12 Kabanata

806 Words
MASAYA KONG IKINUWENTO KAY Elsie ang magandang balita na aalis na ako sa lugar na kinalakihan ko. Masaya din ito para sa akin. “I’m so happy for you bestie. Sana nga ay mabait talaga ang magiging boss mo at pamilya niya.” Wika nito sa akin. “Mukha namang mabait ang misteryosong lalaki. Sana ay mabait din ang pamilya niya sa akin. Mamaya ko malalaman dahil mamaya raw ako susunduin sa lugar namin.” Masaya ko pang balita dito. “Okay iyan tapos inggitin mo ang mga kapitbahay mo na may mayaman ka ng sugar daddy. Kaya aalis ka na sa lugar ninyo,” turo pa sa akin ni Elsie. “Tama magandang idea iyan, sige gagawin ko nga iyan mamaya.” Sagot ko dito . BIglang tumahimik ang klase dahil padating na si Sir Gatchalian. May kaklase kasi kaming look out sa labas para pagpapasok na ang teacher ay tahimik na kami na parang mga di makabasag pinggan. “Good morning Mr. Gatchalian!” sabay sabay naming bati dito. “Mukhang ang tahimik! Nag review ba kayo para sa ating continuation ng graded recitation?” saad nito sa amin. Wala ng sumagot dito pagkatapos nitong tanungin kung nag review ba kami. Mahirap baka mamaya kapag hindi nakasagot ay sabihin pa niya sa amin na akala ko ba nag review kayo. Okay naman ang naging discussion at ganoon pa rin ang itinanong nito sa akin. Iba lang ang given numbers kanina. At nasagot ko kaya naman paglabas ay si Joey agad ang hinanap ko. Nang makita ko ito ay hindi na ako nag-alangan na lapitan ito. Syempre hila ko si Elsie. Nakakahiya naman na ako lang lumapit ditong mag-isa. “Ah Joey,” sambit ko sa pangalan nito. “Feliz, congrats nasagot mo na rin. Hanga sa iyo si Sir dahil nagawa mo ng sagutin ang problem na ibinigay niya sa iyo at hindi lang isa kundi dalawa pa. Kaya malamang mataas ang grades mo. Tuwang tuwa sa iyo.” Sagot naman nito kahit pangalan pa lang niya ang nababanggit ko. “Kaya nga ako lumapit sa iyo ay para magpasalamat kundi dahil sa iyo ay malamang hindi ko pa rin siya masasagot. Maraming salamat talaga Joey.” Saad ko dito habang naka ngiti. Napatingin ako sa mga mata at bigla akong nagbawi ng tingin dahil naalala ko ang panaginip ko kahapon. Ang layo namman non sa katotohanan para maging kami nito. Pwedeng crush niya lang ako pero kung malalaman niya ang esrado ko sa buhay ay hindi ako nito gugustuhin. “Naku maliit na bagay iyon, saka kung hindi ka talaga matalino hindi mo pa rin iyon ma ge gets. Ito ngang si Albert ilang beses ko ng ipinaliwanag iyon ay hindi pa rin makuha. Ikaw iyon, hind imo lang kasi alam noong una.” Paliwanag pa nito sa akin pero hindi ko na siya tiningnan sa kanyang mga mata dahil baka mahipnotismo pa ako. Bakit ka mahihipnotismo? Affected ka ba sa kanya? Tanong ng isipan ko. “Basta salamat sa iyo,” sagot ko pa sa kanya. “Dahil diyan at para tanggapin ko iyan at samahan ninyo kami ni Albert na kumain sa canteen. Bawal ang tumanggi.” Wika pa nito kaya naman ay wala na akong magawa basta hindi lang ako titingin sa kanyang mga mata. Doble doble ang kasiyahan ko ngayong araw. Una ay makaka alis na ako sa lugar na kinalakihan ko at pangalawa ay nakasagot na ako sa graded recitation namin. May pangatlo pa kaya? Pwede itong libreng snacks namin. At least hindi kami gagastos saka si Joey naman ang nag-offer at hindi kami ang nagpa libre sa kanya. Masaya kaming nag kwentuhan, ewan ko sobrang saya ko lang ngayong araw. Excited na akong umuwi para sa pagsundo sa akin mamaya ng driver ni Sir. Wala akong alam na anumang detalye ni Sir kahit ang apelyido niya ay hindi ko alam. Binigay ko na naman ang address ko at oras ng aking uwi mamaya. Wala kasi akong phone kaya wala akong number na naibigay kay Sir doon sa papel na iniwan ko kay Madam. Sana malapit lang dito sa school ang bahay nila Sir para mahaba ang time ko para makapag trabaho sa bahay. Babawi na lang din ako kapag weekends dahil hindi naman ako gumagala. Parang gusto ko ng hilahin ang oras. "Sobrang saya mo talaga bestie! Hindi mawala ang ngiti mo ngayong araw?" bati ni Elsie. "Hindi ko alam basta punung puno ng kasiyahan ang aking puso, at excited na rin ako mamaya." sagot ko dito. Nag uusap kami ni Elsie na nakatingin lang ang dalawa sa amin. Nagtataka siguro bakit ang saya namin. Hindi ko naman pwedeng ishare lalo na yung unang dahilan. Tumunog na ang bell at kailangan na naming bumalik sa classroom. Nagpasalamat muli kami ni Elsie kay Joey na nanlibre sa Amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD