CHAPTER 3

3730 Words
"Happy 18th birthday my princess!" Mabilis na lumingon si Lorraine nang marinig ang masayang pagbati ng ama. "Daddy!" Tumayo siya sa kinauupuan at sinalubong ito ng yakap. "Thank you." Halata sa mukha at boses nito na masayang-masaya sa kaarawan niya ngayon. "Why are you so happy, Dad? Hindi ka ba nalulungkot na 18 na ako today? It means p'wede na akong ligawan," biro niya rito. Hinaplos nito ang mahaba niyang buhok saka matamis na ngumiti. "You have no idea, sweety... Ito ang araw na kinakatakutan ko, ang tumuntong ka sa ganitong edad. Ibig sabihin ay p'wede ka ng magdesisyon para sa sarili mo. I bet, you will no longer needed me." May himig pagtatampo ang boses nito. Natawa naman siya. "I'm always a daddy's girl, remember that." Humalakhak naman ito nang tawa na para bang ikinasiya nito ang sinabi niya. Likas na malambing at mapagmahal ang ama niya. He's sweet and soft-hearted person. Sabi nga nila nagmana raw siya rito. Mayamaya lang ay tumigil na ito sa pagtawa saka bumuntonghininga. "Kamukhang-kamukha mo ang 'yong Mommy, kung nabubuhay lang siya ngayon, katulad ko ay sobrang saya ang mararamdaman niya." Naging malungkot ang mukha nilang dalawa. Her Mom died when she was 8 years old. Hindi na niya maalala pa. Basta ang naaalala niya lang ay umuwi ang ama niya na hindi na kasama ang ina. "And just like your Mom, you're a brave woman." Muling salita ng Daddy niya. "Dad, paano mo nasasabi 'yan? Eh, sabi nga nila lahat ng ugali ko ay na mana ko sa'yo." Ikinawit niya ang mga kamay sa braso nito. "I'm sweet, caring and loving daughter, just like her father." "That's true sweety, but behind those characteristics of yours is a brave woman." "Hmmm..." tanging sang-ayon niya, saka napatango. Ayaw na niyang makipagtalo pa sa ama na hindi nga siya lumaking matapang. Sa totoo lang ay marami siyang kinatatakutan. Takot siya lalo na kapag nabu-bully siya sa school pero wala namang naglakas-loob na bully-hin siya dahil palagi namang may mga bodyguards na nakabuntot sa kaniya. Pati nga ang bahay nila ay napapalibutan ng mga guards. Ang alam niya ay CEO ang ama sa malaking kompanya. Kaya siguro mahalaga rito ang safety. "Here's my gift for my princess." Isang maliit na box ang iniabot nito sa kaniya. Pagbukas niya ay tumambad sa kaniya ang kumikinang na kwentas. Heart-shaped ang maliit na pendant niyon at halatang napapalibutan ng mga maliliit na dyamante. Hindi gaanong pansinin ang kwentas kapag isinuot pero kapag natamaan ng ilaw o natitigan nang matagal ay paniguradong mapapansin. She likes it. Gusto niya na lahat ng mga alahas na pagmamay-ari niya ay simple lang. Hindi naman siya materialistic na babae. Kahit mayaman sila ay lumaki siyang simple lang. Ang most of her jewelries are gifts from her father and close friends. Sa katunayan ay conservative rin siya. Hindi siya mahilig sa mga sexy at daring na damit. Tama na sa kaniya na tanging binti, braso at leeg lang ang nakikitang balat sa katawan niya. Now that she's 18, her father worried too much for her. Hindi nga lang nito pinapahalata. That what she loves about her father, hindi ito mahigpit sa kaniya. Mas aware ito sa feelings niya. If she doesn't want that, her father never argue with her except sa bodyguards na nakabuntot sa kaniya. Siguro nga may tiwala talaga ang ama niya sa kaniya dahil hindi naman siya night goer, just like other teenagers or other women out there. Mas pipiliin niyang mag-stay sa bahay at magbasa ng mga libro. She's not spoiled brat na lahat na lang ay gugustuhin. "Thank you, Dad. It's beautiful." Nakangiti siya habang hinahaplos ang maliit na heart-shaped pendant. "It suits you, sweety." Komento ng ama pagkatapos nitong isuot sa leeg niya. "Ito siguro ang best gift na binigay mo sa akin." "Really? I'm glad you said that. It was a customized design. Pinagawa ko talaga para sa nag-iisa kong prinsesa." Kinindatan siya nito. Lumabi naman siya. "You're so sweet, Dad. I love you." Inihilig niya ang ulo sa balikat nito kahit hindi niya naman halos abot. She's only 5ft and 2 inches in height while her Dad is 6ft. Kung bakit hindi niya pa namana ang height ng ama. "I love you, too, Princess. Let's go to the garden, I know the visitors are dying to see you." Malambing nitong saad. Marahan siyang tumango. Hindi naman siya mahiyaing tao, sanay siyang makipaghalubilo sa lahat sa magalang na paraan. Sinanay niya ang sarili dahil madalas niyang nakakasalamuha ang mga ka-business partner ng ama lalo na't may business gatherings. Madalas kasi siyang isama ng ama niya sa parties, pero syempre hindi siya iniiwan ni Nate; ang lalaking tanging pinagkakatiwalaan ng ama niya na bantayan siya. Matanda ito ng limang taon sa kaniya. She was 9 years old when her Dad introduced him to her. At mula noon ito na ang palaging nakakasama niya maliban sa personal maid niya na si Anya. Kasing-edad lang din ito ni Nate. She consider them as her friends, not just her servant. Pagbaba nila sa marangyang hagdanan ay kaagad silang sinalubong ni Nate. Ang gwapo nito sa suot na black tuxedo, isa ito sa mga lalaking mag-aabot sa kaniya ng rosas. "Excuse me, Sir." Binalingan nito ang ama. "Are you going to shoot me if I tell you that your daughter looks gorgeous tonight?" amused na turan nito. Natawa siya at natutop ang bibig, pagkatapos ay iwinasiwas ang isang kamay bago nagsalita, "My God! That was exaggerating!" "Ang alin ang exaggerated, Princess? Ang sabihing gorgeous ka o ang barilin si Nate?" nasisiyahang tanong ng ama niya. Alam niyang parang anak na rin ang turing nito kay Nate. At hindi na siya magtataka pa kung isa sa mga araw na ito ay sasabihin ng kaniyang ama na si Nate ang lalaking gusto nitong mapangasawa niya. Hindi naman siya tutol doon. Hindi naman mahirap mahalin si Nate. Marami rin namang babaeng nagkakandarapa rito, maliban sa kaniya. Pero kung ito ang pakakasalan niya, why not? He's a good catch. Iyon nga lang ay kailangan lang siguro nilang kilalanin ang isa't isa para malaman niya ang salitang pagmamahal. Hindi pa naman siya nagkagusto sa opposite s*x niya. She'a never been kissed and never been touched woman. "Dad, you know what I mean. Masyadong exaggerated kung babarilin mo si Nate." Naging seryoso ang mukha niya. Nagtawanan ang dalawa. Nilingon niya si Anya na nakasunod sa likuran nila, tipid itong ngumiti. Halatang nasisiyahan din o mas tamang sabihin na kinikilig ito sa kanilang dalawa ni Nate, pero may kakaiba itong emosyon na itinatago sa mga mata. Hindi niya lang matukoy kung ano 'yon, pero may pakiramdam siya na may inililihim ito sa kaniya. Iwinaksi niya na lang sa isipan kung anuman ang lihim ni Anya. Muli siyang bumalik kay Nate. Kaya siguro sinabi nito na gorgeous siya ngayon dahil sa ipinasuot ni Anya sa kaniyang gown. First time niyang magsuot ng off-shoulder ang style na gown, madalas close neck gown ang style na gusto niyang isuot. "I will shoot him Princess if he will not treat you right." She rolled her eyes at her father. "Will you please stop calling me Princess? I'm not a princess, Dad. My name is Lorraine." "But you are our princess," segunda naman ni Nate. Inirapan niya lang ito. Marahang tinapik ng ama niya ang kaniyang palad na kanina pa hawak nito. "Let's go to the garden, now." Iginiya sila ni Nate sa pinto patungo sa garden, sinenyasan nito ang dalawang guards na buksan ang pinto. "Make sure to secure the area," narinig niyang saad ni Nate sa bluetooth earphone na nakakabit sa suot nitong tuxedo. Hindi nga lang halata dahil hindi naman pansinin. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nitong secure the area. Binalewala niya na lang dahil isang masigabong palakpakan ang kaagad na sumalubong sa kanila nang bumukas ang pinto sa harden. The theme of her party was ethereal. At para nga siyang prinsesa na naglalakad patungo sa upuan niya sa gitna. Mga kaklase niya at kaibigan ng ama ang nakikita niyang bisita. Ang iba pa ay mga ka-business associate nito. Naka-paskil na ang matamis niyang ngiti sa mga bisita. Nakikita niya sa mga mata nito ang paghanga. Nag-uumpisa pa lang ang kasiyahan nang may marinig silang putukan ng baril. Naging alerto ang lahat, maski ang mga bisita. "Dad, what's that?" nababahalang tanong niya sa ama na ang tinutukoy ay ang komosyong nagaganap. Sunod-sunod ang tambol ng puso niya dahil sa takot at kabang nararamdaman. Lalo na't pinaliligiran sila ng mga guards. "Don't worry, sweety." Masuyong pinisil ng ama niya ang kaniyang palad. When the connecting door from the living room to the garden suddenly opened, she flinched. "Close the door! Huwag ninyong hahayaan na my makapasok!" mariing utos ni Nate sa mga bodyguards na kasama nito. He looks devastated. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang may tama ng baril ang braso nito. "Nate!" naiiyak niyang sambit, kaagad siyang lumapit. "A-ano ang nangyari? May sugat ka." Binalingan niya ang ama na wala man lang siyang nakitang pagka-bahala sa mukha nito. Inikot niya ang paningin sa buong paligid. She saw the guards escort the visitors to the exit's secret passage. "Sir, you need to go. We're trapped." Pahayag ni Nate sa ama. "Who?" tanong nito sa walang emosyong boses. "Florencio's." Umigting ang panga ni Nate. "The Head Council never inform us that we're no longer a family." Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang pinag-uusapan nito at lalo na ang nangyayari ngayon. "Miss Lorraine, mas mabuti pang umalis na tayo. Nagkakagulo na ang lahat," untag sa kaniya ni Anya. Hinawakan siya nito sa braso. "Dad, let's go." Nanginginig ang boses na yaya niya sa ama. Hinawakan niya pa ang isang kamay nito. She's scared. Lalo na't naririnig niya pa ang putukan ng mga baril. "Escort her," utos ng ama niya kay Nate. Mariin siyang umiling. "No! Dad, let's go... Please, Dad... I'm scared." Tumulo na ang pinipigilan niyang luha. "Susunod ako, princess. I love you." Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. Nakita niya na binigyan ni Nate ng baril ang ama. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya. "Until we meet again, Señor Javier," usal ni Nate rito saka yumuko, bago siya hinila palayo. Maraming passage ang mansion nila lalo na sa garden. Maraming pasikot-sikot at sekretong daanan. Panigurado siyang sa ibang exit sila dumaan. Hinawi ng dalawang guards ang mga vines na nakaharang sa bakal na pinto. Pagkatapos ay binuksan iyon. Nate go first to check the passage and then they followed him. Alam niyang nasa underground sila dahil may hagdan pa silang binabaan. Hindi naman madilim dahil may flashlights na dala ang dalawang guards na kasama nila at si Nate. Hindi rin naman siguro sila mawawala o maliligaw dahil may nakalagay na lightning stickers ang bawat gilid ng daanan nila. Umiilaw iyon kapag madilim. "Nate, bakit hindi pa sumama sa atin si Daddy? Dapat hindi natin siya iniwan." Mas lalo siyang napaiyak. Inalo naman siya ni Anya. "Hindi kayang iwan ng Daddy mo ang mga tauhan niya. He's a Don, may prinsipyo siyang pinapanindigan. Maraming tauhan niya ang namatay. They need him." Malamig ang boses nito at tila ba nagpipigil ng galit. "Ano bang Don ang pinagsasabi mo? Oo nga't kailangan siya ng mga tauhan niya pero nanganganib din ang buhay niya! Sabi mo nga maraming tauhan niya ang patay na, sino pa ang babalikan niya?!" Huminto siya sa paglalakad. Narinig niya ang malalim nitong buntonghininga. "You don't understand, Lorraine." Seryoso ito kapag ginamit ang buo niyang pangalan. Kaya alam niya na kung hanggang saan ang hangganan ng pasensya nito. "Alin ang hindi ko maintindihan, Nate? Ipaliwanag mo sa akin para maintindihan ko! Hindi iyong nagmumukha akong tanga!" "Ipapaliwanag ko rin. Pero sa ngayon mahalaga ang kaligtasan mo." Marahas nitong hinila ang kamay niya para magpatuloy siya sa paglalakad. "Kapag nadala na kita sa safe house ay babalikan ko ang Daddy mo, I promise." Hindi na siya umimik pa pero marahas niya ring binawi ang kamay mula rito. Hindi niya alam pero nagrerebelde ang puso niya. Gusto niyang bumalik para balikan ang Daddy niya, kaya lang ay bantay sarado na siya nito. Umabot na sila sa pinaka-gitna ng passage. May daanan na pa-kanan at kaliwa, tapos deretsong daan. Lumiko sila sa kanan at hindi pa sila nakarating sa dulo ay may mga armadong lalaki na ang sumalubong sa kanila. "Run!" sigaw ni Nate sa kaniya. Hindi pa sana siya gagalaw sa kinatatayuan niya kung hindi dahil kay Anya. Kinaladkd siya nito palayo. Putukan ng baril ang mga naririnig niya. "Miss Lorraine, dito tayo," sabi ni Anya na pilit siyang iginigiya sa kaliwang daan. She admired Anya's calmness. Hindi niya man lang ito nakitaan ng pangamba o takot sa mukha. "No, babalikan ko si Daddy," determinado niyang saad. Another gunshot they heard. Iniisip niya kung buhay pa ba si Nate at ang mga kasama nitong dalawang guards. Hinarangan ng mga ito ang daan para makalayo sila. "Hindi! Please Miss Lorraine, your safety is my first priority." Halata sa boses nito ang pangamba. "I'm sorry," aniya, saka mabilis siyang tumakbo pabalik sa dinaanan nila kanina. "Miss Lorraine!" tawag nito sa kaniya. Hindi na siya nakinig pa at deretso na siya sa pagtakbo. Itinataas niya ang suot na gown para hindi siya mahirapang tumakbo. Hinihingal pa siya at pawisan nang tuluyang buksan ang bakal na pinto. Malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya at ang nakakabinging katahimikan. Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya papalapit kung saan iniwan ang ama kanina. She wanted to vomit when she smells the blood. Especially, when she saw dead bodies scattered everywhere. Ang berdeng damo na inaapakan niya ay halos nagkulay pula na. "Dad..." usal niya sa nanginginig na boses. Bumilis ang naging hakbang niya patungo sa nakasarang pinto na konektado sa malawak na living room. Inipon niya ang lahat nang natitirang lakas para itulak pabukas ang pinto. And she was shocked to see what's happening inside. Her Dad kneeling in front of their grand staircase. Na para bang lumuluhod ito sa isang hari. Lahat ng mga tauhan ng Daddy niya ay nakabulagta na sa marmol na sahig. Pati ang ibang katiwala nila sa mansion. Only her Dad remains alive. Bawat sulok ng sala nila ay may mga taong nakasuot ng kulay itim na tuxedo at may hawak na baril. Lahat ng atensyon ng mga ito ay nakatuon sa kaniya. Samantalang ang Daddy niya ay nanlaki ang mga mata nang makita siya. Parang piniga ang puso niya nang matitigan ang hitsura nito. Bugbog sarado ang mukha at halatang nanghihina na. "A-anak... W-why?" nagtatanong ang mga matang usal nito. Nagtataka kung bakit bigla na lang siyang sumulpot. Akma itong tatayo pero tinadyakan ito ng lalaking nakatayo sa gilid nito dahilan para sumubsob ito sa sahig. "Dad!" sigaw niya. Tuluyan nang nabasag ang boses niya kasabay nang pagpatak ng mga luha. Idiniin ng lalaki ang dulo ng sapatos nito sa mukha ng Daddy niya kaya ganoon na lng ang takot na naramdaman niya. Humahagulhol siya nang iyak habang papalapit siya sa kinaroroonan ng ama. Napaluhod siya para daluhan ito. Hindi pa rin ito makagalaw dahil nakaapak pa rin sa mukha nito ang isang paa ng lalaki. Dumidiin ang sapatos nito sa mukha ng Daddy niya. Tumingala siya at nakiusap sa lalaki. "Please, let him go. Please... Nasasaktan ang Daddy ko." Blanko ang expression ng mukha nito. Tingin niya may lahi itong latino. Halata ring hindi ito kabilang sa mga lalaking nakapalibot sa kanila dahil iba ang suot nito, naka-tuxedo nga ito pero bukas naman ang jacket pati na ang suot nitong white shirt ay bukas ang iilang mga butones. Tumutulo ang mga luhang napatingin siya sa ama nang haplusin nito ang kamay niya. "Dad... I don't understand. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa. Daddy..." She was crying like a baby. "H-hindi ka na dapat bumalik pa, anak." Nakita niya ang takot at lungkot sa mga mata nito. Pero ang sakit ng katawan na nararamdaman nito ay pilit na itinatago. "Ayaw kong iwan ka, Dad..." usal niya sa ama bago muling tumingala sa lalaki. "Please, kung anuman ang kasalanan ng Daddy ko sa inyo babayaran namin." The handsome man smirked at her. Nakikita niya rin ang amusement sa mga mata nito. And then she heard a loud voice came from the grand staircase. Ibinaling niya ang tingin sa deriksyon ng hagdan. "Let him go, Alonzo," said the man who descended the staircase. His baritone voice sent shivers down to her spine. Katulad ng lalaki ay halatang latino rin ang lahi nito. At pareho ring ubod ng gwapo. But the man was more gorgeous than his companion named Alonzo. Ngayon niya lang din naramdaman ang ganitong kilabot dahil lang sa boses ng isang lalaki. Mas lalong nanginig ang katawan niya nang magtama ang paningin nilang dalawa. Ang tingin nitong nakakatunaw ay nagdudulot nang kakaibang init sa kaibuturan ng pagkatao niya. Napalunok siya. Siguro dala lang nang takot at kaba kaya nararamdaman niya ang ganitong klaseng sensasyon. The man named Alonzo let go of her father. Inalis nito ang paa sa ulo ng ama niya. Mabilis niya namang tinulungan ang ama na makabangon at kaagad na niyakap kahit nakaupo pa sila sa sahig. Nahinto siya sa pag-iyak dahil nasa tapat na nila ang lalaking parang panginoon kung maka-baba sa hagdan. Marahan niyang tiningala ang lalaki. He was very masculine and dangerous. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya, matagal siya nitong tinitigan bago ito sumenyas kay Alonzo na alisin siya mula sa pagkakayakap sa ama. "No... no! Pease!" nagsusumigaw siya saka mahigpit na niyakap ang Daddy niya. "Don't be afraid, princess. Be brave..." bulong nito sa kaniya bago niya ito nabitawan. "Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya kay Alonzo. Mahigpit itong nakahawak sa braso niya. The man sneered at his father. "You had a pretty daughter, Landon. I'm thinking what should I do to her." "f**k you, Florencio! Don't touch my daughter or else I'll kill you!" asik ng Daddy niya. Alam niyang gusto na nitong sugurin ang lalaki na tingin niya ay pinaka-Boss ng lahat, pero nakaluhod lang ang ama niya at may dalawang lalaking pumipigil sa magkabilaang balikat nito para hindi makatayo. "You will kill me? How about I kill you first?" he said mocking to her father. "Pareho lang kayo ng ama mo, Esteban. Same feather flocks together!" Umigting ang panga ng lalaking nagngangalang Esteban. Dumilim ang mukha nito, pagkatapos ay bumunot ng baril. Namilog naman ang mga mata niya at mas lalong nagpumilit na kumawala. Itinutok nito ang baril sa ulo ng ama niya. "I will kill you to lessen your burden, Javier." He laughed like a devil. "So you won't see what kind of torture I'm about to inflict on your daughter." The face of his father softened. "No! Please, I'm begging you," pakiusap ng ama niya sa naiiyak na boses. "Just let her go, she has nothing to do with this." "You're begging now? I'm wondering if my father was begging with you when you murdered him." The anger of his voice was unfathomable. "He deserve it." Matigas ang boses na turan ng ama niya. "You deserve to die, too. But don't worry, because... instead of torturing you, I will do it to your daughter so you may now rest in peace." Humalakhak ito, saka tumingin sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa ama. Tingin niya sa lalaki ay demonyo na ginamit ang mukha ng anghel para maraming malinlang. Her father look at her with a fearful look. Nakita niya rin ang pagtulo ng isang butil na luha sa mata nito. At sa isang kisapmata niya lang ay umalingawngaw na ang malakas na tunog ng baril, kasabay ang pagbulagta ng ama niya sa sahig. She was screaming and writhing. Parang nag-slowmo sa kaniya ang lahat at tanging ang ama lang ang nakikita niya. She was breathing heavily. Napaluhod siya habang humahagulhol ng iyak at nakatitig sa mukha ng ama. Her father was killed in front of her. Mariin niyang naikuyom ang kamao. Hindi siya halos makahinga at para bang may nag-flash back sa utak niya no'ng 8 years old pa lamang siya. It was also a man died in front of her. But she couldn't remember anymore because of trauma. "Make her stand," walang emosyong utos ni Esteban kay Alonzo na nagpabalik sa katinuan niya. Hindi na niya makakalimutan ang pangalan ng mga ito. Para bang hindi na ito mabubura sa utak niya. Pinatayo siya ni Alonzo pero dahil sa panginginig ng mga tuhod niya ay bumuway ulit siya sa kinatatayuan. Humakbang si Esteban palapit sa kaniya at ang mala-bakal nitong palad ang marahas na humila sa braso niya para makatayo siya. Marahas niyang iwinaksi ang kamay nito. Ayaw niyang hawakan siya ng lalaking pumatay sa ama niya. Sa isiping patay na ang ama ay halos gusto niya nang pigilan ang paghinga baka sakaling mamatay na rin siya. A crooked smile appeared on his face. "Feisty, aren't you?" Isang nakakatakot na tingin ang ipinukol niya rito. Kahit hilam ng luha ang mga mata niya ay nagawa niya pa itong titigan nang mariin. "Strip," utos nito sa seryosong boses. Muli na namang nanginig ang mga tuhod niya. Inikot niya ang mga mata sa paligid. Nakatuon ang tingin ng lahat sa kaniya na halatang naghihintay ang mga ito na sundin niya ang ipinag-uutos ni Esteban. Nanginginig ang mga kamay niyang iniyakap sa sarili saka napayuko. Mas lalo lang nadagdagan ang takot na nararamdaman niya pero mas nananaig ang galit niya rito. Mariin nitong hinawakan ang baba niya para magtaas siya nang tingin. Tumingala pa siya dahil sa sobrang tangkad nito. Kahit naka-heels na siya ay hanggang dibdib lang siya nito. "Kill me," mahinang usal niya, pati labi niya ay nanginginig sa takot at galit. "I will kill you if I'm done with you, understood?" Ngumisi ito. Hindi siya nakaimik. Kumurap-kurap lang ang mga mata niya. Mas nangingibabaw na ang takot niya ngayon kaya mas pinili niya na lang manahimik. "If I say strip, strip!" Mahina ang tono ng boses nito pero madiin ang bawat salitang binibitawan. A cruel smile appeared on his face and said, "I want to showcase my new slave... naked." Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha niya. Pinapatigas niya lang ang mukha pero hindi kayang itago ang tunay niyang nararamdaman. She realized that the man standing in front of her is a monster hiding with his innocent face. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD