Nang makauwi na ako ng boardinghouse ay tinatamad akong magluto kaya chichiria na lang iyong inihanda ko para hapunan. Di ako naniniwala sa sinasabi ni Shane na nakakabobo ang laging pagkain ng mga chichiria dahil matagal na akong bobo noh, wa epek na sakin ito. Habang di pa oras ng hapunan ay sinimulan ko munang panoorin iyong City Hunter sa portable dvd ko. Patay na patay lahat ng cells sa katawan ko sa kapogian ni Lee Min Ho! Solo ko ang silid na ito kaya walang makakita sa paglalaway ko sa kagwapuhan ng idol ko. Tuwing nakakakilig iyong mga eksena ay nagpapagulung-gulong ako sa kama habang yakap-yakap ang malaking unan ko. Ini-imagine ko na si Lee Min Ho iyon, pakshet lang, ang sarap pupugin ng halik ng mukha niya! Tutok na tutok ako sa panonood ng marinig na may kumakatok sa pin