5 Kabanata

1459 Words
NAG-PAALAM NA KAMI NI Elsie na mauuna na sa kanila dahil papasok pa ako sa trabaho. Nagsabi pa si Albert na sasabay na sila sa amin na agad naman tinanggihan ni Elsie. Si Elsie ang sumagot dahil sa kanya naman nagsabi si Albert. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa. Si Joey naman ay naka upo pa rin at wari ko ay pinapakinggan din ang dalawa. “Tay pakisaway nga itong si Albert, sabi ng hindi pwede at baka madaanan kami ng mama ko o kaya ng papa ko ay malagot pa ako,” sumbong nito kay Joey na animo’y tatay naman ni Albert. “Pre dito ka na lang. Sasakay na naman sila dyan sa labas. Ihatid mo na lang ng tanaw.” Wika nito kay Albert. “Boss igagaya mo naman ako sa iyo eh. Pwede ko naman siyang ihatid kasama naman si Feliz. Hindi na mahahalata iyon.” Sagot pa nito. “Sabi ko ng hindi pa pwede. Kapag nag 18 na ako saka mo ako ligawan.” Tahasang sabi ni Elsie. “Sinabi mo iyan ha?! Tatandaan ko iyan, narinig ninyong dalawa kapag 18 na siya pwede ko na siyang ihatid. Malapit na birthday mo. Sige call, payag na ako,” confident na wika nito sa dalaga. “Oo nga kapag 18 na ako iyon ang sab isa akin ng parents ko. Sige na aalis na kami ni bestie.” Paalam na nito sa dalawa. “Di ba Feliz 20 ka na?” tanong pa ni Albert sa akin. “OO, bakit mo naitanong?” baling ko kay Albert. “Eh di pwede ka na ring ligawan kasi 20 ka na?” saad sa akin ni Albert. Hindi ko alam kung bakit kay Joey ako napatingin at ito rin ay nakatingin sa akin. Para naman na hipnotismo ako sa titig nito. “Feliz! Tara na gagabihin na tayo baka mapagalitan na ako nila Mama at Papa,” rinig kong tawag ni Elsie kaya naman napakurap kurap pa ako. Narinig ko pang mahinang tumatawa si Albert. Nakangiti na si Joey ngayon. “Ay oo nga, sige mauna na kami sa inyo ni Elsie.” Ako na rin ang nag-paalam sa kanila pati na rin sa iba naming kaklase. Tumawid kami sa kabilang kalsada dahil ito ang way pauwi sa amin. Habang nag-aabang ng masasakyan ay napapatingin pa rin ako sa pinanggalingan namin at ang dalawa ay nakatayo sa may bungad ng gate nila Aaron. “Tingnan mo yung dalawang iyon, binabantayan pa tayo.” Ani Elsie. Totoo naman dahil pwede naman sila sa loob at makisalamuha sa iba naming mga kaklase. Pero hayun at kami ang tintingnan na dalawa ni Elsie. Kaya ng may tumigil na tricycle ay kumaway pa si Elsie sa mga ito na sinagot naman din ng dalawa. Ako lang ang hindi kumaway sa kanila. Nakapag paalam na naman ako kanina kaya okay na iyon. “Bestiie mabuti at nag-kaayos na kayo ni Tatay Joey? Pwede na tayong magpaturo sa kanya.” Masayang turan nito sa akin. “Oo nga, panahon na rin naman na maging mag kaibigan kami. Wala naman siyang ginawang masama sa akin. Nagpahayag lang siya noon na gusto akong ligawan. Saka siya na rin naman nag – offer ng friendship kaya umoo na ako. Mag kaibigan na rin kami.” Sagot ko dito. Hindi ko namalayan ay nasa tapat na kami ng eskinita na papunta sa aming bahay. “Dito na pala ako, mag-ingat ka.” Paalam ko kay Elsie. Magpapahinga na lamang ako at mamaya ay papasok na ako. Sa eskwelahan na ako gumagawa ng mga assignments tuwing break at vacant time. Kaya lang kapag may exam ay dinadala ko ang mga revviewers ko sa trabaho para makapag-aral habang walang costumer. Magpapahinga lang ako ng dalawang oras at maliligo na para pumasok, pero ngayon isang oras na lamg ang pwede kong maging pahinga dahil nagamit ko na sa pagpunta sa birthdeyan. Madali lang naman ang trabaho ko sa club. Magseserve ng alak at maglilinis ng mga table. Wala pa naman nagtangka sa akin na mambastos dahil bantay din naman kami ng mga bouncer na umiikot ikot sa area. Oras na para pumasok. Sana may malaking tip para madagdagan ang savings ko. Ito lagi kong hiling bago pumasok. At kahit papaano ay hindi naman ako nabibigo. Laging may tip pero minsan maliit at minsan naman ay malaki. Kahit ano ang aking matanggap ay nagpapasalamat talaga ako. Dahil bonus talaga ito kaya naman iniipon ko ng tama. Para ito sap ag-abot sa pangarap ko. Madami ngayong parukyano at kapag madaming parukyano sigurado na madami ring tip. Madaming kita. Kakapasok ko pa lang sa kitchen ng sinundan ako ng floor manager. “Feliz, may gustong kumausap sa iyo doon sa dark room.” Sabi nito sa akin. “Boss sa dark room po talaga? Hindi po ako papayag kahit malaki po ang bayad.” Sa salita ko ay tunog na ayaw ko. Totoong ayaw ko dahil dark room iyon. Doon may nangyayari sa mga talent at parukyano. Kaya bakit ako pupunta doon? Hindi naman ako talent. Ako ay taga silbi lang dito. “Kakausapin ka lang daw. Mukha namang mabait. Ewan ko ba bakit ikaw ang pinapapunta eh may ka table naman kanina. Sabi ay kakausapin ka lang. May mga bantay naman sa labas, sumigaw ka lang kapag may ginawang masama sa iyo.” Pangungumbinsi pa sa akin nito. Malamang naabutan ito ng tip kaya ito ganito sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tunguhin ang dark room. Sinabi sa akin ang number ng room na pupuntahan. Room no, 2 daw. Kumatok ako pagdating ko sa lugar ng dark room. “Magandang gabi po!” bati ko pagpasok ko ng dark room. Walang ilaw kaya naman hindi sila makikita. “Tumuloy ka Miss, “ sabi nito sa akin. “Sir pinapunta daw po Ninyo ako dito? Bakit po? Taga serve lang po ako at taga linis. Hindi po ako pwedeng I table.” Wika ko dito. Gusto ko lang maka siguro na hindi ako kasali sa mga pwedeng ipasok dito. Pero ngayon nandirito ako. “Oo pinapunta kita dito, may mga gusto lang sana akong malaman tungkol sa iyo. Lagi kasi kitang nakikita at tingin ko ay bata ka pa,” saad nito sa akin. “Hindi na naman po ako minor. Bakit po Ninyo gustong malaman?” tanong ko dito. Ang weird lang ng boses nito. “Gusto mo bang mag trabaho? Yung hindi dito?” tanong nito sa akin. “Ano po bang trabaho iyan?” “Kasambahay o mas tamang care taker ng bahay. May makakasama ka doon na mga katulong.” Saad nito. “Nag-aaral po ako Sir at gusto ko pong makatapos hanggang College. Kasalukuyan po akong grade 12.” Sagot ko dito. “Wala naman problema kung nag-aaral ka. Pwede mo naman gawin iyon habang nasa mansion ka. Hindi naman din ako doon nakatigil,” wika nito. “Magkano naman po ang sweldo ko kung tatanggapin ko po offer Ninyo? Kasi dito po ay may sahod ako bukod pa po sa mga tip na binibigay ng mga costumers.” Turan ko dito. “Sige magkano ba sahod mo plus tip? At tatapatan ko, pwede ko pang higitan. Kapag nasa mansion ka ay pwede mong gawin ang gusto mo. Makakapag-aral ka ng Mabuti at hind imo na kakailanganin magtrabaho sa gabi.” Talagang kinukumbinsi ako nito. “Sir kung okay lang po sa inyo ay pag-isipan ko po muna ang offer po Ninyo. Mahirap po ang padalos dalos na desisyon. Baka sa huli po ay pagsisihan ko pa ito. Pero ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ako sa inyong Magandang offer. Salamat po. Babalik na po ako doon baka hanapin na po ako ng manager.” Muli kong saad dito. “Bayad ko na naman ang oras mo, pero sige kung gusto mo ng lumabas ay pwede na naman. Babalik ako bukas para sa sagot mo.” Turan nito sa akin. Nag paalam lang ako dito at lumabas na sa madilim na kwarto. Pilit kong iniisip ang magandang offer. Kailangan ko munang isangguni ito sa aking kaibigan. Saka ako magdedecide. Baka ito na ang hinihintay kong pagkakataon para umalis sa bahay namin. Hindi ko na kayang tumigil pa roon ng matagal. Sobrang toxic na ng mga kapitbahay namin. Paglabas ko ay nag aabang na ang aking mga kasama para mag usyoso kung bakit ako ipinatawag ng parukyano. Sinabi ko naman sa kanila at hati ang kanilang mga opinyon. May agree at meron namang kontra. Ang mahirao kasi ay hindi ko siya kilala at ayaw pa nitong ipakita ang kanyang mukha. Base naman sa pagsasalita niya ay mabuti itong tao. Ang maganda pa sa offer niya ay pwede akong mag-aral habang naninilbihan sa bahay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD