Chapter 5: Favor
PAGKALABAS ni Elisa sa building ng CPC Entertainment Agency ay agad siyang dumiretso sa sasakyan ni Joaquin at nang makasakay siya dun ay agad namang na patingin ang lalaki sa kanya.
"So, kamusta ang interview mo?" hindi naiwasang tanungin ni Joaquin sa kanya.
Huminga muna nang malalim ang babae bago binalingan ang katabi nito. "Well, hindi pa nila ako tinatanggap dahil gusto pa daw malaman ni Mr. Castillo kung tatanggapin nila ako sa agency nila."
Napatango naman ang lalaki. "Ganun ba?"
"Yes, I really hope that I will be accepted for sponsorship because that is all I need to secure my career now." she added.
Pagkatapos nilang pag-usapan iyon ay saka sinimulang paandarin ni Joaquin ang sasakyan nito. At habang nasa byahe sila ay muling nagsalita ang lalaki.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi mo talaga na nami-miss mo si Elise kanina sa interview mo," naiiling na komento ng lalaki.
Napairap naman si Elisa ng marinig ang sinabi nito saka tumingin sa daan. "Well, sinabi ko lang naman iyon para maisip ng mga fans ko kung gaano ako kabuti bilang kapatid ng babaeng iyon."
"Ibang klase ka talaga, babe." nangingising sabi ni Joaquin bago hinawakan ang kamay ni Elisa.
Tumaas naman ang labi ng babae. "Mabuti na lang talaga at matagal ng patay ang babaeng iyon. Salamat din at hindi na siya bumalik sa nakalipas na tatlong taon dahil baka mabaliw na ako nang tuluyan kapag kinuha niya ang yaman natin."
"Yeah, you're right. Mabuti na lang talaga at namatay siya. Hindi ko rin alam ang gagawin ko kung hindi natin nagawan ng paraan ang pagkamatay ng babaeng iyon. Ayokong maghirap dahil lang tinanggalan niya tayo ng mana," seryosong sabi naman ng lalaki.
Sa nakalipas kasi na tatlong taon ay naging abala ang dalawa sa kung paano nila makukuha ang lahat ng yaman ng pamilya nila Elise.
Kumuha sila ng attorney matapos magpagawa ni Elisa ng pekeng last will and testament ni Elise. Humanap lamang sila ng magaling kumopya ng sulat para magaya ang pirma at ang sulat ni Elise.
Pagkatapos nun ay saka nila iyon ibinigay sa attorney ng pamilya Garcia. Kalaunan ay naibigay at naipangalan naman kay Elisa ang mga ari-arian at yaman ng pamilya nila Elise dahil sa pagkopya nito sa sulat ay pirma ni Elise.
Ngunit kahit na namatay na si Elise ay hindi pa rin nila nagawa magpakasal na dalawa dahil gusto muna ni Elisa na makapasok sa showbiz.
At gaya nga ng gusto nitong mangyari ay nakapasok siya sa showbiz makalipas ang dalawang taon mula ng mamatay si Elise at mailipat ang yaman nito sa kanya.
Habang si Joaquin naman ang naging manager ng babae ng pasukin nito ang showbiz industry. Hindi naman akalain ng dalawa na mabilis makakapasa si Elisa sa audition at sisikat din siya kaagad matapos makuha ni Elisa ang first project niya.
Nang makarating na sila sa tapat ng condo na binili nila noon ay agad namang bumaba sa sasakyan ang dalawa saka nagsimulang maglakad papasok sa loob ng condo building para pumunta sa unit nila.
Binenta na kasi ni Elisa ang mansyon ng Garcia family dahil ayaw niya na makita ang memorya ng pamilyang iyon para maibaon niya na ito sa limot.
Pagkatapak na pagkatapak nila sa loob ng condo unit na binili nila ay agad namang mapusok na naghalikan ang dalawa. Ganun kasi ang gawain nila kapag uuwi galing trabaho, they make time for each other.
At ang oras na iyon ay inilalaan nila sa pagtat*lik na dalawa. After their kisses, they had s*x together.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Aether para mag-agahan ngunit ng makita niya sa kanyang tabi ang asawa niyang mahimbing pa rin na natutulog ay napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.
Saka lamang nagpasiya ang lalaki na magpahuli na lamang pasok para masabayan niyang kumain ang asawa at magkaroon siya ng oras para kausapin ito.
Pagkababa ni Aether sa kusina ay inutusan niya naman agad ang katulong niya na maghanda ng agahan nila ng asawa niyang si Eurydice.
At dahil marami namang katulong sa mansyon si Aether ay hindi siya natagalang maghintay sa hapagkainan. Sakto rin naman na kakagising lang ni Eurydice noong matapos ihanda ng mga katulong niya ang pagkain nila sa dining area.
"Goodmorning," bati ni Aether sa asawa niyang kakapasok lang sa dining area na iginiya ng katulong niya.
Mabilis namang napabaling ang dalaga sa kanya ng marinig siya nitong nagsalita. Yumuko ito nang marahan saka siya tinabunan ng tingin. "goodmorning."
"How was your sleep?" Aether asked calmly.
Mabilis namang ngumiti ang babae. "Good. You?" balik nitong tanong.
"I also slept well last night. You didn't even realize that we slept next to each other last night."
After saying that, the corner of the man's lips raised and waited for the reaction of the other person.
Napansin naman ni Aether ang agad na panlalaki ng mga mata ni Eurydice habang nakatingin ito sa kanya.
Kasabay nun ay ang pagbuka ng bibig ng dalaga. "Wow, I didn't even realize I was next to you last night. Maybe I was so tired that I fell into a deep sleep."
Napailing na lamang si Aether habang may ngiti sa labi dahil hindi niya inaasahan ang reaksyon ng dalaga.
Agad din naman natigil ang pag-uusap ng dalawa ng inihain na ng mga katulong ng lalaki ang agahan nila. At dahil dun kaya nagsimula na lamang silang kumain na dalawa.
Nang magsimula na silang kumain ay hindi rin natagalan ni Aether ang katahimikan sa paligid nila kaya naman agad niya itong binasag.
"I noticed last night that you don't have many clothes in the walk in closet of my room. Are those really the only things you have with you?" he couldn't help but ask.
The woman was stunned by what he said. "Yes, that's all I have." then she answered.
Aether didn't know how to feel after finding out that her husband didn't even have much luggage.
He hummed. "Is that so? Do you want to buy more of your stuff? I'll go shopping with you. I don't want Dad to say anything to me because I'm neglecting my wife."
Narinig niya naman ang mahinang pagtawa ni Eurydice sa sinabi niya. "Porke wala lang masyadong gamit pinababayaan na agad?"
"It's not like that, but of course I'm in charge of you. Also, even if I don't agree with the two of us getting married, that doesn't mean I don't care about you anymore. I'm still your husband after all." Eurydice heard the softening of his voice at what he said.
Eurydice couldn't stop smiling at what her husband said. She thought that he would treat her coldly after his father forced him to marry her.
"Ikaw ang bahala, baka kasi may trabaho ka pa ngayon at maabala lang kita." mahinang sagot ng dalaga.
"Pwede naman tayong mamili ng gamit mo mamayang hapon. Papasok muna ako sa opisina at isasama kita dahil kailangan kitang ipakilala bilang asawa ko. Against man ako sa kasal natin pero hindi ibig sabihin nun ay ililihim ko na sa lahat na may asawa ako. Kasal pa rin ako sa'yo kahit anong mangyari," seryosong sabi naman ng lalaki.
Tumango na lang si Eurydice sa sinabi ng lalaki saka sila sabay na nagpatuloy kumain.
MABILIS namang nakarating sila Aether at Eurydice sa CPC Entertainment Agency building ng makaalis sila mansyon. At gaya ng sabi ng lalaki kay Eurydice ay ipapakilala nga siya nito sa mga empleyado niya.
Nang bumukas ang elevator na sinasakyan nila ay agad naman silang naglakad patungo sa opisina ng lalaki. Pagkarating nila don ay napansin naman ni Eurydice na may tumawag sa lalaki bago ito napabaling sa kanya.
"I have to leave first. I have a meeting to go to so I'll leave you here in my office. Later when I come back I will introduce you to my employees before we go shopping for your things." Aether informed her.
Tumango lang si Eurydice bilang tugon sa lalaki saka niya ito hinabol ng tingin hanggang sa makalabas ito ng opisina niya.
At habang naghihintay sa opisina ng lalaki ay naisipan na muna niyang tumayo at mag-ikot sa loob para makita niya kung ano ang mga nakalagay na gamit sa opisina ng lalaki.
Napansin naman ng babae na mamahaling mga gamit ang nakadislay sa opisina nito kaya naman naalala niya ang sinabi ng ama ni Aether.
Bilyonaryo nga talaga ang lalaki dahil hindi bababa sa eight hundred million dollars ang mga display nito base sa pagkakaalam ni Eurydice.
At dahil sa nalaman kaya naman mabilis na lumayo si Eurydice sa stand ng mga display sa office ng lalaki dahil kapag nasira niya ang isa sa mga naka-display doon ay wala siyang maipambabayad.
At kahit pa na kumayod siya habang buhay ay hindi niya mababayaran ang masisira niya sa laki ng halaga nito.
Dahil dun kaya naman naisip na lang ni Eurydice na maupo sa swivel chair ng lalaki at nang makaupo siya dun ay nakita agad ni Eurydice ang mga nakapatong na portfolio sa table ng lalaki.
Isa-isa namang tiningnan ng babae ang mga portfolio at nakita niyang ang laman ng mga portfolio sa table ng lalaki ay ang mga profiles ng mga celebrities na gustong maging parte ng CPC Entertainment.
Hindi naman namalayan ng dalaga na nawili na siya sa kakatingin ng mga profile ng celebrities hanggang sa mapatigil siya sa pagtingin ng mga portfolio.
---