NAGISING AKO SA INGAY ng mga kapit bahay ko dito sa squatters. May nagwawala sa labas! At teka parang ang pintuan ko ang kinakalampag nito.
“Haliparot kang babae ka! Lumabas ka dyan! Magtutuos tayo, walang hiya ka talaga. Akala mo kung sino kang tatahimik tahimik pero lason ka dito sa lugar naming! Lumabas ka dyan, Feliz na haliparot!” sigaw nito habang may mga nag susulsol pa dito.
“Tama na iyan, wala namang kinalaman si Feliz sa pagpunta ko sa club. Umuwi na tayo!” sigaw naman ng asawa nito. Napipikon na talaga ako sa lugar na ito lalo na sa mga taong makikitid ang isipan. Madalas kapag walang naiabot ang kanilang mga asawa ay sa akin nagagalit kesyo nagpupunta daw sa club dahil inaakit ko ang mga ito.
Ayaw ko sanang magsabi ng masama sa kapwa ko pero sobrang kakapal. Ang papangit naman ng mga asawa nila para patulan ko saka wala akong oras sa pagkakaroon ng boyfriend. Masaya ako sa buhay ko kahit lahat sila dito ay mga pasaway. Napilitan na akong harapin dahil hindi ito titigil. Natuto na rin akong maging matapang kapag mga ganitong I ne eskandalo na nila ang pagkatao ko.
“Ano ho bai yang ikinagagalit Ninyo sa akin?” tanong ko dito habang naka pamewang pa ako.
“Aba at matapang ka pa ha! Walang natira sa sahod ng asawa ko dahil dyan sa club na pinapasukan mo! Ni isang kusing walang itinira. Ganyan ka ba talaga? Gustong makasira ng pamilya?” matapang na paratang nito sa akin.
“Excuse me lang no! Ilang beses ko na sa inyong sinabi o gusto Ninyo na paulit ulit kong ipaalala sa inyo? Kayong lahat dyan na mga mosang, ito gusto Ninyo chismis sa maagang oras. Ni hindi pa kayo nagsisipag hilamos ay chismis agad ang inaatupag. Makinig kayong lahat!! Wala akong paki alam sa mga asawa Ninyo! Hindi ko alam kung nasaan ang mga pera nila. Ako ho ay isang serbidora lang sa club pero hindi ko ho kilala iyang asawa Ninyo at wala akong planong kilalanin ang isa man sa inyo. Kung may problema kayo sa asawa sa mga asawa Ninyo hindi ko na problema iyan. Pero may ma I a advice ako sa inyo, Itali na lang Ninyo para siguradong walang mga kawala at alam pa Ninyo kung saan nagpupunta. Hindi na kayo nagsawa sa mga sinasabi Ninyo! Kung hindi kayo masaya sa buhay, huwag Ninyo akong isali. Pakitantanan na ako!” mahaba kong salaysay sa mga ito.
“Abat ang lakas pa ng loob mong sumagot na babae ka! Bakit ano ang ipinagmamalaki mo? Na nag-aaral ka ? E di sige ikaw na magaling pero hind imo pa rin maipagkakaila na nagtatrabaho ka sa club at pare pareho lang kayo doon mga haliparot! Kailan ka ba lalayas sa lugar na ito? Ikaw ang nagsasabog ng kamalasan dito!” sabat ng isa pang babae. Minsan na rin ako nitong ginising. Pare parehas na lang sila ng mga script.
“Malapit na akong umalis dahil may mag-aahon na sa akin sa lugar na ito! Oh uunahan ko na kayo ha, mayaman ang mag-aangat sa akin at hindi isa man na taga dito. Di ba kung papatol lang din ako doon na ako sa magbubuhay reyna ako. At excuse me, walang binatbat ang hitsura ng mga asawa Ninyo. Kaya dahan dahan kayo sa mga pinagsasabi Ninyo!”
“Sira na ang tulog ko pati araw ko ay sinira na Ninyo. LUmayas kayo dito sa harapan ng bahay ko kung hindi ay bubuhusan ko kayo ng tubig!” pananakot ko na sa mga ito. Sumosobra na kasi kaya dapat sa kanila ay pinapatulan. Habang nanahimik lalo lang silang nang gagalaiti. Ako pa ba? Mag-isa na lang ako magpapa api pa sa kanila? No way! Hindi ko sila mga uurungan. Nasayang lang ang oras na dapat ay itutulog ko pa sana sa mga walang magawang taong ito. Nasa squatters nan ga kami pati mga ugali ang papangit pa.
Buo na ang pasya ko na tatanggapin ko ang offer sa akin ng misteryosong lalaki. Kahit madami pa akong katanungan din.
Tanghali na kaya nagmamadali na akong kumilos para makapasok sa eskwelahan.
Natanaw ko na si Elsie kasama ang mga kaklase namin. May flag ceremony kasi sa umaga kaya dito na sa quadrangle muna nag iipon ipon. Lumapit ako sa kanila at binati ang mga ito. Kasama na sa binati ko sila Joey na naka ngiti bago pa ako dumating.
“Bestie andyan ka na pala? Bakit naka busangot ang Maganda mong mukha” salubong nito sa akin.
“Ay wala pa ako dito, baka gusto mong magka round two dito sa paaralan ?” sagot ko naman dito.
“Uy joke lang iyon! Bakit parang ang init ng ulo mo bestie” saad nito ng mapansin niyang naiinis ako.
“Mahabang kwento, mamaya ko na sa iyo sasabihin para hindi ka mabitin.” Sagot ko sa kanya. Magsisimula na rin ang flag ceremony baka matawag pa kami sa harapan dahil makikita kaming nagkukwentuhan. Napaka sungit pa man din ng aming principal dito.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa yung offer sa akin ng misteryosong lalaki. Mas okay na siguro ito kaysa sa mga kapitbahay ko na hindi man lang marunong rumespeto ng kanilang kapwa. Komo’t nagtatrabaho ako sa club ay ako na nag ubos ng mga sahod nito. Bakit pa ako doon magppapakapagod kung makukuha ko rin lang ang mga pera nito.
“Bestie kanina pa tapos ang kamay mo nakataas pa.” bulong sa akin ni Elsie. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kakahiyan na inabot ko dito. Bwisit talaga ang mga kapit bahay ko walang masabi na magagandang salita. Ako na si Feliz ang babaeng haliparot! “May problema ka ba? Para kang wala sa sarili mo eh.” Dagdag pa nitong wika.
“Meron at marami. Sa dami ng kapitbahay ko ganoon din karami ang problema ko!” sagot ko dito.
“Wag mong sabihin na may sumugod na naman sa iyo at ang kabuntot ay isang barangay?” alam na nito agad ang problema ko. Alam naman niya ang kwento na ginagawa sa akin sa lugar naming.
“Ewan ko ba bestie, kung bakit doon pa kasi ako iniwan ni Inay.” Sambit ko kay Elsie.
“Tara na tapos na ang flag ceremony!’” wika nito sabay hila sa akin.”Sige mamaya mo ikuwento sa akin ang lahat ng nangyari. Ngayon focus ka muna sa subject natin dahil may graded recitation tayo.” Paalala nito sa akin. Alam ko naman na nag-aalala ito pagdating sa grades ko, dahil alam niya ang kagustuhan kong makakuha ng scholarship. Kaya naman dapat focus ako, lalo na at ito ang subject na pinaka mahina ako, ang Mathematics.