CHAPTER 4

3317 Words
Chapter 4: Fury ILANG oras ng nakalipas simula ng maihatid si Elise sa kwarto ni Aether. At nang makarating na ang dalaga sa silid ng lalaki ay hindi na siya lumabas pa dahil alam naman niyang wala na siyang aabutan sa baba. Baka kasi umalis na si Noah pati ang anak nito kaya napili na lang ni Elise na manatili sa kwarto ni Aether. At dahil ilang oras na siyang nakaupo sa kama ay nagpasiya na lamang siyang buksan ang smart TV ng lalaki na one-hundred inches ang laki sa kwarto nito para manood at matanggal ang pagkabagot ng dalaga. Kinuha lang ni Elise ang remote ng TV saka nagpasyang maupo sa kama at saka sinimulang maglipat ng channel. At habang naghahanap si Elise ng magandang panonoorin ay bigla na lang siyang napahinto sa paglipat ng channel ng makita niya sakto sa screen ng TV ang babaeng dahilan ng mga paghihirap niya. "Let me introduce to you the new rising star and famous actress, Elisa Garcia!" Pagkarinig ni Elise sa sinabi ng host sa TV ay agad na naikuyom niya ang kanyang kamao. Nagpupuyos siya sa galit at tila gusto niyang magwala ng sandaling iyon. Hindi matanggap ni Elise na sa nakalipas na tatlong taon ay naging maayos pa ang buhay ng mga kriminal na nagtangkang pumatay sa kanya. Matapos ang ilang taon niyang pagtitiis at paghihirap para lang mabago ang katauhan niyang sinira ng mga ito ay makikita niya lamang na hindi naghihirap ang buhay ng mga ito. "Hello guys! Thank you very much for inviting me to this show." Dinig ni Elise na sabi ni Elisa sa host na kaharap nito. Kung nakakamatay lamang ang mga tingin ni Elise ay malamang patay na si Elisa sa paraan ng pag titig ni Elise sa TV. "Naku, wala iyon! Also, the reason why we invited you to this show is because we want to know something about you, especially your fans. We have some questions prepared for you and it's up to you if you answer my questions or not because most of the questions I will ask are quite personal," sabi naman ng host. Nanatili namang nanonood si Elise dahil gusto niya ring malaman kung anong itatanong ng host kay Elisa. "Sure, just ask me anything." nakangiting sagot ni Elisa sa host. Ilang saglit lang namang tumahimik ang host bago ito tumingin sa hawak nitong card bago muling binalingan si Elisa. "First question, is it true that you were just adopted by the Garcia family?" Nakita naman ni Elise ang reaksyon ni Elisa ng ilipat sa babae ang camera. Hindi ito agad nakasagot at nakita naman ni Elise ang pilit nitong pag ngiti bago sinimulang ibuka ang bibig para magsalita. "Yes, that's true. The Garcia family adopted me when I was young and I was still in an orphanage." seryosong sagot ni Elisa. At dahil sa sinabing iyon ni Elisa ay unti-unti na naman tuloy bumalik ang ala-ala ni Elise noong mga bata pa lang sila. Totoong inampon ng mga magulang ni Elise si Elisa noong bata pa lang sila dahil nakita ito ni Elise sa orphanage na dinalaw nila kasama ang mga magulang niya. -FLASHBACK- Nakita ni Elise ang isang batang babae noon sa ilalim ng malaking puno sa hardin ng orphanage at nagbabasa ito ng libro-kung saan ang nilalaman nito ay ang larawan at kwento ng iba't-ibang pamilya. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Elise sa batang babae na nakasilong sa ilalim ng malaking puno. Nang humarap ang batang babae sa kanya ay nakita niya ang maamo nitong mukha na may kaputian. Makapal at mapula rin ang labi nito at may kahabaan ang pilik mata. May pagka-kayumanggi rin ang kulay ng buhok nito at hanggang balikat ang buhok. Takang napa-angat ng tingin ang batang babae kay Elise. "Sino ka? B-bakit ka nandito?" mahina ngunit katamtamang tanong ng batang babae kay Elise. "Ako nga pala si Elise. Ikaw anong pangalan mo? Saka bakit mag-isa ka lang dito? Wala ka bang kaibigan?" sunod-sunod na tanong ni Elise sa kanyang kaharap. Nakita naman ni Elise ang mabilis na pagtulis ng nguso ng batang babae. "Wala akong pangalan, saka ano namang masama kung wala akong kaibigan? Mas gugustuhin ko pa magbasa ng libro kaysa makipaglaro sa ibang bata na 'di naman ako gusto." Nahimigan ni Elise ang kalungkutan sa boses nito kaya mabilis niya itong tinabihan sa pwesto nito. Ngumiti rin ng malaki si Elise bago hinarap ang babae. "Kung ganun bakit hindi na lang tayo ang maging magkaibigan?" nakangising tanong ni Elise sa batang kaharap niya. "Bakit ka naman makikipagkaibigan sa isang tulad ko? Una sa lahat walang may gusto makipagkaibigan sa akin. Pangalawa wala akong mga magulang kaya walang kwenta ang buhay ko kasi walang nagmamahal sa akin," mapait na wika ng batang babae sa kanya. Kaya naman nawala ang ngiti sa labi ni Elise ng makaramdam siya ng awa sa batang babaeng kaharap niya. Hindi kasi alam ni Elise ang pakiramdam na walang magulang dahil hindi niya iyon danas. Lumaki kasi sa mayamang pamilya si Elise kung saan lahat ng gusto niya ay binibigay sa kanya ng mga magulang niya. Bukod pa dun ay hindi nawawalan ng oras ang mga magulang ni Elise sa kanya kahit parehong busy sa trabaho ang mga ito. Nagagawa pa rin kasing pagtuunan ng pansin si Elise ng kanyang mga magulang kaya lumaki siyang masiyahin at mabuting bata. Kaya hindi ma-imagine ni Elise ang pinagdadaanan ng kaharap niya dahil lumaki siya sa masayang pamilya. "Huwag kang panghinaan ng loob. Hindi naman porke ayaw ng mga bata rito na makipagkaibigan sa'yo ay habang buhay ng walang makikipagkaibigan sa'yo. Ako, pwede mo akong maging kaibigan!" nakangiting sabi ni Elise. "Sinasabi mo lang iyan kasi aalis ka rin sa orphanage. Alam kong hindi ka namin kasama rito kasi ngayon lang kita nakita. Siguro nandito lang kayo para dumalaw noh? Aalis ka rin, iiwan mo rin ako tulad ng ginawa sa akin ng mga magulang ko kasi walang kahit na sino ang may gusto sa 'kin," malungkot na wika ng babae at parang maiiyak na. Napahingang malalim na lang si Elise saka niyakap ang batang babae." Oo, hindi ako taga rito pero pwede naman kita balikan kahit kailan eh. Pwede ko sabihin kila mommy at daddy na dalawin ka namin dito tuwing may free time sila para makakapaglaro tayo," nakangiting sabi ni Elise. At nang dahil sa kagustuhan ni Elise na makuha ang loob ng batang babae ay tinupad niya ang sinabi niya rito. Tuwing magle-leave sa trabaho ang mga magulang ni Elise ay nakikiusap siya lagi sa mga ito na dumalaw sila sa orphanage kung nasaan ang batang babae na kaibigan niya. Hindi rin naman nagtagal ay tuluyang nakuha na ni Elise ang loob ng bata at naging matalik silang magkaibigan. At habang papauwi si Elise kasama ang mga magulang niya sa sasakyan nila ay biglang nagsalita ang ama ni Elise. "Anak, palagi na lang natin pinupuntahan sa orphanage iyong kaibigan mo. Hindi ka ba nahihirapan sa kakapabalik-balik natin?" nag-aalalang sabi ng ama ni Elise. "Hindi po, daddy. Gusto ko po bumalik sa orphanage, because I promised her that I won't leave her, that's why I always want to go back to her." nakangiting sagot ni Elise sa ama niya. Mabilis namang nagkatinginan ang mga magulang ni Elise dahil sa sinabi niyang iyon. Nang makauwi sila Elise ay akmang aakyat na sana siya sa kwarto niya ng kausapin siya bigla ng mommy niya. "Anak, 'di ba sabi mo gusto mong palagi kayo magkasama ng kaibigan mo? Gusto mo ba ampunin na lang namin siya ng daddy mo para mula sa araw na 'to ay maging magkapatid na lang kayo?" nakangiting tanong ng ina ni Elise. Agad namang nanlaki ang mga mata ni Elise at agad na kumawala ang ngiti sa labi niya dahil sa saya na naramdaman. Hindi kasi niya lubos akalain na aampunin ng mga magulang niya ang kaibigan niya para lang palagi na sila nitong magkasama. "Mommy, ayos lang po sa akin! Mas gusto ko nga po na palagi na kami magkasama at maging kapatid ko po siya!" nakangiting sabi ni Elise. Natuwa naman ang magulang ni Elise sa naging reaksyon niya dahil alam ng mga ito kung gaano nila napasaya ang kanilang anak. "What is your friend's name again?" tanong ng ama ni Elise kaya agad na nawala ang ngiti sa labi ni Elise na siyang ipinagtaka ng magulang ni Elise. Mabilis na napanguso si Elise saka malungkot na tumingin sa mga magulang niya. "Wala po siyang pangalan eh. Iyon po ang sabi niya sa akin nung una kaming magkakilala." "Kung ganun, anong tinatawag mo sa kanya?" nag-aalalang tanong naman ng ina ni Elise. "Bestfriend po. Iyon lang naman po kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Ayaw niya pong bigyan ko siya ng name kasi sabi niya sa akin, mas gusto niyang ang aampon sa kanya ang magbibigay ng pangalan niya." paliwanag naman ng batang si Elise. At doon natapos ang pag-uusap nila ng mga magulang niya. Kinabukasan ay bumalik na naman sa pagiging busy ang mga magulang ni Elise kaya naman nababagot siyang maghintay sa mansyon nila. Inaya na lamang ni Elise na makipaglaro sa kanya ang nanny niya na hindi naman tinanggihan ang alok niya. At habang busy sa paglalaro si Elise kasama ang yaya niya ay hindi niya namalayan ang maagang pag-uwi ng mga magulang niya. "Elise, anak. Nandito na kami ng daddy mo," tawag ng ina ni Elise sa kanya. Dali-daling sinalubong ni Elise sa pinto ng mansyon nila ang mga magulang niya ng marinig niya ang boses ng kanyang ina. Nang makarating sa pinto ay agad namang natigilan si Elise ng ma-realize niya kung sino ang kasama ng mga magulang niya. "Anak, ito nga pala si Elisa. At mula sa araw na ito ay magiging kapatid mo na siya." nakangiting pakilala ng ama ni Elise sa kasama nilang bata. Agad namang nagtatalon sa tuwa ang bata matapos marinig ang sinabi ng mga magulang niya. Pagkatapos nun nagtatakbong sinalubong niya ng yakap ang kapatid niyang si Elisa. " Welcome to the family, Elisa! Pangako ko sa'yo na mula sa araw na ito ay magiging mabuting kapatid ako sa'yo!" nakangiting sabi ni Elise. Napangiti na lamang si Elisa at kasabay nun ay napaluha ito ng yakapin siya ni Elise pati na rin ng mga magulang ng batang babae. At matapos ang araw na iyon kung saan naging opisyal na miyembro si Elisa ng pamilya nila Elise ay hindi nga ito nagkulang sa kanya bilang kapatid niya. Lahat kasi ng binibigay ng mga magulang ni Elise sa kanya ay binibigay niya kay Elisa. Kaya naman nang dahil dun kaya nagkalapit silang dalawa hanggang sa lumaki na silang magkasama. -END OF FLASHBACK- Nang matapos alalahanin ni Elise ang nakaraan ay muli niyang binalik ang atensiyon sa panonood. Hindi kasi malaman ni Elise kung anong dapat niyang maramdaman matapos niyang maalala kung paano niya nakilala si Elisa noon. Tanging poot at galit lamang kasi ang nararamdaman ni Elise sa ngayon dahil kapag naaalala ni Elise kung paano siya niloko at pinagtangkaang patayin ni Elisa ay gusto niya itong saktan ng paulit-ulit para malaman nito kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya. "Can you tell us how your parents adopted you?" tanong ng host kay Elisa. Seryoso namang naghintay si Elise sa isasagot ni Elisa. "They adopted me because of their daughter and they took me from an orphanage where I used to live. Before when I was young I didn't have a name and they gave it to me. Of course, I'm still thankful because before they adopted me I first met their daughter Elise. She was my best friend then and I never thought that I would be part of their family because of her." Elisa answered seriously. Sa mga sandaling iyon ay hindi maisip ni Elise ang dahilan kung bakit sinasabi ni Elisa sa mga tao ang totoo kung paano siya naging parte ng pamilya nila. Kaya naman nagpatuloy lang si Elise sa panonood kahit na hindi niya na alam ang dapat na maramdaman habang pinapanood ang kanyang kaaway. "Is that so? Then where is your sister now? I'm sorry for the question, Elisa. But we all know that your parents had an accident because they were in the news then, right? But we didn't hear anything about your sister. Can you share with us how's your sister doing now?" the host asked Elisa. Agad namang nanigas si Elise sa kanyang kinauupuan dahil hindi niya inaasahang itatanong siya kay Elisa ng host. Napansin naman kaagad ni Elise na mukhang nabalisa si Elisa at hindi rin inaasahan ni Elise na bigla na lamang itong umiyak bago makasagot. "Marami sa inyo rito ang hindi nakaalam p-pero namatay na si Elise, three years ago. N-namatay siya sa sunog nung na sunog iyong townhouse namin. Sinubukan namin siyang iligtas ng asawa niya pero nabigo kami. So wherever Elise is now and if she can hear me. All I can say is, I hope you're doing well in the afterlife. I miss you so much, Elise." Tila gustong bumaliktad ng sikmura ni Elise matapos marinig ang malaking ka sinungaling iyon ni Elisa. Gusto niya itong puntahan sa personal para sakalin at isampal sa babae na kahit muntik na siyang mamatay sa mga kamay nito ay nagawa niya pa ring mabuhay. "Don't worry, Elisa because I can hear your lies. And like you said, I'm fine but I'm not in the afterlife yet. I just hope you and Joaquin can wait for me to come back from death because all the torture you put me through is more than double the pain and suffering I will inflict on you." Elise spoke strongly to herself. Pagkatapos sabihin iyon ni Elise ay mabilis niyang in-off ang TV saka nagpasiyang magpahinga na lang. Naisip kasi niyang wala naman siyang mapapala kung panonoorin niya ang mga kasinungalingan at palabas ni Elisa. Ihahanda na lamang niya ang sarili para sa kanyang pagbabalik. At sisiguraduhin niyang doble ang hirap ang maipaparanas niya sa mga kaaway niya. NANG matapos ang meeting ni Aether ay mabilis naman siyang bumalik sa opisina niya. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ay agad naman siyang sinalubong ng sekretarya niya. "Sir, may naghahanap po inyo." mabilis na sabi nito habang sumasabay sa paglalakad ng lalaki. "Who is it?" Aether ask seriously. "The new actress, sir." maiksing sagot lang ng sekretarya niya. Tumango na lamang si Aether saka sinenyasan ang sekretarya niya. "Let them in," Nang makapasok siya sa opisina niya ay agad siyang naupo sa swivel chair niya saka hinintay ang mga bisita niya. Agad namang nakita ni Aether ang pagpasok ng tinutukoy ng sekretarya niya na new actress. Payat ang katawan ng babae at hindi rin masyadong katangkaran. Maputi ang balat nito pero naisip niya na mas maganda pa rin ang asawa niyang pinakilala ng ama niya. At nang ma-realize ni Aether ang kanyang naisip ay mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo bago kumuha ng sigarilyo sa secret pocket ng coat na suot niya. Kasabay ng pagsindi ni Aether sa sigarilyo niya ay ang pag-upo ng bisita niya harap ng table niya. Nang sulyapan ito ni Aether ay nakita niyang namumula ang mga pisnging napaiwas ng tingin ang babae sa kanya. Kaya naman ng isubo ni Aether ang sigarilyo sa kanyang bibig ay agad niya iyong hinihithit saka binuga ang usok ng makatayo siya. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa glass widow ng opisina niya saka siya tumalikod sa bisita niya bago nagsalita. "What brings you here, miss?" Aether ask formally. "Mr. Castillo, alam kong hindi n'yo pa ako ganun kakilala pero kailangan ko ng tulong n'yo." seryosong sabi ng dalaga. Humarap naman si Aether sa babae bago muling humithit sa sigarilyo niya at saka binuga ang usok sa bibig niya. "I know you, you are Elisa. The rumored new famous actress, right? So why do you need my help? For what reason?" Aether asked directly. "Di ba kilala ang CPC Entertainment? At dahil ikaw ang CEO ng kumpanyang ito ay gusto kong lumipat sa agency n'yo para sa sponsorship. Alam ko kasi na kapag kayo ang humawak sa akin ay mas malayo ang mararating ng career ko," seryosong sabi naman ng babae. Hindi alam ni Aether kung anong magiging reaksyon sa sinabi nito. Meron kasi sa parte niya na hindi gusto ang babae. Alam kasi ni Aether na baka matulad ang dalaga sa ibang actress na hinawakan at ini-sponsoran nila na lumaki ang ulo. At dahil tanyag at kilalang-kilala ang Castillo Productions Company o mas kilala bilang CPC Entertainment na Agency ni Aether ay madalas silang lapitan ng mga artistang gustong sumikat tulad na lamang ng babaeng nasa harap niya ngayon. Marami-rami na rin kasi ang tinulungan ng Agency nila Aether at karamihan sa mga natulungan nila ay agad din nilang inalis sa Agency matapos magkaroon ng mga issues ng mga hinawakan nilang aktor. Ngunit karamihan naman sa hinawakan nilang mga celebrity ay kilalang-kilala na ngayon at marami ng napagtagumpayang projects. Iyon ang mga naging successful celebrities na hinawakan nila na ginamit ng tama ang sponsorship na binigay nila. "Maybe you already know my policy at this Agency before you come to me, don't you?" he said. Mabilis namang tumango si Elisa saka nag-aalangang ngumiti. "Alam kong mahirap kunin ang sponsorship n'yo pero kailangang-kailangan ko nun para dumami iyong projects ko. Huwag kayo mag-alala, Mr. Castillo dahil hindi ko sasayangin ang opportunities na ibibigay n'yo." Napatango-tango naman si Aether bago dinurog ang upos ng sigarilyong hawak niya sa ashtray saka umupo ulit sa swivel chair niya na ka harap ng babae. "If so, I will think about it. Give me your portfolio first and our Agency will call you when you are accepted into the sponsorship contract." Aether said seriously which made the woman smile. "Thank you so much, Mr. Castillo! Aasahan ko ang tawag n'yo. Pangako, hinding-hindi kayo magsisisi kapag tinanggap n'yo ako sa Agency n'yo! Pagbubutihin ko ang career ko para hindi kayo magsisi sa pagtanggap sa akin." nangingiting sabi naman ni Elisa. Tinanguan na lamang ito ni Aether bago inutusan ang sekretarya niya na samahan palabas si Elisa. Nang tuluyan ng nakaalis ang bisita ni Aether ay mabilis niyang tiningnan ang wristwatch niya. At nang mapansin na maggagabi na ay agad siyang tumayo sa swivel chair niya saka nag-unat bago naglakad palabas ng opisina niya. "I'm leaving early today because someone is waiting for me at home. You can take care of the other papers I need to sign first." Aether instructed his secretary. Tumango naman ang sekretarya niya bilang tugon saka nagsimulang maglakad si Aether patungong parking lot. Pagkarating niya sa parking lot ay agad niyang nilapitan ang 2020 Ferrari F8 Spider niya. Nang makasakay nang tuluyan si Aether sa kanyang sasakyan ay pinaharurot niya iyon patungo sa mansyon niya. Hindi man niya kailangan umuwi ng araw na iyon ay nagpasiya pa rin siyang umuwi dahil naku-curious siya sa ginagawa ng asawa niya. Tama, asawa na ang tawag niya kay Eurydice kahit hindi pa niya ito lubos na kilala. Ayaw man niyang kilalanin ito bilang asawa ay wala rin naman siyang magagawa dahil tunay silang kasal sa papel kahit walang naganap na seremonyas. Nasisiguro kasi niya na kapag pinabayaan niya ang asawa ay magagalit lang sa kanya ang ama niya. At alam din ni Aether na may dahilan kung bakit palihim siyang ikinasal ng ama niya sa babae. Iyon ang nais malaman ni Aether kaya naman para malaman iyon ay susubukan niyang kunin ang loob ng asawa niya. Nang sa ganun ay malaman niya ang dahilan kung bakit ganun na lang ito gustong tulungan ng ama niya. Naisip din niya na kapag hindi maganda ang pakay ng babae sa pamilya nila ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang dalaga kaya naman ng makarating siya sa mansyon niya ay agad siyang umakyat patungo sa kwarto niya at ang bumungad sa kanya ay ang asawa niyang mahimbing na natutulog. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD