tamis ang mga ngiti. "Sure! Po-protektahan ko kayo ng Ate mo sa abot ng aking makakaya." ani Jerviz bago pinaglaruan ang buhok ng bata. "Ahm...Danica? Lumalalim na ang gabi masama ang magpuyat sa 'yo. Matulog ka na ulit at saka na ako uuwi." Lumingon si Jerviz kay Kate bago ito bumalik sa pagtayo sa tabi ng dalaga. Muling tinabihan ni Kate ang kapatid. Inayos niya ang kumot ng bata na agad din namang nakatulog dala pa rin ng epekto ng gamot na ibinigay rito. Bago tuluyang umalis, pinasadahn nang tingin ni Kate ang kapatid at saka hinalikan ito sa noo bago pumikit at taimtim na nagdasal. Kayo na po ang bahala sa kapatid ko Panginoon. Bigyan n'yo pa sana siya ng pagkakataon na maranasan ang mga pagiging normal na bata. Hayaan n'yo pa sana kaming magsama nang mahabang panahon. "I love you, Danica...God bless." Sabay halik niya sa noo ng kapatid. Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin nakahanap ng masasakyan si Kate. Lampas alas siyete na ng gabi, hindi pa rin nakasakay ang dalaga. Nakamasid lang si Jerviz dito. Ilang minuto pa ang lumipas, hindi na nakatiis Jerviz at tinapos na nito ang ilang dipa nilang pagitan ni Kate. "Hatid na kita sa apartment mo, Kate. Mahirap ng sumakay ngayon. Isa pa, delakado para sa isang katulad mo ang sumakay ng taxi nang mag-isa."  "Akala ko po umalis na kayo," nahihiyang anito. Hindi niya inakalang sumunod pala ito. "Ikaw kasi ang bilis mong maglakad hindi mo man lang inisip na lingunin ako." May pagtatampo sa boses. "Sorry sir, medyo pagod lang talaga ako ngayon. Mauna na po kayo at sasakay na lang po ako ng bus pauwi." Dahan-dahang nilapitan ni Jerviz si Kate. Nang makalapit, hinawakan nito ang kanang kamay ng dala. Pinagkrus niya ang mga palad nila saka niya ito hinila papuntang parking lot. Walang nagawa si Kate kundi ang magpatangay na lamang. Pago na siya at wala na siyang lakas upang makipagtagisan pa sa lalaki. Ang gusto lang niya ng mga oras na iyon ay ang makauwi. Pagdating ng parking lot, binuksan ni Jerviz ang pintuan ng itim na audi niya. Agad na pumasok si Kate. Pagkatapos maisara ang passenger side,  umikot at sumakay na rin ng kotse ang lalaki. Ikakabit na sana ni Jerviz ang seatbelt ng dalaga ngunit inunahan na ni Kate. Baka maulit lang ang nangyari sa kanila kanina. Umiiling na pinaandar ni Jerviz ang kotse. "Saan ang apartment mo, Kate?" tanong niya sa dalaga. Tinuro ni Kate ang direksyon kung saan ito nakatira. May kalayuan rin ang apartment nito sa ospital ng kapatid. Hindi niya namalayan na naka tulog pala siya. Naramdaman ni Kate na parang may pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata, isang napakagandang imahe ang nakatitig sa kanya. Kahit gabi na naamoy pa rin ni Kate ang mamahaling pabango ng lalaki. Napakagaan sa ilong na animoy pabango ng sanggol. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa kanya mukha ang tuluyang nagpabalik ng katinuan ni Kate. Ngumiti ito ng makitang gising na siya. Hinalikan niya ito sa noo saka umalis sa harapan ng dalaga. "Nandito na tayo sa apartment mo." Umayos sa pagkakaupo si Kate. "Kanina pa ba tayo dumating?" "Kanina pa, kaya lang sarap ng tulog mo kaya hindi na muna kita ginising," saka ito tumingin ulit sa kanya at nagtama ang kanilang paningin. Unang ng iwas ng tingin si Kate. Hindi niya gusto ang nakikitang emosiyon sa mga mata ng lalaki. Ayaw niyang bigyan iyon ng kahulugan dahil alam niyang malayo ang agwat nito sa babaeng pakakasalan ng lalaki. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit siya nito inalok na magpangggap na girl niya. "Salamat sa paghatid mo sa akin sir. Goodnight, " saka nagmamadali ng lumabas ng kotse. Dire-diretso itong pumasok sa loob ng kanyang apartment Itutuloy....... dreamer28
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD