CHAPTER 43

2083 Words
- FLAME Nung kaka uwi kami naka nganga sila kuya dahil nakita nila ang kasama ko. Kinuha ako ng burger na kinakain ni herrioté at hinati sa dalawa at pinakain sa dalawa kong kuya. "Kesa langaw ang mag piesta sa bunga-nga niyo." sabi ko na kinatawa nila ate at dalawang dalaga pati yung maliliit ganun din. "Mga pamangkin namin? Ang gwapo come to tito pogi." kuya storm at akmang kukunin si helliot sakin pero biglang yumakap ng mahigpit sa leeg ko. "Hey hey!! Hold on nasasakal na ako." tinapik ko ng mahina ito pero lalong humigpit yumakap at humikbi na. "Kuya lumayo ka kasi sa kanya ang panget mo daw kasi!" singhal ko kay kuya. "Hahaha ganyan s'ya hayaan mo lalapit din yan." sabi ni ate kaya lumayo na si kuya storm. yung tatlo naman nag tatago sa likod ni ate at ng dalawa. "Lapit kayo kay tito niyo." sabi ni crystal dito Agad naman umiling ang tatlo. Itong isa lumuwag na rin ang yakap. "Hahaha Hindi na ako magulat kung sayo tatabi yan flamie." si ate sky ang nag salita. "Okay lang.." sagot ko at nag lakad na upang maupo sana sa sofa. "Tara akyat tayo sa taas." aya ni winter sa mga maliliit saka lang bumaba itong si helliot at sumama na rin. "So kamusta ang byahe ate?" tanong ni kuya storm. Nangunot noo ko sa tanong niya "Byahe? sira flight." pag tatama ko dito na kinatawa ni ate. "Ayos lang ang kukulit ng apat. Mas lalo yung tatlo si helliot kasi medyo tahimik pero iyakin." kwento ni ate. Napa tango na lang si kuya. Mag sasalita sana si kuya thunder ng marinig namin ang iyak ng isa sa apat.. "Oh see? that's helliot.." ate na tumatawa pa at lahat kami nag akyatan sa taas. "What happened helliot?" malumanay na tanong sa anak nito na ngayon at tumakbo. "Away ako ni- ni- ni herrioté mommy.." sumbong nito at umiiyak. Sabi ko mommy diba? pero saakin naka yakap sa hita ko. "Ahmm hindi ako ang mommy mo.." sabi ko dito at pinantayan ito. Kaso maling idea ang ginawa ko dahil yumakap ito lalo sa batok ko. "For now on sya na ang mommy. Hahaha okay hayaan mo na si kuya kakausapin siya ni mommy later ha?" kausap nito sa anak nya na ngayon naka sandal ang ulo sa balikat ko. Narinig ko ang yawn niya. Mukhang sa akin pa matutulog ang bata. "Hahahaha isa lang ibig sabihin n'yan mag asawa kana daw." pang aasar ni kuya storm na kinatawa ni kuya thunder. Umalis si ate upang puntahan ang tatlong kambal. "Sa inyong dalawa ikaw dapat ang dami mong kinama ni isa walang nabuntis." si kuya thunder naman. "Ikaw din naman ah?" sagot naman ni kuya storm. Umiling at iniwan silang nag tatalo sa daan. Dumeretso ako sa kwarto ko at hiniga si helliot sa kama ko at pinatungan ng kumot himbing na itong natulog. - Napatingin ako sa mukha nito. Naisip ko na kailangan ko silang ingatan sa lahat mas lalo ngayon, mas dumami pa ata kalaban ko. Ang iba lang sa kanila nag hihintay ng pag kakataon. Napa buntong hininga na lang ako at nag bihis. Iniisip ko din hangang saan ko kakanin itong laban na 'to. Pakiramdam ko nasasakal ako. Napa tingin ako sa sarili ko sa salamin at naramdaman kong may pumatak sa likido sa pisngi ko. "Kailan ka huling tumawa? kailan ka huling naging mahina? pareho na nating hindi maalala." kausap ko sa sarili ko sa salamin. Naawa ako sa sarili ko pero kailangan ko parin ipakita na kaya ko. Dahil kailangan kong kayanin kasi kung hindi pare pareho kaming babagsak. "Sana bigyan ako ng sign kahit ano mga bagay na hindi ko pa nakikita. Upang mapag desisyunan kong isuko ko ba ito o hindi." mapait akong ngumiti sa salamin. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa table. Kinuha ko iton at binasa ang text message sa'kin. Don Santiago. "kung pakiramdam mo sumusuko kana. lagi mong tingnan ang mga tao mo at mga bagay na pinag lalaban mo at ang mga kapatid mo. Alam ko sumusuko kana, pero flame tandaan mo hindi ka mananalo kung susuko ka agad. Mas tatagan mo ang loob mo. " Basa ko sa text nito. Napa tango ako tiningnan ang sarili ko sa salamin. Tama si santiago lalaban ako hangang kaya ko. Lumabas na ako at tiningnan ang pamangkin kong naka dapa na ngayon. Nag padala ako ng text kay kuya thunder na may banta sa buhay ni winter.. Bukas sasamahan ko ang dalawa para mag enroll. Pareho silang gusto mag aral na. - Kinahapunan ay sabay sabay kami kumain.. at katabi ko parin si helliot at ako ang ang susubo sa kanya ng pagkain.. "Mukhang gusto ka talaga ni helliot flame." kuya thunder. Nag kibit balikat na lang ako at sinubuan ito ng pagkain ulam niya gulay ginataang kalabasa. Pero mas maramimg kalabasa ang gusto niya kesa sa kanin. "Eat more rice para manaba ka." sabi ko dito at tumango naman din agad. Napa ngiti ako dahil masunurin ito hindi mahirapan kumbinsihin.. Dumampot ito ng kalabasa at kinain ng deretso kaya napa iling na lang ako. "Ah flame. 'wag ko busugin masyado baka mahirapan matulog." suway ni ate sakin. Tumango na lang ako bilang sagot at kinuha ang basong may tubig.. "Enough you can eat tomorrow. Mag papatabi ako kay nanay for the kids." sabi ko dito at pinainom ito ng tubig naubos niya ang isang baso. Akala ko makaka inom pa ako sa baso na iyon Kaso mukhang kulang pa sa kanya. "Grabe katakaw yan." kuya storm at umiling pa. Natawa naman si ate at yung tatlo busy kumain mag isa. Sabi din ni ate ito ang clingy sa apat ito ang tahimik ito din ang gustong nag papa subo at ito din ang ubod ng iyakin. "Hahaha tubig lover yan maya't maya ang inom niyan. Kaya sa bahay noon hindi umaabot ng isang linggo ang tubig sa water dispenser dahil sa kanya." kwento ni ate kaya napa tango na lang ako. Kinalabit ako nito nang lingunin ko ito at tanungin.. "You want more water?" tanong ko dito na kinatango nito. Natawa lalo si kuya thunder at dalawang dalaga. "Here.." inabot ko sa kanya ang baso kanina at ininom naman agad.. Maya maya tumayo ito sa upuan at humakbang palipat sa upuan ko at umupo sa lap ko. At hinilig ang ulo sa dibdib ko. "Hey helliot don't sleep. Mag brush pa ng teeth mo." suway ni ate at agad tumayo saka kinuha si helliot sakin. "So kapag na sobrahan sa tubig knockout?" tanong ni kuya thunder. Tumayo na rin ako dahil tapos na rin naman akong kumain. "Oo ganun na nga. Kids sunod kayo kay mommy ha. Unahin ko si bunso." paalam ni ate sa tatlong kambal. "yes mommy!" sagot ng tatlong bata. Umalis na ako sa dining at dumeretso sa likod para mag pahangin. "Kailangan ka pala sa company bukas. After mo ienroll ang mga bata pumunta ka kahit saglit." rinig kong sabi ni kuya thunder habang palapit ito sakin. "Okay. Tumawag na rin ako sa dean na pupunta ako para may mag asikaso samin." sagot ko dito. "About winter... anong plano?" tanong ni kuya thun. Nilingon ko s'ya at umiling ng marami "Pag dating sa plano wala kayong aasahan sakin. Mahirap mag plano ng maaga tapos iba pala ang aasahan natin." maka hulugan kong sagot.. "Hmm fine.. by the way good night!" sabi ni kuya. Binigyan ko siya ng isang tango at pumasok narin ito. Matapos ang tatlong minuto pumasok na rin ako at dumeretso sa kwarto. Kung itatanong niyo kung naibalik na ang crown ng pamilya ni winter. Yes tapos na Pag pasok ko agad din akong nahiga upang matulog. - "Let's go kailangan ko pa pumunta sa opisina." sabi ko habang pababa ng hagdan. Ang dalawang dalaga naman ay nag hihintay lang din sa sala. Agad akong dumeretso palabas ng bahay sumunod naman sila sakin. Kinuha ko ang susi kay kuya danny. Pag pasok naming tatlo pinaandar ko agad dito paalis. Nauna na sila kuya sa opisina dahil kakausapin nila ng maaga ang nga dela vega. Dahil gusto ng umatras ni mr leo dela vega sa partnership nito sa amin.. Dumeretso kami sa AIS o sa alstreim international school. "Wow ang ganda naman dito." manghang sabi ni crystal. "Dito ako dati nag aaral kasi ayoko na pumasok kaya tumigil ako." pag amin ko. Pag tigil ng sasakyan bumaba agad kami. "Talaga po? grabe." si winter naman ngayon. Sumunod lang ang dalawa sa'kin. Pinag titinginan kami ng mga student siguro baka namumukhaan nila si winter. Dumeretso kami sa dean na kilalang kilala ko. "Pumasok din kayo." sabi ko dalawang babae na agad tumango. Pumasok kami sa opisina ni tito jethro o jet valencia. "Dean.." tawag ko dito habang subsob ito sa ginagawa. Nang mag angat ito ng tingin nanlaki ang mata nito. "Oh you here na. Come let's have a sit." aya nito at tumayo pa. Ginayak ako nito sa harap na upuan ng table n'ya pero umupo ako sa receiving seat para sa mga bisita. "Sila yung ipapasok ko." sabi ko at tinuro ang dalawang babae na walang galaw sa may pinto. "Dumeretso kayo doon." utos ko at tinuro yung upuan kung saan dapat ako. Agad naman tumalima yung dalawa. "Okay sila pala iyon.. So anong pangalan ninyong dalawa?" tanong nito ako naman busy sa cellphone. May pina fill upan sa kanila ng matapos ito pumasok ang secretary ni tito jet. May dala ito limang uniform kasama na ang kanilang p.e. "Ito oh. Tulad ng utos ni miss flame ay may allowance iyan na size para hindi sainyo masikip." naka ngiti nitong sabi sa dalawang dalaga. Nung isang araw ko pa sinabi sila about sa details ng dalawang ito. "Done na flame. " sabi ni tito jet. Tumayo na ako at ganun din ang dalawang babae. "Thank you uncle.. Let's go." aya ko sa dalawa. "Pwede na kayo mag start ng klase in monday dun narin namin ibibigay ang book of rules and regulations dito sa campus." tito said nasa harap na akong pinto ng sabihin niya iyon. "Okay po mr dean thank you po!" magalang na pasasalamat ni crystal. "Muchísimas gracias!" wikang pasasalamat gamit ang espanyol nitong wika. "De nada su majestad." ngiting ganti ni uncle. "Una na kami." malamig kong paalam dito at nauna nang mag lakad sa dalawa. Pumantay sila sakin sa pag lalakad. "Pag may nang bully sainyo dito tell me immediately okay?" sabi ko sa kanilang dalawa habang nag lalakad. "Yes po." ngiting sagot ni crystal. "Marami akong pinatumbang bully dito nung panahon ko dito. Masyado silang epal sa sistema ng school." sabi ko at natawa naman yung dalawa. "Sila po yung mga tao na kulang sa pansin. Akala mo naman kinayaman nila." sabi ni crystal tumango lang ako bilang sangayon "Bakit hinahayaan ng ibang tao ang ganung panget na kaugali?" biglang tanong ni winter. Nasa field na kami. "Dahil yun na lang ang ambag nila sa mundo. " maikli kong sagot. Naramdaman kong may parating na bola agad kong hinila si crystal papunta sa harap ko at sinalo ang bola. Tumigil ako sa pag lalakad at tiningnan kung saan nang galing ang bola. Sa mga lalaking nag tatawanan pa. "Manatili kayo dito." malamig kong utos sa dalawa at nag lakad patungo doon. "Hindi man lang kayo hihingi ng paumanhin?" malamig kong tanong sa grupo ng lalaki at babae, dito sa maliit na Court para lang ito sa nga gustong tumambay dito. "Why? and who the h*ll are you?" tanong nung lalaking naka jersey pa. "Ang taong kayang mag pa talsik sa'yo sa paaralan na ito." malamig kong sagot na kina tigil nila ng tawa. "What? bakit sino ka ba? ikaw ba may ari?" sinipat ako nito mula ulo hangang paa at kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ito ng litrato at pinadala kay uncle. "Yeah. Dean of this school owner and i am the president of this school.. Now let me ask you handa ka na bang mapalayas sa paaralan na 'to?" tanong ko at humakbang palapit dito. "Tingin ko mag ka edaran lang tayo. Sayang naman pinaaral sa'yo. Pag bibigyan kita ngayon pero ulitin mo pa mambastos ng kahit sino pakakainin kita ng lupa." matigas kong banta dito at piniga ang bola hangang sumabog ito. "S'ya si miss flame lavistre yung owner. Oh my god!" bulungan ng ibang student. Umalis na ako doon at sinenyasan ang dalawa na mag lakad. - UNBOTHERED BY NEGATIVE SOUL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD