Sapo niya ang dibdib na bumalik sa kwarto. Bigla pa siyang hiningal. Pinilit niyang isawalang bahala ang nakita ngunit hindi mawala sa isipan niya. Lalo na ang paggalaw ng muscles nito sa buong katawan kapag umuulos... Napapailing siya. "Pervert!" mariin niyang usal na para bang kaharap niya si Esteban. Umupo siya sa kama saka napaisip kung bakit parang umiiyak ang babae sa sarap? "God! Lorraine, kumalma ka..." saway niya sa sarili. Bigla namang kumalam ang sikmura niya kaya naisipan niyang lumabas ulit sa silid. Nagmamadali siyang bumaba sa 1st floor, at ganoon na lang ang gulat niya nang madatnan ang mga nandoon. Mga babaeng maikli ang suot na nakakandong sa mga lalaki. Ang iba ay naghahalikan pa, ang iba naman ay hinihimas ang katawan ng mga babae. Yumuko siya at dahan-dahang