4

2548 Words
What the hell Am I?    Pumapapak ako ng pizza habang nanonood kami ni Jiro ng beauty and the beast dito sa sala. Minsan pag nakikisali si Julie sa amin sa panonood ay yung barbie's ang pinapanood namin. Hindi ko lang talaga hilig maglaro ng ganoon. Ayaw ko sa kanila pero walang kaso naman sakin pag pinapanood. Pero puro Princess talaga hilig naming dalawa ni Jiro eh.  "Napakaboploks mo! Pati times hindi mo alam." Narinig kong sabi ni Rap. Tinuturuan niya na naman sina Sylver, V, JK at Jame Brancen ng Math. Nakakaawa rin ang sinasapit ng apat na yan. Nababatukan. Itong si Sylver lang talaga ang hindi ata kayang batukan ni Rap.  "Eh hindi naman ako kagaya ni V na kailangan pang ipaduling ang mga mata makuha lang yung tamang sagot." sagot ni Jame Brancen. Napalingon na ako sa dako nila. Kitang kita ko si V kung paano niya pinapaduling ang mga mata niya sa mga pinagdadrawing ni Rap na saging para lang makasagot sa board.  "Eh ba't mo binura? Lintek. Sayang yung drawing ko. Pinasagutan ko sayo tapos isasagot mo zero." Iritadong sabi ni Rap.  "Kinain ko RM! Kaya binura ko. Wala nang natirang saging dahil inubos ko. Edi zero!"  "Hoy Jame Brancen! Wag mong hintaying ivacuum ko yang mga taba mo sa tiyan bago ka magtino. Dahil pag ako nainis ng tuluyan sayo pati ikaw ivavacuum ko."  Mukhang malilipasan na naman ng gutom si Jame Brancen. Hindi yan sanay na hindi nag-snack eh. Si JK naman halatang excited mamaya dahil pupuntahan si Julie sa bahay. Minsan sa playground sila eh. Nahihiya kasing pumunta dito. Kinakaladkad ko na nga lang 'yon minsan.  "Nanonood ka ba talaga?" tanong ni Jiro sakin kaya napalingon na ako sa kanya.  "Oo. Pasubo ako Jiro." Tinuro ko yung isang slice ng pizza lalo na't naubos ko na yung akin. Walang hesitasyon niya naman 'yong kinuha at sinubuan ako. Kumagat ako doon. Kaming dalawa lang talaga ang nagkakaintindihan dito. May sarili kaming mundo. Ayaw nilang nanonood ng ganito eh. Kabaklaan daw. Ayaw daw nilang matulad kay Jiro. Ang cute naman sana.  "Nasabi na ba ni Mommy yung pagbibeach namin next week?" Tumango ako. Yan yung binungad ni Tita sakin kanina dito nang pumunta ako eh. Excited nga ako.  "Oo. Sabi niya sumama daw ako. Nagtext ako kay Dad kanina sabi ko bilhan niya ako ng bikini." sagot ko. Nalaglag naman ang panga niya. Panget ba yung bikini? Eh yun naman talaga dapat sinusuot pag nagbibeach ah.  "Ano? Magbibikini ka? Sky para lang yun sa mga dalaga." Iritado niyang sabi.  "Huh? Eh may dibdib na ako. Hindi ba obvious itong dalawang umbok sa harapan ko? Kung hindi ako magbibikini anong itatakip ko dito?" Nagawa ko pang yumuko para tingnan ang dibdib ko kaso itinaas niya rin ang baba ko at ipinaharap sa kanya.  "Itigil mo nga yan. Ang ibig kong sabihin, wag kang magbikini. Makikita yung singit ng pwet mo, yung tiyan mo. Iitim ka. Nakakita kana ba ng maitim na prinsesa?" Nakahawak parin siya sa baba ko. Ba't kahit ganito lang kasimple ay kinikilig na ako? Ganito yung sa mga fairytales eh!  "Hindi naman basehan ang kulay ng isang babae para sabihing prinsesa siya o hindi." Napasimangot ako. Ayaw niya lang talagang magbikini ako. Yun 'yon.  "Magsleeveless ka nalang. Tsaka short. Pwede na 'yon. Wag lang bikini."  "Pag 18 na ako magbibikini na ako." sagot ko sa kanya.     "Matagal pa 'yon. 6 years?" Napasimangot ako. Oo nga naman. Ang tagal pa.     "Pag 18 na ako papayagan mo na ako?"     "Hindi parin. Ba't kailangan pang magbikini. Kahit sleeveless at short lang mababasa ka rin naman."     "Eh gusto ko. Jiro please..." Inilapit ko na talaga ang mukha ko sa kanya habang pinapakurap ang mga mata ko. Lahat ata ng desisyon ko sa buhay ay kasama siya. Pati sa pagdedecide sa suot ko hinihingi ko opinyon niya. Nasanay na ako na siya ang nasa tabi ko araw araw. Gusto kong matulad yung lovestory namin sa fairytales, yung magtatapos sa "and they lived happily ever after."     "Wag mong ipilit Sky. Magsleeveless at short ka. Sa oras na nagbikini ka hindi ka makakasama." Napasimangot ako at umirap nalang. Gusto ko sanang matry man lang 'yon eh. Yung panty at bra lang. Feeling ko kasi ang sexy. Nakakadalaga. Hindi ba purket hindi pa ako teens bawal pa?     "Waaahhh!!! Yung mata ko hindi ko na maibalik sa normal! Tulong! Lahat ng nakikita ko doble na!" Sigaw ni V na napatayo na at kumakapa. Pinagtulungan naman agad nila Jame Brancen. Niyugyog nila ang balikat na pati ata ulo niya ay pinagyuyugyog nila.     "Hayaan niyo na. Para kahit sa Math man lang matalino siya. Sa Multiplication nga lang." sabi ni Sylver.     "Mga abnormal." sabi ni Jiro.     Mukhang natauhan naman si V. Si Jame Brancen nagawa pang tumawa.     "V is really weird." mungkahe ko saka nilingon si Jiro na nakatingin lang sakin. Napangisi tuloy ako.     "Ang hilig mo akong titigan. Ang ganda ko Jiro no?" Humagikhik ako.     Hinawi niya lang yung buhok ko at isinabit sa likod ng tenga ko. Napatitig ako sa kanya. Ang seryoso na kasi ng mukha niya. Inilipat niya rin naman sa screen yung tingin niya kaya napatingin narin ako doon. Saktong patapos na. Hinalikan na ni Beauty yung beast kaya nabuhay at umangat sa ere para maging isang ganap na tao. Anong meron sa kiss? Sa bawat panonood ko ng fairytales yung kiss ang nagpapagising sa mga Prinsesa o kaya pag happy ending na ay magtatapos sa isang kiss. Nakakacurious tuloy kung ba't kailangang magkiss.     "Jiro, natry mo na bang humalik?"     Sandali siyang natahimik at tumitig muna sakin. Yang mapula at perpektong hugis ng labi niya may nahalikan na kaya yan? Ayokong halikan siya ng iba bukod sakin. Gusto ko ako lang.     "Hindi pa." sagot niya. Lumiwanag naman agad ang mukha ko.     "Ako rin. Gusto ko nga sanang itry eh. Why don't you kiss me?" Hihilain ko na sana ang tshirt niya para magkalapit kami kaso bigla niya nalang ibinaba ang kamay ko. Napabusangot tuloy ang mukha ko. Ayaw niya bang ako ang first kiss niya?     "Sky. Hindi pwedeng halikan nalang kita basta basta. Mga bata pa tayo Sky. Ugh..." Nasambunot niya ang buhok niya. Anong problema niya?     "Huh? Eh gusto ko lang naman ikaw ang first kiss ko. What's the matter with our age? Kiss lang naman yan. Magdidikit lang yung labi." Nailing siya sa pinagsasabi ko.     "No Sky. Hindi yung smack ang tinutukoy ko. If you want me to kiss you then make sure you have enough air inside you, or else I'll leave you breathless." direkta niyang sabi kaya ako itong natikom ang bibig ko.     Ilang oras ko iyong iprinoseso sa utak ko.     "May enhaler naman. Sige, kiss mo na ako--"Scarlet Gail." diin niya kaya naikot ko nalang ang mga mata ko.     "I'm just kidding okay?" sabi ko kaya huminahon naman agad ang mukha niya.     Ilang episodes rin ang pinanood namin saka kami tumigil at nanood ng horror movie lalo na't nakihalo na yung iba sa amin ni Jiro. Si JK lang ang wala dito. Nasa playground 'yon kasama si Julie.     "Lumayo ka nga sakin Harel. Wag kang nangyayakap. Ang init." Itinulak ko siya palayo sakin. Nang hindi ko siya natinag ay si Jiro na mismo ang tumulak sa kanya hanggang umusog na siya.     "Ang kj mo Sky! Tapos si Jiro pwede! Sylver..." Doon na siya yumakap kay Sylver. Si Sylver naman hinayaan lang ang pinsan niya. Napapansin ko sa kanya wala siyang pakialam sa bagay bagay.     "Ang init na nga nagsisiksikan pa. Iinom lang ako." tumayo ako. Itong si Jiro tumayo naman agad.     "Samahan na kita."     "Itong dalawang 'to akala mo naman ikakamatay kung wala yung isa." Naiiling na sabi ni Rap.     Hindi ko na pinagtuunan ng pansin yung sinabi ni Rap at pumunta na sa kusina. Nakabuntot naman si Jiro sakin. Siya na mismo ang kumuha ng bottled water na kulay pink at binuksan 'yon saka ibinigay sakin.     "Kanino 'to?" tanong ko saka ako uminom doon.     "Sakin. May pangalan yan eh. Princess Jiro." Kamuntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya. Princess Jiro? Ang bakla naman ata pakinggan! Hindi kaya natuluyan na siya?     "Are you gay now?" Natawa ako habang pinagmamasdan ang nakabold na Princess Jiro's sa bottled water. Ibinaliktad ko pa ito para mabasa ng maayos. Parang Princess Jiro's property. Nilalagyan niya ng pangalan para siguro hindi magkainteres ang mga pinsan niyang inuman ito.     Tumaas lang 'yong kilay niya sa akin. "Hindi purket mahilig na ako sa Prinsesa ay bakla na. You influinced me this thing Sky. Princess Jiro's. Pero total hawak mo yan at nabaliktad dahil uminom ka... nabaliktad narin yung Princess Jiro's." Napangisi siya sakin. Kinuha niya ang bottled water na 'yon at uminom rin doon. Nabasa ko nang maayos ang nakasulat na naging Jiro's Princess na. Gusto ko atang magtatalon sa kilig dahil sa nadiskubri ko. That's so cute! I'm his Princess!     "Prinsesa mo ako?" Napangiti na ako ng matamis. Yumakap pa ako sa beywang niya at tiningala siya kaya kamuntik niya nang mabitiwan yung bottled water. Napahagikhik lang ako.     "Ang kulit mo talaga kahit kailan." Naiiling niyang sabi sakin. Ni hindi man lang yumuko para tingnan ako.     "Jiro, yumuko ka. Tingnan mo ako." Napanguso ako.     "Bitiw nga Sky. Ang kulit mo." Namumula na yung pisngi niya. Paano ba papupulahin yung pisngi katulad niyan? Yung parang may blush on ako. Hindi kasi ako papayagan ni Dad magmake-up. 12 pa daw ako. Kailangan pag dalaga na daw ako.     "Ayaw. Yuko ka muna." Ilang sigundo akong nakatingala hanggang yumuko nga siya. Walang hesitasyon akong tumingkayad at hinalikan siya sa labi. Nang dahil sa panonood ng fairytales natuto akong humalik. Yung ididikit lang naman yung labi eh. Pero yung gumagalaw hindi ko na alam. Humiwalay rin naman ako pero nanatili akong nakayakap sa kanya. Gulat yung mukha niya at nakatitig sakin.     "I'm your first kiss now." Napangisi ako. Seryoso niya lang akong tinitigan. Ano kayang iniisip niya?     Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at sinakop ng mga kamay niya ang pisngi ko.     Dahan dahan rin siyang yumuko at hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam kung anong meron sa halik na 'yon pero rinig na rinig ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kung paano ito humataw sa dibdib ko at pakiramdam ko ay lalabas na ano mang oras.     "Sa susunod na yung sa labi. Lahat may tamang panahon." Hinaplos niya ang pisngi ko.     "Yung parang sa fairytales?" Tumango naman siya.     "Kung pwedeng higitan yung mga nasa libro ay gagawin ko. Kung pwede ay sumulat ako ng pahina nating dalawa na mas maganda pa sa mga fairytales na pinapanood mo. Hindi lahat ng nasa libro ay totoo. Pero tayong dalawa, alam ko merong ikaw at ako."     Posible bang makaramdam ka ng higit pa sa pagkagusto mo sa isang tao kahit na bata ka pa lang? Yung nakasentro na ang utak mo sa isang kasalan? Yung panghabangbuhay na kayong dalawa? Hindi ko naman alam kung ano talaga kami. Pero yung prinsepe niya ako at Prinsesa ko siya ay sapat nang dahilan sakin na may kung ano sa aming dalawa.     Umuwi rin ako ng araw na 'yon. Laman ng utak ko yung pinagsasabi ni Jiro hanggang may kumatok sa kwarto at bumungad ang imahe ni Dad.     "May oras ka pang magmidnight snack? With your Dad?" Napangisi ako at umayos ng upo sa kama.     "Dad. It's not yet midnight. But, why not?" Sabay kaming natawa. 9:00 pm pa lang eh.     Pumunta naman siya dito at inilapag sa harap namin yung pizza. Halatang kakadating niya lang dahil nakasuit pa siya. Marahan niyang tinanggal ang isang botones sa may leeg niya at hinila ang necktie para luwagan ito.     "So, how's my princess?" Binuksan niya yung box at binigyan ako ng isang slice.     "Okay lang. Dad, nahanap ko na yung prince ko." Napangisi ako lalo na't sumagi sa utak ko yung mukha ni Jiro. Kinagatan ko naman yung pizza.     "Really Sky? And who's the lucky guy?" Sumubo rin si Dad.     "Si Jiro." Kitang kita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Dad habang ngumunguya.     "Jiro? Yung isa sa mga kababata mo? Talaga? Akala ko yung pito ang prince mo? Ang gugwapo. May mga hitsura. Yung si Jame Brancen kahit mataba pero pag pumayat yun sobrang gwapo rin nun."     "Dad. Wala namang panget sa magpipinsan. They're my dwarfs. Diba si Snow White may seven dwarfs? Bagay diba kaming pito Dad! Feeling ko destined talaga na nag-inarte ako doon sa first classroom kung saan mo sana ako ipapasok. Kasing ganda ko rin si Snow White diba Dad? Feeling ko reincarnation ako ni Snow White tapos yung seven dwarfs naman yung mga kababata ko." Bakas sa mukha ko ang saya sa mga pinagsasabi ko. I really love fairytales. Bukod sa ang gaganda ng mga gowns nung Prinsesa nakakabighani rin yung hatid na lovestory nila.     "I think you're mistaken hun. Sa pagkakaalala ko wala sa dwarfs ni Snow White yung prince Charming niya. Wala siyang nakatuluyan doon. Dahil bukod sa mga unano sila at panget pa, they're dwafs. Not a prince."     "Excempted naman si Jiro doon eh!" Napanguso ako.     "Edi hindi na sila yung seven dwarfs kung tatanggalin mo si Jiro? What if hindi ikaw si Snow White? Yung witch ka pala." Tumawa si Dad. Ako naman itong napabusangot ang mukha. I hate witches. Paepal sila sa mga story ng mga prinsesa. Kaya hirap magkatuluyan ang dalawa dahil pumapagitna ito.     "Ang ganda ko para maging witch! Yung princess ako eh!" Napabusangot na lalo ang mukha ko.     "Alright, alright. You're my princess so technically you're a princess. Dad is just kidding you. As long as you're happy keep dreaming then." Hahalikan na sana ako ni Dad sa noo ko nang mabilis ko itong tinakpan. Kumunot naman ang noo niya. Ayoko namang sabihin kay Dad na hinalikan ako diyan ni Jiro. Gusto kong ireserved yung labi niya diyan. Alam ko nasa noo ko pa 'yon. Nakadikit parin.     "Sa head nalang Dad. Wag sa forehead. Magkakapimples ako." Tumawa si Dad at nailing.     "Ang arte talaga. Oo na." Hinalikan niya ako sa ulo ko.     Nagpaalam narin si Dad na pumanhik sa kwarto niya para tuluyang makapagpahinga lalo na't maaga pa daw siya bukas. Kahit busy si Dad nilalaanan niya parin ako ng oras eh. And I'm happy because of that.     Bumabagabag sa loob ko yung sinabi ni Dad na wala sa dwarfs ni Snow White yung prinsepe niya. Lalo na yung paano kung hindi daw ako si Snow White. Sa sobrang kapraningan ko pinanood ko ulit yung Snow White and the seven dwarfs. Ngayon ko lang narealize yung title. Pwede namang Snow White and his Prince. Or Snow White with his prince and the seven dwarfs. Pero ba't hindi binanggit yung prince? Ba't Snow White and the Seven Dwarfs lang? Nakakapagtaka. Kung hindi ko pa 'to napanood iisipin ko talaga na walang prinsepeng involved. Ba't ganito kaya yung title? Ba't parang pakiramdam ko walang prince charming si Snow White dahil sa title?     Habang nanonood ako ay napapaisip ako sa witch. Ba't sila panira sa buhay ng mga Prinsesa? Paano kung naging mabait sila? Paano kung sa halip na ilayo ang dalawa sa isa't isa ay tinutulungan nung witch ang prinsesa para magkatuluyan nga ang dalawa? Why do they have to complicate things? Sino bang gumawa nito? Ba't kailangan talagang maging masama ang witch?     Napabuntong ako ng hininga nang nagising si Snow White sa true loves kiss ng Prinsepe niya at sinundan rin ng "and they lived happily ever after." Ganoon sa lahat ng fairytales eh. Masyadong makapangyarihan ang halik. Kaya ba ayaw pa akong halikan ni Jiro dahil makapangyarihan 'yon?     Pero paano kung hindi naman talaga ako si Snow White? Ba't kaya ang laking epekto nun sakin kahit na joke lang naman 'yon ni Dad? What if I'm not destined to be a princess? Sabi nila mukha daw akong barbie. Coincidence lang ba 'yon? Na pag si Snow White ako ay wala naman sa seven dwarfs ang makakatuluyan ko? Pero pag barbie ako ay wala naman talaga akong prinsepe dahil para lang 'yon sa mga prinsesa? Then what the hell Am I!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD