Chapter 5

1743 Words
Mariing dinutdot ni Esteban ang upos niyang sigarilyo sa ashtray. Pagkatapos ay kinuha ang wine glass mula sa counter ng mini bar. Inubos niya ang laman niyon. Hindi niya maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. Dapat natanggal na ang agam-agam sa puso niya ngayong napatay na niya si Landon Javier. Pero bakit parang kulang pa? He wanted him to suffer but his emotions take over him. Ngumisi siya nang maalala ang anak nitong babae. Siguro naman hindi matatahimik ang kaluluwa nito sa impyerno gayong alam nito na ang nag-iisang anak na naiwan ang siyang magbabayad sa kasalanan nitong nagawa. Hindi ba't mas masakit iyon? He chuckled. "You should torture him first before you killed him," untag sa kaniya ni Alonzo. "At hindi ba dapat wala kang ititira sa angkan niya? Even her daughter, right?" 'Yon ang nasa plano niya, pero bigla na lang dumating ang anak nito kaya nasira ang plano. Akala niya ay napatay na ito ng mga tauhan sa ginawa nitong pagtakas. But he was amazed when he saw her. Innocent, delicate, but not easily broken. Sa kabila nang takot na pinapakita nito ay ang nakatagong tapang. He smirked. Interesting. "I changed my mind. And I think it'll be more fun if I make his daughter suffer." Nagkibit-balikat ito. "Well, she's yours now. Your slave and plaything. Paniguradong magwawala si Landon Javier sa kabilang buhay." Sabay pa silang tumawa. They all have one thing in common: they are cruel. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit ito ang naging best buddy niya. Close niya rin naman ang kambal nitong si Alexis, pero mas serious type ito. He was organized and detailed. He preferred to finish his work without having fun. Napaka-opposite ng ugali kay Alonzo. "Where's Alexis?" Dahil ang nasa utak niya ay si Alexis kaya naisip niyang itanong. Hindi ito sumama sa kanila sa pagsugod sa mansion ng Javier. "Bumalik na sa Italy." "Good." Mas makakabuting bumalik ito para sakaling magtagal sila rito ay may hahalili sa trabaho niya. They have a lot of transactions to do. At dahil lang sa walang kwentang Landon na 'yon ay na pending lahat. Damn! Bakit may pagsisisi sa puso niya na pinatay niya ito agad? Dapat pala pinatagal niya pa ang buhay nito para makita nito kung ano ang klaseng paghihirap ang ibibigay niya sa anak nto. Mariin niyang hinawakan ang wine glass dahil sa panggigigil. He's controlling his temper. "Careful, you might break the glass," nakangising saway sa kaniya ni Alonzo. "Sayang naman." "Oh, shut up!" Ibinaba niya ang wine glass sa counter saka ibinaling ang mukha sa labas ng bintana sa limousine na sinasakyan nila. Limang itim na van naman ang nakasunod sa kanila at pawang mga tauhan niya iyon. Pabalik na sila sa brothel kung saan sila ngayon namamalagi. "Did you make sure to secure the Javier mansion?" seryoso niyang tanong kay Alonzo. "Yes." "How about their assets?" "It's already frozen." "Good." Nasa isang tagong lugar ang malaking brothel nila kaya mahihirapan ang mga authority na i-raid ang lugar na 'yon. At higit sa lahat protektado sila, lahat naman ay nababayaran ng salapi. Kung titingnan sa labas ay parang mansion lang ito ng mayamang tao. Mataas ang gate na halos hindi na makita ang nasa loob. Kaagad siyang lumabas sa limousine pagdating nila at sumunod naman si Alonzo. May lumapit sa kanilang isang tauhan sa kabilang van. "Boss, paano ang babae?" "Ilagay sa basement," walang emosyong sagot niya. "Okay po, boss." Akma na itong aalis pero tinawag niya ulit kaya napahinto. "And one more thing. Strip her naked." Gusto niya kapag nagkamalay na ito ay makita nito ang sariling hubad. Lihim siyang napangisi, ganoon din ang tauhan niya rito sa brothel na abot hanggang mata ang pagkaka-ngisi. "Masusunod, boss!" mabilis nitong sagot. Nagtuloy-tuloy na siya sa loob. Malaki at malawak ang brothel, sa katunayan ay nasa apat na palapag ito at may rooftop pa. Sakop niya ang ikaapat na palapag, walang nakakaakyat doon na iba maliban kay Alonzo dahil nasa palapag ding 'yon ang silid nito. Ang office niya naman ay nasa 3rd floor. Mga babae at mga kliyente ng mga ito ang kaagad na nabungaran niya sa malawak na salas. Hindi naman pansin ang presensya niya dahil busy ang mga ito. May iilan lang na sumisipat sa kaniya pero kaagad ding ibinabalik ang atensyon sa kliyente. Nagtuloy na siya paakyat sa 2nd floor. ___ "Grabe, ang galing mo talaga, Raquel." Napangiwi si Raquel sa itinuran ng kliyente niyang senior citizen na. Kumikinang pa ang mga mata nito habang nakatitig sa hubad niyang katawan. Pilit siyang ngumiti at pa-simpleng pinunasan ang bibig ng wet tissue. Hinimod niya lahat ng katas nito. "Basta ikaw, gagalingan ko." Kinindatan niya pa ito. Ito lang ang tanging kliyente niya na pabalik-balik sa kaniya at galante pa magbigay ng tip. Aanhin niya naman ang bata pa kung pagod pa siya tapos halos wala pang-tip na maibibigay. Kaya nakaka-raket siya sa matandang ito kahit papaano. Pagkatapos niyang magbihis ay kaagad niyang inilahad ang isang palad dito. Mabilis naman nitong iniabot ang sampung libo. Matamis siyang napangiti saka kinintalan ito ng halik sa labi. "Thank you love," malambing niyang usal. "See you around." Mabilis na siyang lumabas sa kwarto pagkatapos iipit ang pera sa loob ng bra niya. Inaayos niya ang suot na maikling bestida at magulong buhok nang makasalubong niya si Esteban. Anak ng–pating! Napahinto siya at matamis na ngumiti rito. Boss nila ito sa brothel. Ewan niya ba kung bakit bigla itong pumunta rito sa Pilipinas. Madalas kasi na si Alonzo ang bumibisita rito sa brothel, kaya laking gulat nila nang pati ito ay sumama. "Good evening, boss," bati niya rito. Kahit nakakunot ang noo ay dumagdag lang iyon sa karisma nito. Nahigit niya ang hininga nang humakbang ito papalapit sa kaniya. "Are you free tomorrow?" tanong nito sa baritonong boses. Putang-ina! Malakas niyang pagmumura sa isipan. Lalabasan na naman siya nito nang sama nang loob. Kung ano-ano na naman ang posisyong gagawin nila ma-satisfy lang ito. He's a beast in bed. Hindi naman sa ayaw niya rito. Chossy pa ba siya? Eh, lahat nga ng mga babae rito sa loob ng brothel ay gusto itong matikman. Talaga nga namang magaling ito sa kama. But she can't handle him. The last time they have s*x was 5 years ago and it was heaven and hell. Heaven because that was the best s*x in her life and hell because he made her crippled for a week! Hindi naman siya virgin pero pakiramdam niya nawasak ang sa kaniya at totoo nga! Kinailangan niya pang bisitahin ang Gynecologist para sa problema niyang iyon. At one week siyang hindi nakatayo at nakagalaw, dinaig niya pa ang bagong panganak. And now that he's here. Siguro ma-kontento na lang siya sa tingin. Pero alam niyang hindi rin siya makakatanggi rito kahit ayaw niya pa. "I'm asking you. I don't want to repeat myself!" Napapitlag siya. Itinago ang takot sa isang matamis na ngiti. "Of course! I'm free tomorrow." Punyeta! Pagmumura niya ulit sa isipan. "Good." Iyon lang at umakyat na ito sa 3rd floor. Nakahinga siya nang maluwang. Siya ang namamahala sa mga kababaihan dito sa brothel kaya kahit may kliyente siya o wala ay okay lang, pero minsan talaga ay kailangan niya ng extra na pera maliban sa sinasahod niya rito sa brothel. Kaya pumapatol siya ng mga kliyente na interesado sa kaniya. Nasa 40's na siya pero nakikipagsabayan pa rin ang alindog at ganda niya sa mga babae rito. Wala rin namang panama ang iba sa galing niyang magdala ng mga lalaki. "Punyeta talaga!" mariin niyang usal, saka mabilis siyang bumaba. Sa 2nd floor ang may mga naka-hilerang silid, dahil doon dinadala ang mga kliyente kapag gustong gumamit ng mga babae. "Bad day?" si Alonzo na nakasalubong niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Ano sa palagay mo?" Tinarayan niya ito. Sumipol lang ito at nagkibit-balikat saka siya nilagpasan. Sinundan niya ito nang tingin. Si Alonzo ang gusto niyang tikman dahil kahit anong pang-aakit na ginawa niya rito sa tuwing bumibisita ito ay tinatanggihan siya. Mas lalo tuloy siyang na curious kung paano ang pamamaraan nito pagdating sa kama. She bit her lower lip. Mapapa-saan ba't bibigay rin ito sa charm niya. Ngumisi siya. Papunta na sana siya sa kusina pero sinalubong siya sa isa sa mga tauhan sa brothel. "Uy, Raquel! May bagong babaeng dating. Kilatisin mo kaya? Baka malaki ang kitain natin sa babaeng 'yon. Basta balatuhan mo ako, ha!" Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Tse!" Inirapan niya ito. Bukas na niya sana pupuntahan kaya lang ay wala siyang magawa. Na stress pa siya kay Esteban. Ngayon pa lang ay naiisip na niya ang gagawin nito sa kaniya bukas ng gabi. Piste talaga! Naabutan niya sa basement ang grupo nina Tado na tila ba gigil na gigil sa babaeng walang malay na nakabulagta sa sementong sahig. "Hubaran na natin," excited na turan ni Tado. "Siguro naman hindi ito magigising kapag minanyak natin." Isang malakas na batok sa ulo nito ang ginawa niya para mapansin ang presensya niya. "Anak ng–" Lumingon ito at pinandilatan niya naman ng mga mata. Ang galit at inis nito ay nawala. "I-ikaw pala Raquel." "Ano ang ginagawa ninyo, aber?" Nameywang siya. Napakamot ito sa ulo. "Sabi kasi ni boss hubaran, eh!" "At bakit kayo ang maghuhubad?" sita niya. "Labas!" "Grabe ka na talaga, Raquel! Hindi naman ikaw ang boss namin, bakit kami susunod?" reklamo nito. Sinampal niya ito para matauhan. "Hoy! Baka nakakalimutan mo na ako ang namamahala sa mga babae rito sa brothel? Paano ako kikita ng malaki sa babaeng 'yan kung pakikialaman ninyo?" "Hahawak lang naman kami... damot mo talaga!" "Maski hawak, bawal! Maliban na lang kung magbayad ka ng ten thousand sa akin." Inilahad niya ang isang palad. "Oh, akin na ang pera. Hawak lang kahit saan." "Pambihira ka talaga, Raquel! Makaalis na nga..." Binalingan nito ang mga kasama. "Tara na!" Napapailing siya habang sinundan niya ang mga ito ng tingin at nang mawala na sa paningin niya saka niya pa binalingan ulit ang babae. Maputi at makinis ang balat. Flawless na flawless. Hugis puso ang maganda nitong mukha at halatang bata pa. Sakto lang din ang tangos ng ilong nito at ang labi na tingin niya'y kay sarap hagkan. Napaisip siya kung saan na naman kaya galing ang babaeng ito? Isa na naman ba ito sa ibenenta ng mga magulang? O bayad utang? Bumuntonghininga siya. Kailan kaya sila makakawala sa impyernong brothel na ito! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD