NAKAKALUNGKOT MAN NA MAG – PAALAM sa aking mga kasamahan ay natutuwa na rin sila dahil hindi ko na kailangan magpuyat sa trabaho.
Isa si Tracy na masaya para sa akin. Nag ka iyakan pa kami nito. Naalala ko tuloy ng mag – apply ako dito at napag kamalan ako nito noon na gusto ding maging dancer. Mabuti na lang at hindi ako marunong sumayaw.
“Dalawin mo kami dito ha,” wika ni Tracy.
“OO naman basta may pagkakataon. Hindi ko pa naman totally nakikilala ang aking amo. Pero sa ngayon okay naman siya.” Sagot ko dito. “Mag-iingat ka dito.” Sabi ko pa dito.
Nag paalam ako sa lahat ng nakasama ko at syempre hiling ko rin na magkaroon sila ng magandang buhay. Inihatid pa ako ni Tracy sa labas at isinakay sa tricyle. Ramdam ko na nalungkot ito ng sobra.
Excited akong umuwi ng bahay para masimulang ayusin ang mga damit ko. Ito lang naman ang dadalhin ko. Mga damit at mga importateng bagay pati ang mga gamit ko sa school. Isasara ko na lang itong bahay. Kung may magtangka man na magnanakaw ay bahala na siya, luma na naman ang mga gamit dito. Baka mapagalitan pa ako ng magiging bagong boss ko kung dadalhin ko ang mga ito. Baka ipatapos din dahil basura na ito para sa mga mayayaman.
Excited na akong ikwento kay Elsie ang mga ito. Wala naman akong cellphone tulad nila kaya sila doon ay mga updated. Nanghihinayang din ako sa pera kung ibibili ko lang nito. Sila may pamilya na kailangan imessage. Ako ay mag-isa lang at wala namang pamilya na naghihintay sap ag update ko.
Dinala ko din ang ilang picture namin ni Inay. Ito na lang ang alaala niya sa akin.
“Inay kung saan ka man naroroon ngayon, alam ko masaya ka na. Salamat Inay kasi alam ko ikaw nagbulong kay Papa Jesus na gumawa ng paraan para maka alis ako sa lugar na ito. Nay, may mabait na lalaki na nag-offer sa akin para maging kasambahay sa bahay nila. Makakapag-aral pa ako kaya pwede ko pang maabot ang mga pangarap ko. May sahod din ako at libre ang pagkain ko sa pupuntahan ko. Pasensya na Nay kung iiwan ko na itong naging tahanan natin sa 20 years ko. Ang hirap din kasi dito Nay, ang hirap na ng buhay ang gugulo pa ng mga tao. Hindi naman ako haliparot di ba Nay? Wala naman akong inaagaw at wala naman akong paki alam sa mga asawa nila. Alam mo Nay yung best friend kong si Amanda, wala na hindi na kami best friends kasi inagaw ko daw ang boyfriend niya. Hindi ko magagawa iyon ang mang agaw ng hindi akin. Hindi moa ko pinalaki na nangunguha ng hindi ko pag – aari. Nawala man si Amanda Nay, nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa school si Elsie. Isa pa siya sa mituturing kong magandang blessings sa buhay ko. Naramdaman ko sa kanya na may kapatid ako. Bakit kasi namatay agad si Itay? Tuloy wala akong kapatid. Sana may Karamay man lang ako noong iniwan moa ko Nay. Bukas Nay, aalis na po ako dito. Iiwan ko na po ang mga gamit natin. Huwag mo po akong mumultuhin Nay ha sa gagawin kong pag abandona dito. Sayang lang Nay hindi ko sa iyo naiparanas ang magandang buhay na ipinangako ko sa iyo noon. Daya mo kasi, iniwan mo po ako kaagad. Alam ko ikaw ang angel ko Nay kaya maraming maraming salamat. Mahal na mahal kita Nay.” Wika ko sa larawan nito.
Ang bilis ng panahon 8 years ago na ang nakakalipas ng mamatay si Inay. Kung babalikan kung paano ako naka survived sa lahat ay hindi ko maipaliwanag. Sadyang may mga taong ginagamit para makaramdam din tayo ng kaginhawahan. TUlad ng nangyayari dito sa aming lugar, pasakit talaga ang hatid nito sa akin. Pero kapag nasa school ako, ay napapawi ang sakit dahil sa kaibigan ko at ganoon din kapag pumasok ako sa club.
Ngayon panibagong blessing uli ang aking natanggap mula sa lalaking mag-aalis sa akin dito sa lugar na isinusuka ako. Sana lang ay maging maayos ang buhay nila sa pag-alis ko. Sana ay wala ng mag-away na mag asawa dahil wala na ako. Wala na ang sinasabi nilang nanlalandi sa kanilang mga asawa. Dahil bukas ng hapon ay mawawala na ako sa lugar na ito.
Bukas ng gabi ay sa ibang bahay na ako tutuloy. Hindi ko pa alam kung saan ang lugar na pupuntahan ko. Siguro malapit lang din dahil si Sir ay laging nakakapunta sa club.
Ilang bag lang ang aking gamit. Malapit nan ga ding bumigay ang aking bag na malaki. Ito lang ang meron dito kaya naman kailangan kong pagtyagaan. Bibili na lang ako ng bago mula sa sasahurin ko. Matagal pa naman ako aalis doon pero kailangan ko din na magpakabait para naman hindi ako mapalayas. Ganoon iyong nakikita ko noon sa mga palabas kapag nakikinood ako sa kapitbahay. Kapag masungit ang amo at nagkamali ang katulong ay pinapalayas. Kaya ako ay mag be behave para hindi ako mapalayas sa bahay ni Sir. Hindi ko pala natanong kung ilang taon na siya at kung may asawa na? Minsan kasi ang asawa nila ang nagiging problema o kaya ay ang anak. Sana naman ay hindi ganoon ang pamilya ni Sir. Kung wala man siyang asawa pwedeng ang magulang niya ang nasa bahay.
Bahala na bukas, basta lahat ng pwedeng ikagalit ng isang amo ay hinding hindi ko gagawin dahil ayaw ko ng bumalik sa lugar na ito. Kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa. Tapos na rin naman ako sa mga dadalhin ko bukas.