Grabe, busog na busog ako sa luto ni Leigh. Ang sarap niya pala magluto, di halata. Matapos kumain ay gusto ko na sanang magpagulung-gulong sa bago kong kama at ifeel ang bago kong silid na may aircon pero heto ako at napilitang mag-aral kasama si Leigh na mukhang mas masungit pa kay Ms. Indira. "Tapos mo ng sagutan iyong ginawa kong questionnaire?" gulat na tanong ni Leigh nang matapos ko ang 1 to 50 niyang mga tanong about sa reviewer na binigay ng teacher ko sa Math. Nagdududa niyang tiningnan ang mga sagot ko. Kitang-kita ko ang paglukot ng mukha niya at matalim niyang sulyap sakin. Ano bang problema niya sa mga sagot ko? " Wala ka ba talagang natutunan sa mga lessons niyo?" singhal nito sakin. "E, sa mahirap talaga iyong lessons namin at ang sungit pa nung teacher! Anong magagaw